PAGKAKAIBA HAIKU AT TANAGA – Ngayon ating matutunghayan kung ano ang pagkakaiba ng haiku at Tanaga batay kahulugan at halimbawa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na sumulat ng mga haiku at tanaga na ating ginagamit ngayon.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang pagkakaiba ng Haiku At Tanaga Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng haiku at tanaga.
Ano Ang Pagkakaiba ng Haiku At Tanaga? – Kahulugan At Halimbawa
HAIKU | TANAGA |
Ang haiku ay katutubong tula ng mga Hapon. | Ang tanaga ay katutubong tula ng mga Pilipino. |
Ang haiku ay may tatlong taludtod at 5 7 5 na pantig. | Ang tanaga ay may apat na taludtod at 7 7 7 7 na pantig. |
Halimbawa Ng Haiku At Tanaga
HAIKU | TANAGA |
Ulilang damo Sa tahimik na ilog Halika, sinta! Halimbawa ng haiku ni Gonzalo Flores | PASLIT Maraming mga bagay, Na sadyang lumalatay, Isip ko’y walang malay, Sa hiwaga ng buhay? |
Gabing madilim, Kulay ay inilihim, Kundi ang itim. | Totoong sinungaling, At talagang malihim, Pipi kung kausapin, Walang kibo’y matabil, Tanaga ni Ildefonso Santos |
HINDI BULAG Ang puso’t dibdib Malagkit kung tumitig Kung umiibig Halimbawa ng haiku ni Avon Adarna | TANAGA Ang tanaga na tula Ay sining at kultura Tatak ng ating bansa Hanggang wakas ng lupa. Halimbawa ng tanaga |
Baliw sa haiku Tuloy lang sa pagbuo Hanggang maluko. | KURAKOT Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Naitago na kasi. |
HUWAG ITAGO Maging tapat ka, Sabihin ang problema Huwag mangamba. | Ang isa sa kaaway, Na marami ang bilang, Ang iyong pangilangan, Ayan… katabi mo lang! Tanaga ni Ildefonso Santos |
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan at mga halimbawa ng tulang haiku at tanaga Tagalog. Ang haiku at tanaga ay mga uri ng tula na parte na ng kasaysayan at kultura natin. Ito ay ginagamit pa rin hanggang ngayon at naging parte na rin ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.