Haiku Kahulugan At Halimbawa Tagalog

HAIKU KAHULUGAN – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng haiku sa Tagalog at halimbawa. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan Ng Haiku?

Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy sa isang anyo ng tula. Hindi kagaya ng ibang mga tula, ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.

Haiku Kahulugan - Ano Ang Kahulugan Ng Haiku At Halimbawa
Haiku Kahulugan At Halimbawa

Halimbawa Ng Haiku

Batay sa ibig-sabihin ng haiku, narito naman ang mga halimbawa ng haiku para sa inyo.

Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.

HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta!

Halimbawa ng haiku ni Gonzalo Flores

Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.

TUNAY
Tunay na diwa,
Nitong pakikisama,
Ay nasa digma.

HINDI BULAG
Ang puso’t dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig

Halimbawa ng haiku ni Avon Adarna

Iba Pang Halimbawa Ng Haiku

PINAKA
Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!

Magdasal ngayon
Sa ating PANGINOON
Upang maglaon.

BALATKAYO
May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
Kung kasayahan.

TAMEME
Lipad sa ulap
Na sa wari’y kaysarap,
Kapag kaharap.

Haiku ni Avon Adarna

Masamang tao
Darating ang wakas mo
Sa impiyerno.

MOVING ON
Luhang natuyo
Ng sinaktang pagsuyo,
Kusang naglaho.

Haiku ni Avon Adarna

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga kahulugan ng haiku at halimbawa. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyong pag-aaral mga kaibigan.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tulang haiku, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment