PAGKAKAIBA TANKA AT HAIKU – Ngayon ating matutunghayan kung ano ang pagkakaiba ng haiku at tanka batay kahulugan at halimbawa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na sumulat ng mga tanka at haiku na ating ginagamit ngayon.
Pagkakaiba Ng Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang pagkakaiba ng Tanka At Haiku Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tanka at haiku.
Ano Ang Pagkakaiba ng Tanka At Haiku? – Kahulugan At Halimbawa
TANKA | HAIKU |
Ang tanka ay uri ng tula at maikling awitin ng mga Hapones na nabuo noong ika-8 na siglo. | Ang haiku ay isang uri ng tula ng mga Hapones na nabuo noong ika-15 na siglo. |
May 31 na pantig ang tanka, 5 na taludtod at 5-7-5-7-7, 7-7-7-5-5 o maaaring magkakapalit- palit na sukat. | May 17 na pantig ang haiku, 3 na taludtod at 5-7-5 na sukat. |
Karaniwang paksa nito ang pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. | karaniwang paksa nito ang kalikasan at pag-ibig. |
Halimbawa Ng Tanka At Haiku
Halimbawa ng Tanka | Halimbawa ng Haiku |
Araw na mulat Sa may gintong palayan Ngayon taglagas Di ko alam kung kelan Puso ay titigil na Halimbawa ng tanka | HINDI BULAG Ang puso’t dibdib Malagkit kung tumitig Kung umiibig Halimbawa ng haiku ni Avon Adarna |
Walang magawa Ika’y nasa puso na At di aalis Habang tumitibok pa O, ang mahal kong sinta Halimbawa ng tanka Tagalog | HUWAG ITAGO Maging tapat ka, Sabihin ang problema Huwag mangamba. Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com |
Naku gabi na Dapat tulog na ako Sa bukas naman Sisimulan ang araw Na may malaking ngiti | Baliw sa haiku Tuloy lang sa pagbuo Hanggang maluko. Halimbawa ng haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com |
May isang langgam Sa leeg gumagapang Nahampas bigla Hinanap ay nawala Sa may kumot na pula Tanka ni hyper_co | Ulilang damo Sa tahimik na ilog Halika, sinta! Halimbawa ng haiku ni Gonzalo Flores |
Wala nang iba Ikaw lamang, Sinta ko Ang nasa puso Ikaw ay iingatan Hinding hindi sasaktan | Gabing madilim, Kulay ay inilihim, Kundi ang itim. Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com |
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang TANKA AT HAIKU, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.
- Haiku Tungkol Sa Pag-ibig – 10+ Halimbawa Ng Tulang Haiku 5-7-5
- Tanaga Kahulugan – Kahulugan Ng Tanaga At Halimbawa
- Tanaga Halimbawa – 20+ Halimbawa Ng Tanaga (Tanaga Examples)
- Tanaga Tungkol Sa Kalikasan – 10+ Halimbawa Ng Tulang Tanaga 7-7-7-7
- Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa ng Tulang Tanaga 7-7-7-7
- Kahulugan Ng Tanka – Ano Ang Kahulugan ng Tanka At Halimbawa Nito
- Halimbawa ng Tanka – 15+ Mga Halimbawa ng Tulang Tanka 5 7 5 7 7
- Tanka Tungkol Sa Kalikasan – 5+ Halimbawa Ng Tulang Tanka 5 7 5 7 7
- Tanka Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa Ng Tulang Tanka 5 7 5 7 7
- Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa ng Tanka At Haiku
- Pagkakatulad ng Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa
Summary Ng Pagkakaiba Ng Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang pagkakaiba ng tulang tanka at haiku Tagalog. Ang tanka at haiku ay mga uri ng tula na galing sa bansang Japan. Ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at Pilipinas na ginagamit pa rin hanggang ngayon.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong tanka at haiku. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about, Pagkakaiba ng Tanka At Haiku – Kahulugan At Halimbawa 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.
We are Proud Pinoy.