Halimbawa ng Haiku Sa Tagalog (Examples ng Haiku)

HALIMBAWA NG HAIKU – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga examples o halimbawa ng tulang haiku sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan Ng Haiku?

Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy sa isang anyo ng tula. Hindi kagaya ng ibang mga tula, ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.

Halimbawa ng Haiku - Haiku Halimbawa (Examples ng Haiku)
Haiku Halimbawa

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa sa Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga example o halimbawa ng haiku.

Halimbawa ng Tulang Haiku

PINAKA
Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!

PANGINOON ko
Patawarin mo ako
Ako’y iwasto.

KAHIT GISING
Panaginip ka
Kahit na sa umaga,
Ika’y ligaya.

Mga haiku ni Avon Adarna

ILIGTAS
Ililigtas ko,
Mabihag man ng mundo,
Aking katoto.

Magdasal ngayon
Sa ating PANGINOON
Upang maglaon.

Examples ng Haiku

HANGGANG
Madaling-araw,
Gising kang tinatanaw,
Hanggang pumanaw.

Ang kalsada na ito
Wala nang naglalakad na ito,
Maliban sa takip-silim.

Halimbawa ng tulang haiku ni Bashō

TUNAY
Tunay na diwa,
Nitong pakikisama,
Ay nasa digma.

Masamang tao
Darating ang wakas mo
Sa impiyerno.

Haiku halimbawa

MOVING ON
Luhang natuyo
Ng sinaktang pagsuyo,
Kusang naglaho.

Haiku Halimbawa (Examples ng Haiku)

Ang suntok ng taglamig
Mga mata ng mga pusa
Kumurap.

Haiku ni Bashō

BALATKAYO
May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
Kung kasayahan.

Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.

TAMEME
Lipad sa ulap
Na sa wari’y kaysarap,
Kapag kaharap.

Haiku ni Avon Adarna

Pinutol ko ang isang sanga
at pinaputi ito ng mas mahusay
sa pamamagitan ng bintana.

haiku ni Shiki

Examples ng Haiku

HAIKU
Itinuring ko,
Kaibigang totoo,
Ang tulang haiku.

Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.

HINDI BULAG
Ang puso’t dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig

Haiku ni Avon Adarna

Humiga
Nakikita ko ang mga ulap na dumadaan
silid ng Tag-init.

Haiku ni Yaha

HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga tulang haiku. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo. Ang haiku ay isang tradisyunal na uri ng sining na tula sa Japan. Mayroon itong 17 na pantig na nahahati sa 3 taludtod ng 5-7-5 na pantig bawat linya.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tulang haiku, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment