Tula Halimbawa at Kahulugan Tagalog

Tula Halimbawa at Kahulugan– Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang mga halimbawa ng tula at kahulugan nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa mga Tula ng Filipino at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol dito.

Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Tula. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa at uri ng Tula.

Tula Halimbaw at Kahulugan - Examples and Meaning
Tula Halimbaw at Kahulugan Tagalog

Ano ang Kahulugan ng Tula?

Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.

Layunin ng bawat tula na maipahayag ang damdamin ng indibidwal sa paraan ng masining na pagsulat. Isa itong paraan upang maibahagi ang nais iparating, kaisipan at mga imahinasyon nga mga manunulat sa mga tagabasa.

Mga Elemento at Halimbawa ng Tulang Filipino :

Time needed: 10 minutes.

Narito ang mga Elemento at Halimbawa ng Tula.

  1. Sukat

    Ang sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Ang mga pantig ay paghahati o “syllable” ng salita na nakabase sa paraan ng pagbasa nito.

    Halimbawa:
    “Wika na nagbubuklod at nag-iisa
    Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilya”

  2. Saknong

    Ito ay binubuo ng mga taludtod o linya ng mga salita sa isang tula. Bawat pangkat ng mga salita ay nakabase sa uri ng tula.

    Halimbawa:
    “Kaya’t akoy nananawagan sa ating kabatan
    Wikang nakamit ay wag nating pabayaan
    Ibahagi ang handog ng ating kanunuan
    Upang wikay mapreserba at mabigyang kabuluhan”

  3. Taludtod

    Ito ay pangkat ng mga salita sa isang linya ng bawat saknong. Ang mga linya o taludtod ay maaring may tugma at sukat. Nakabase ito sa uri ng tula na sinulat at binuo.

    Halimbawa:
    “Kaya’t akoy nananawagan sa ating kabatan” – Unang Taludtod
    “Wikang nakamit ay wag nating pabayaan” – Ikalawang Taludtod
    “Ibahagi ang handog ng ating kanunuan” – Ikatlong Taludtod
    “Upang wikay mapreserba at mabigyang kabuluhan” – Pang-apat na Taludtod

  4. Tugma

    Ang Tugma ay maaring wala o naroon sa bawat huling pantig ng mga taludtod. Ito ay makikita lamang kung ang uri ng tula ay pormal.

    Halimbawa:
    Tugma ng Tula Halimbawa

  5. Talinghaga

    Ang mga talinghaga ang nagbibigay kulay at kagandahan sa kabuuan ng isang tula. Sa pamamagitan ng mga talingaha ay may magandang pakinggan at basahin ang nilalaman nito.

    Halimbawa:
    Isang kahig, isang tuka – Mahirap
    Balat-sibuyas – Sensitibo

Mga Tula Halimbawa

Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Ina Tagalog
Para sa Iyo, Inay

21 years ago, ito ay aking kinompose
Ipinahayag ang damdamin sa inang ang pagmamahal ay lubos
Nag-uumapaw na damdamin at paghangang sa puso ay taos
Sa katangi-tanging babaeng sa ami’y bigay ng Diyos:
___________________

Ang pagiging ina ay napakadakila
Karamihan ng babae’y ito ang inaadhika
Talagang maituturing na isang biyaya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Para sa Iyo, Inay” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Para sa Iyo, Inay” ni Marilou H. Anila ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

Example ng Tula Tungkol Sa Kaibigan Tagalog
Tula Para sa Tropa (Graduation Poem)

Ang High School sa akin ang pinakamasaya,
Dahil mga tunay na kaibigan, dito ko nakilala.
Sinamahan n’yo ako sa saya man o problema,
Hanggang sa huli nating pagsasama.

Tinuruan nyo ako ng mga bagay na dati’y di ko kaya,
Kaya ngayon mas gumaling akong magDotA.
At lalong tinuruan n’yo ako mga tropa…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para sa Tropa (Graduation Poem)” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tula Para sa Tropa (Graduation Poem) ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Example ng Tula Tungkol Sa Magulang Tagalog
Ang Ibon na Kinulong sa Haula

Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.
Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.

Ang aking haula ay maganda.
Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Ibon na Kinulong sa Haula” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Ang Ibon na Kinulong sa Haula” ni Nathaniel Anthony T. Jubac ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga magulang.

Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Pandemya Tagalog
PANDEMYA

Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito

Sa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “PANDEMYA” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “PANDEMYA” ni Trisha Pereyna ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19).

Example ng Tula Tungkol Sa Guro Tagalog
Super Hero ng Buhay ko!

Masaya…
Karamay…
Sandigan…
Gurong Maasahan…

Tama ikaw…
Ang aking ilaw…
Ilaw na patnubay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Super Hero ng Buhay Ko!” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Super Hero ng Buhay Ko!” ni Raymond Nachor ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.

Example ng Tula Tungkol Sa Pangarap
Ang Pangarap Mong Tangan

Pangarap mong tangan tangan,
Isa-puso’t huwag kalimutan;
Tulang ito’y maging kalakasan,
Diyos nawa’y ikaw’y gabayan.

Ano nga ba ang halaga ng inaasam mong tala?
Kung natapakan mo naman ang nagturo, ang naggiya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pangarap Mong Tangan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Ang Pangarap Mong Tangan” ni Francis Morilao ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.

Example ng Tula Tungkol Sa Sarili Tagalog
Tula Para sa Sarili

Nasumpungan kita sa harap ng salamin.
Binabagtas ng iyong dalumat ang bawat bakat,
bawat lamat at pilat ng tatlong dekadang paghahanap
sa balon ng buhay na walanghanggan,
na nakatato sa iyong noo, sa iyong pisngi, sa iyong mukhang
tinatabingan ng iyong buhok na pinahaba upang matakpan
ang iyong mga kasalanan.

Kay tagal nating hindi nagkita bagamat lagi tayong magkasama.
Hindi madalas ang pagsisiyasat natin ng haraya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para sa Sarili” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Tula Para sa Sarili” ni Juan Ekis ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa sarili na magbibigay inspirasyon upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.

Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Pag-ibig Tagalog
Pag-ibig

Pag-ibig na parang pagsikat ng araw
Damdaming tila umaapaw
Ito’y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Pag-ibig na sadyang walang kapantay

Ito’y haplos sa dalampasigan ng mga alon
Kasing ganda ng paghuni ng ibon…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-ibig” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pag-ibig” ni Cal Ashiq ay isang halimbawa ng maikling hugot tula tungkol sa pag-ibig.

Example ng Tula Tungkol Sa Karapatang Pantao Tagalog
Iyan Ang Dapat!

I.
Lahat ng tao ay may karapatang umunlad at matuto,
mabigyan ng edukasyon at oportunidad na sapat.
Maipakita ang kakayahan at makapagtrabaho,
karapatang mamuhay ng payapa, ‘yan ang dapat!

II.
Mayroong kakayahang ipahayag ang kanyang damdamin,
sa mga usaping panlipunan ay makapagsalita nang tapat…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Iyan Ang Dapat!” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Iyan Ang Dapat! ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang sa karapatang pantao.

Example ng Tula Tungkol Sa Kahirapan Tagalog
Sigaw Ng Mamamayan

Bawat oras na sumasapit
Patuloy paring pinipilit
Araw-araw na pamamaliit
Ano ba ang dapat ipalit?

Inay, itay
Kumusta ang ating bahay?
Hapag na puro lumbay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sigaw Ng Mamamayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Sigaw Ng Mamamayan” ni misswithglasses ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas.

Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Diyos Tagalog
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin

I.
Ang Diyos ay pag-ibig na alay
Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay ‘di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.

II.
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin
‘Di masusukat ng hanggang tingin
‘Di rin sa salita at awitin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tula na pinamagatang “Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin” ni Hannaheart ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at sa buhay.

Example ng Tula Tungkol Sa Edukasyon Tagalog
Pamana

I.
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya
Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.

II.
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay
Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pamana ” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tula na pinamagatang Pamana ay isang maikling tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa Pilipinas.

Konklusyon

At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Tula Kahulugan o meaning at mga halimbawa o examples sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring kayong bumisita sa aming websyt.

Pagtatanong

Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko tungkol sa kun Tula ng Filipino, maari po ninyong itala sa komento.

Karagdagang Topiko at Aralin:

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment