Tula Tungkol sa Wikang Filipino – 11 Maikling Tula

TULA TUNGKOL SA WIKANG FILIPINO – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang Tula tungkol sa wikang Filipino at ang kahulugan at mga halimbawa ng tulang may apat na saknong.

Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa mga Tula ng wika at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol dito.

Kasama rin dito ang higit sampong halimbawa ng Tula tungkol sa wika na tiyak ay magugustohan ninyo.

Tula Tungkol sa Wikang Filipino
Tula Tungkol sa Wikang Filipino

Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Tula para sa wika. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa at uri ng Tula.

Ano ang Kahulugan ng Tula tungkol sa Wikang Filipino?

Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.

Layunin ng bawat tula na maipahayag ang damdamin ng indibidwal sa paraan ng masining na pagsulat. Isa itong paraan upang maibahagi ang nais iparating, kaisipan at mga imahinasyon nga mga manunulat sa mga tagabasa.

Sa susunod na saknong ay ating malalamn kung anu ang sangkap at limang elemento ng tula.

11 Maikling Halimbawa Ng Mga Tula Tungkol sa Wikang Filipino

Tignan ang mga nakalistang tula tungkol sa wika na siguradong magugustohan mu.

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga halimbawa ng tula tungkol sa Wikang Filipino.

  1. Ang Wikang Filipino

  2. Ako’y Wika

  3. Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino

  4. Wikang Filipino

  5. Ang Teknolohiya at Ang Wika

  6. Tula tungkol sa Wikang Filipino: Laging Pana-Panahon

  7. Wikang Pambansa, Wikang Panlahat

  8. Ang Wikang Pilipino

  9. Pilipinong Banyaga sa Wikang Filipino

  10. Iniibig Ko Ang Wikang Filipino

  11. FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa

Ipagpatuloy lg ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula tungkol sa wika.

Limang Elemento ng Tula

Narito ang mga sangkap at limang elemnto ng tula.

  1. Sukat – Ang sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Ang mga pantig ay paghahati ng salita na nakabase sa paraan ng pagbasa nito.
  2. Saknong – Ito ay binubuo ng mga taludtod o linya ng mga salita sa isang tula. Bawat pangkat ng mga salita ay nakabase sa uri ng tula.
  3. Taludtod – Ito ay pangkat ng mga salita sa isang linya ng bawat saknong. Ang mga linya o taludtod ay maaring may tugma at sukat. Nakabase ito sa uri ng tula na sinulat at binuo.
  4. Tugma – Ang Tugma ay maaring wala o naroon sa bawat huling pantig ng mga taludtod. Ito ay makikita lamang kung ang uri ng tula ay pormal.
  5. Talinghaga – Ang mga talinghaga ang nagbibigay kulay at kagandahan sa kabuuan ng isang tula. Sa pamamagitan ng mga talingaha ay may magandang pakinggan at basahin ang nilalaman nito.

Halimbawa ng Tula Tungkol sa Wikang Filipino

Narito ang halimbaawa ng Tula tungkol sa wika ang filipino na may apat na saknong.

1. Ang Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ay katangi-tangi
Hindi mapagkakaila ni maitatanggi
Wikang nagbubuklod at nag-iisa
Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilya

Nawa’y pahalagahan, at bigya’ng kabuluhan
Pagka’t ang wikang ito ay nag-iisa lang
Walang makapapantay sa tanging karanasan
ng Wikang Filipino, ng mga panahong nagdaan

Lahat napagdaanan para lang makamtan
Kalayaan sa kamay ng mga dayuhan
Dugo’t pawis natamo sa mga kasaysayan…

Tula ni Grasya

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Wikang Filipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


2. Ako’y Wika

Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!

Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita…

Tula ni Kiko Manalo

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ako’y Wika” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


3. Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig – na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato – na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan…

Tula ni Avon Adarna

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


4. Wikang Filipino

Ito ay punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.

Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa
Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.

Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.

Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat
Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas…

Tula ni Marvin Ric Mendoza

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Wikang Filipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


5. Ang Teknolohiya at Ang Wika

Pinagkaitan nga ng mga patinig,
Mga pangungusap – kulang sa katinig,
At kung babasahin sa tunay na tinig,
Ay mababanaag ang kulang na titik!

Sa sulating pormal at mga sanaysay,
Ano’ng pakinabang kung putol at sablay,
Kulang na ang letra’y mali pa ang baybay,
Ang akala yata’y lubhang mahinusay.

Sa paglalahad ng totoong damdamin,
Hindi ba nagkulang sa ibig sabihin?
Sa pagsusulit ba at mga eksamin…

Tula ni Avon Adarna

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Teknolohiya At Ang Wika” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


6. Laging Pana-Panahon

Umuusok ang lupa,
Umaso’t, nagbabaga,
Bumibirit ang liyab,
Muntik na ngang magsilab!

Ang araw’y naglalatang,
Harapan ay buyangyang
Saka nakapamaywang,
Nakanguso’t mayabang!

Nag-alsa ang ligamgam,
Bumabangong mainam,
Ang hanap ay kalaban…

Tula ni Avon Adarna

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Laging Pana-Panahon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


7. Wikang Pambansa, Wikang Panlahat

Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao
Tuwing Agosto’y sabay-sabay humihiyaw
Grupong etniko sa ‘Pinas nagkakaisa
Pinagyayaman pang lalo ang wika nila.

Ilokano, Bisaya, maging ang Tausug
Sa wikang-ginto, Pilipinas ay busog.
Chavacano, Cebuano, Ilonggo’t marami pa
Pagsaluha’t mahalin, bigay ng Dakilang Lumikha.

Iba’t ibang salita man ang banggit
Sa puso’t kaluluwa’y iisa lang ang gamit
Buong pagmamahal itong ipagpunyagi…

Tula ni Gerlie L. Palmenco

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Wikang Pambansa, Wikang Panlahat” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


8. Ang Wikang Pilipino

Wikang pilipino ay ating mahalin
Ito ang sagisag nitong bansa natin,
Binubuklod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.

Wikang pilipino ay maitutulad
Sa agos ng tubig na mula sa dagat,
Kahiman at ito’y sagkahan ng tabak
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.

Oo, pagkat ito’y nauunawaan
Ng Wikang Pambansa sa baya’y ituro,
Tatlumpu’t dalawang taong sinapuso…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Wikang Pilipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


9. Pilipinong Banyaga sa Wikang Filipino

Ikaw kabataan, binibini, ginoo
Sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito
Maalam ka ba sa Wikang Filipino?
O isa kang banyaga sa wika mo?

Kamusta o kumusta?
Ano nga ba ang tama sa dalawa?
Tagalog o Filipino ba?
Ano rito ang pambansang wika?

Magaling, kay galing!
Ang isip sa wika ng iba’y matulin
Kapag Wikang Filipino ang usapin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pilipinong Banyaga sa Wikang Filipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


10. Iniibig Ko Ang Wikang Filipino

Ginulo mo ang isip ko sa paraang gusto ko
Pinilit ko mang umiwas ngunit sinuyo mo ako
Itinakas sa ‘king mundo dinala sa’yong palasyo
Aking nadarama hindi ito ordinaryo.

Hanap ko’y salita, angkop na salita
Sa paglalarawan nais ko sanang ipakita
Angkin mong kulay o kay iga-igaya
Bakit ang iba’y hindi ito makita?

Musmos nang ika’y unang makapiling
Ang makilala ka ng malalim yan ang aking hiling
Sana’y makita ka saan man bumaling…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Iniibig Ko Ang Wikang Filipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.


11. FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa

Pagkakaisa ano ba ang iyong diwa?
Ito ba’y para sa iba’t ibang lahi at bansa?
Wika, ano ba ang iyong makakaya?
Matibay ka bang sandata sa pagbibigkis ng diwa?

Wika ng pagkakaisa ang isinisigaw mo
Habang ang bayan ay nagdidiliryo
Ninakawan ng kampon ng mga manggagantso
Una sa Hudisyaryo, Lehislatibo at ngayo’y Ehekutibo

Nalilito, nahihilo, utak ay gulong gulo
Saan ba nagmula wika ng tao sa mundo?
Iba’t ibang teorya sa kaisipa’y nabubuo…

Tula ni Jennifor L. Aguilar

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Konklusyon

At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Tula Tungkol sa Wikang Filipino at mga halimbawa sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring ma i-download ang PDF tungkol sa Tula.

Pagtatanong

Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko na Tula Tungkol sa Wika, maari po ninyong itala sa komento.

Karagdagang Topiko at Aralin:

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment