Haiku At Tanaga – Kahulugan At Halimbawa Ng Haiku At Tanaga

HAIKU AT TANAGA – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan at halimbawa ng tulang haiku at tanaga Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku at tanaga na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Haiku At Tanaga

Haiku At Tanaga - Kahulugan At Halimbawa Ng Haiku At Tanaga
Haiku At Tanaga – Kahulugan At Halimbawa Ng Haiku At Tanaga

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito. Para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Haiku At Tanaga Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng haiku at tanaga.

Kahulugan At Halimbawa ng Haiku At Tanaga

Kahulugan ng Haiku

Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy sa isang anyo ng tula. Hindi kagaya ng ibang mga tula, ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.

Kahulugan ng Tanaga

Ang tanaga ay isang sinauna at maikling tulang Tagalog. Ito ay may instrukturang 4 na taludtod, binubuo ng pitong (7) pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makatang Pilipino. Naglalaman ito ng mga matatalinhagang salita.

Nagtataglay ito ng isang tugmaan na a-a-a-a, ngunit ang makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan – a-b-b-a, salitan – a-b-a-b at sunuran a-a-b-b.

Halimbawa Ng Haiku At Tanaga

HAIKUTANAGA
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta!


Halimbawa ng haiku ni Gonzalo Flores
PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?
Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.

Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
Totoong sinungaling,
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,

Tanaga ni Ildefonso Santos
HINDI BULAG
Ang puso’t dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig

Halimbawa ng haiku ni Avon Adarna
TANAGA
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.

Halimbawa ng tanaga
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.

Halimbawa ng haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.
HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
Ang isa sa kaaway,
Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan… katabi mo lang!

Tanaga ni Ildefonso Santos
Halimbawa Ng Haiku At Tanaga

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang HAIKU AT TANAGA, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Ng Kahulugan At Halimbawa ng Haiku At Tanaga

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan at mga halimbawa ng tulang haiku at tanaga Tagalog. Ang haiku at tanaga ay mga uri ng tula na parte na ng kasaysayan at kultura natin. Ito ay ginagamit pa rin hanggang ngayon at naging parte na rin ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong haiku at tanaga. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Kahulugan At Halimbawa ng Haiku At Tanaga 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Reply

%d bloggers like this: