Haiku Tungkol Sa Kalikasan – 10+ Halimbawa Ng Tulang Haiku 5-7-5

HAIKU TUNGKOL SA KALIKASAN – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga halimbawa ng tulang haiku tungkol sa kalikasan na may 5-7-5 na pantig sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku ukol sa kalikasan na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan Ng Haiku?

Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy sa isang anyo ng tula. Hindi kagaya ng ibang mga tula, ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.

Haiku Tungkol Sa Kalikasan – 10+ Halimbawa Ng Tulang Haiku 5-7-5

haiku tungkol sa kalikasan - 10+ halimbawa ng tulang haiku 5-7-5
haiku tungkol sa kalikasan – 10+ halimbawa ng tulang haiku 5-7-5

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Haiku Tungkol sa Kalikasan Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng haiku.

Ang Kalikasan
Dapat nating ingatan
Ating tahanan

Dagat na asul
At hindi yung maitim
Para sa bayan

Tayo’y maglinis
Para sa kaligtasan
Ng Kalikasan

 Hanging malinis
Ang gusto kong malanghap
Bakit wala na

Isang tahanan
Wala na tayong iba
Dapat tandaan

Ulan, o ulan!
halika at pawiin
ang malabong tingin

Mga Halimbawa Ng Tulang Haiku Tungkol Sa Kalikasan

Ginhawang Asul
Mataimtim na bukas
Ito’y gusto ko

O, haring araw
tulungan mong gumaling
ang mga sugat

Puno’y itanim
At ating maiwasan
Labis na baha

Isipin natin
Ang ating ginagawa
Sa kalikasan

Ang kalsada na ito
Wala nang naglalakad na ito,
Maliban sa takip-silim.

Halimbawa ng tulang haiku ni Bashō

ILIGTAS
Ililigtas ko,
Mabihag man ng mundo,
Aking katoto.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Sa Haiku Tungkol Sa Kalikasan

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga tulang haiku tungkol sa kalikasan. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo. Ang haiku tungkol sa kalikasan ay isang tradisyunal na uri ng sining na tula sa Japan. Mayroon itong 17 na pantig na nahahati sa 3 taludtod ng 5-7-5 na pantig bawat linya.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong haiku. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Haiku Tungkol Sa Kalikasan – 10+ Halimbawa Ng Tulang Haiku 5-7-5 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment

Your email address will not be published.