Haiku Tungkol Sa Pag-ibig – 10+ Halimbawa Ng Mga Haiku

HAIKU TUNGKOL SA PAG-IBIG – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga halimbawa ng tulang haiku tungkol sa pag-ibig na may 5-7-5 na pantig sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku ukol sa pag-ibig na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan Ng Haiku?

Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy sa isang anyo ng tula. Hindi kagaya ng ibang mga tula, ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.

haiku tungkol sa pag-ibig- 10+ halimbawa ng tulang haiku 5-7-5
haiku tungkol sa pag-ibig

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Haiku tungkol sa Pag-ibig Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng haiku.

10+ Halimbawa Ng Tulang Haiku Tungkol Sa Pag-ibig 5-7-5

Kahit bumagyo,
O lindolat delubyo,
Narito ako.

Ang pag-ibig mo
Ay hindi pagmamahal,
Kundi pangarap.

Halimawa ng haiku tungkol sa pag-ibig ni zilyonaryo

Walang kapalit
Sa pusong nakaukit,
Lahat ng saglit.

Huwag Itago
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

Kapag nakita
Na may kasamang iba
Nagseselos na.

Iligtas
Ililigtas ko,
Mabihag man ng mundo,  
Aking katoto.

Halimbawa ng tulang haiku tungkol sa pag-ibig ni Ziandykate

Sagutin ako
ng matamis mong oo,
Tiyak na sisirko.

Pagkabigo
Minsan na kitang
Na nais ngunit
Ako’y iyong nabigo

Ang aking puso,
Sa iyo nakaturo,
Hanggang sa dulo.

Nakakakilig
Kung ika’y umiibig
Sarap sa dibdib.

Halimbawa ng tulang haiku mula sa Tula Ng Pag-ibig

Masakit nga ba
Kung mahal ay nawala
Na parang bula?

Sama ng loob,
Mahirap na magamot
Kung walang irog.

Mahaling tunay,
Kasintahan sa buhay,
Lahat ialay.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga tulang haiku ukol sa pag-ibig. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo. Ang haiku ay isang tradisyunal na uri ng sining na tula sa Japan. Mayroon itong 17 na pantig na nahahati sa 3 taludtod ng 5-7-5 na pantig bawat linya.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tulang haiku, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment