PAGKAKATULAD HAIKU AT TANAGA – Ngayon ating matutunghayan kung ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga batay kahulugan at halimbawa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na sumulat ng mga haiku at tanaga na ating ginagamit ngayon.
Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang pagkakatulad ng Haiku At Tanaga Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng haiku at tanaga.
Ano Ang Pagkakatulad ng Haiku At Tanaga? – Kahulugan At Halimbawa
Time needed: 2 minutes.
Narito ang pagkakatulad ng haiku at tanaga.
- Bagaman ang tulang tanaga ay katutubong tula ng mga Pilipino at ang haiku naman ay katutubong tula ng mga Hapon. Pareho naman silang lumaganap sa panahon ng mga Hapones dito sa Pilipinas.
- Ang isa pang pagkakatulad ng haiku at tanaga ay pareho itong tula na maiksi lamang.
- Ang haiku at tanaga ay parehong may tugma at sukat.
- Parehong naglalaman ng matatalinhagang salita ang haiku at tanaga.
Halimbawa Ng Haiku At Tanaga
HAIKU | TANAGA |
Ulilang damo Sa tahimik na ilog Halika, sinta! Halimbawa ng haiku ni Gonzalo Flores | PASLIT Maraming mga bagay, Na sadyang lumalatay, Isip ko’y walang malay, Sa hiwaga ng buhay? |
Gabing madilim, Kulay ay inilihim, Kundi ang itim. | Totoong sinungaling, At talagang malihim, Pipi kung kausapin, Walang kibo’y matabil, Tanaga ni Ildefonso Santos |
HINDI BULAG Ang puso’t dibdib Malagkit kung tumitig Kung umiibig Halimbawa ng haiku ni Avon Adarna | TANAGA Ang tanaga na tula Ay sining at kultura Tatak ng ating bansa Hanggang wakas ng lupa. Halimbawa ng tanaga |
Baliw sa haiku Tuloy lang sa pagbuo Hanggang maluko. | KURAKOT Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Naitago na kasi. |
HUWAG ITAGO Maging tapat ka, Sabihin ang problema Huwag mangamba. | Ang isa sa kaaway, Na marami ang bilang, Ang iyong pangilangan, Ayan… katabi mo lang! Tanaga ni Ildefonso Santos |
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang HAIKU AT TANAGA, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.
- Tanaga Halimbawa
- Tanka At Haiku
- Pagkakatulad ng Tanka At Haiku
- Pagkakaiba Ng Tanka At Haiku
- Haiku At Tanaga
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan at mga halimbawa ng tulang haiku at tanaga Tagalog. Ang haiku at tanaga ay mga uri ng tula na parte na ng kasaysayan at kultura natin. Ito ay ginagamit pa rin hanggang ngayon at naging parte na rin ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.