Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku

TANKA AT HAIKU – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan at halimbawa ng tulang tanka at haiku Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanka at haiku na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Tanka At Haiku

Tanka At Haiku - Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku
Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku

Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Tanka At Haiku Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tanka at haiku.

Kahulugan ng Tanka

Ang TANKA ay isang uri ng tula ng mga Hapones. Nabuo ito noong ika-walong siglo at tinuturin ding isang maikling awitin na puno ng damdamin na nagpapahayag ng isang emosyon o kaisipan. Ang karaniwang paksa ng tulang ito ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.

Ang tulang ito ay may (5) limang linya at (31) talumpu’t isang pantig na nagbibigay ng kompletong pahayag ng isang pangyayari o kalagayan. Ang mga taludtod ay karaniwang nahahati sa pantig na 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang kabuuan ng pantig ay 31.

Kahulugan ng Haiku

Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy sa isang anyo ng tula. Hindi kagaya ng ibang mga tula, ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.

Halimbawa Ng Tanka At Haiku

Halimbawa ng TankaHalimbawa ng Haiku
Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayon taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

Halimbawa ng tanka
HINDI BULAG
Ang puso’t dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig

Halimbawa ng haiku ni Avon Adarna
Walang magawa
Ika’y nasa puso na
At di aalis
Habang tumitibok pa
O, ang mahal kong sinta

Halimbawa ng tanka Tagalog
HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
Naku gabi na
Dapat tulog na ako
Sa bukas naman
Sisimulan ang araw
Na may malaking ngiti
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.

Halimbawa ng haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
May isang langgam
Sa leeg gumagapang
Nahampas bigla
Hinanap ay nawala
Sa may kumot na pula

Tanka ni hyper_co
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta!


Halimbawa ng haiku ni Gonzalo Flores
Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso

Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan
Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.

Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
Halimbawa Ng Tanka At Haiku

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang TANKA AT HAIKU, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Ng Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan at mga halimbawa ng tulang tanka at haiku Tagalog. Ang tanka at haiku ay mga uri ng tula na galing sa bansang Japan. Ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin hanggang ngayon at naging parte na rin ng kultura nating mga Pilipino.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong tanka at haiku. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about,Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment

Your email address will not be published.