Tayutay Kahulugan at Halimbawa – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang kahulugan ng Tayutay, uri at mga halimbawa nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa Tayutay at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol sa mga uri nito.
Sa artikulong ito matuklasin ang mga tunay na kaisipan tungkol sa mga tayutay. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa at uri ng tayutay.

Ano ang kahulugan ng Tayutay?
Ang salitang tayutay o “figure of speech” sa wikang Ingles ay tumutukoy sa mga pahayag na mayroong talinghaga. Ito ay upang magbigay nga mabisa o mas makabuluhan na kahulugan sa mga salitang nilalarawan.
Ang mga matalinghagang salita ay ginagamit upang maging kaakit-akit ang isang pahayag. Upang mabigyan ng paliwanag ang salitang tayutay, ating bibigyan ng karagdagang halimbawa o examples ang mga Uri nito.
Mga Uri Ng Tayutay at Halimbawa nito
1. Pagtutulad o Simile

Ang pagtutulad ay uri ng tayutay na nagsasaad ng paghahambing ng dalawang bagay, tao o pangyayari.
Ginagamitang ang tayutay na pagtutulad ng mga salitang naghahambing na kagaya ng, katulad ng, parang, animo, kawangis ng, paris ng, sing-, tila, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Tinatawag itong simile sa Ingles. Ang mga salitang “tila” at “higit” ang nagsasaad ng pagtutulad o paghahambing.
Halimbawa ng Pagtutulad sa pangungusap:
• Tila parang mansanas ang mga labi ni Lorna.
• Higit na matangkad si Rey kaysa kay Roy.
2. Pagwawangis o Metapora

Ang pagwawangis ay katulad ng pagtutulad na naghahambing ng dalawang bagay, tao o pangyayari.
Subalit hindi ito ginagamitan ng mga pangatnig o salitang tulad ng, parang, kawangis ng, animo, tila at iba pa.
Tinatawag itong metaphor sa Ingles. Nakalapat sa mga gawain, pangalan, tawag o katangian ng bagay na inihahambing ang sinasaad nito.
Halimbawa ng Pagwawangis na tayutay base sa kahulugan nito sa Pangungusap:
• Siya ang pinakamabait na kanilang magkakaibigan.
• Ikaw ay bulaklak sa aking paningin.
3. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification)

Ang pagsasatao ay tumutukoy sa pagbibigay ng mga katangiang pantao sa mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.
Tinatawag itong personification sa Ingles. Ginagamit ito bilang pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa ng Pagsasatao sa pangungusap:
• Kumikindat ang mga bituin.
• Umiiyak ang kalangitan
Ang mga salitang “umiiyak” at “kumikindat” ang nagsasaad ng kilos sa mga bagay na walang buhay.
4. Pagmamalabis (Hyperbole)

Ang pagmamalabis ay mga salitang nagpapahayag nga kahulugan na may eksaherasyon o labis na paglalarawan sa mga pangyayari, bagay o kaisipan.
Tinatawag itong hyperbole sa Ingles.
Halimbawa ng Pagmamalabis sa pangungusap:
• Nagdurugo ang puso ni Nita sa pagkawala ng kanyang pusa.
• Kaya kong abutin ang mga bituin at buwan para sayo.
Ang salitang “nagdurugo ang puso” at “abutin ang mga bituin at buwan” ang nagsasaad ng pagmamalabis na paglalarawan.
5. Pag-uyam (Irony)

Ang pag-uyam ay mga salitang mapangutya ngunit masakit pakinggan kung literal na kahulugan ang basehan at ito ay itinatago sa na parang nagbibigay-puri. Tinatawag itong irony sa Ingles.
6. Pag-uulit

Ang tayutay na pag-uulit ay mayroong anim (6) na uri. Ito ay ang aliterasyon, anapora, epipora, anadiplosis, katapora, at empanodos. Naito ang iba’t ibang kahulugan ng tayutay na pag-uulit.
A. Aliterasyon

Ang aliterasyon ay ang pag-uulit ng unang titik o unang pantig ng inisyal na bahagi ng salita o pahayag.
Halimbawa ng Aliterasyon sa pangungusap:
• Ang taong nasanay sa loob ng bahay ay hindi palahanap ng makakaaway.
B. Anapora

Ang anapora ay ang pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang sugnay, o pahayag.
Nagsisilbi itong reperensiya na kalimitan ay isang panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa ng Anapora sa pangungusap:
• Ang bahaghari ay makulay. Ito ay nagbibigay kulay sa himpapawid.
C. Epipora

Ang epipora ay ang pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng taludtod na sunod-sunod.
Halimbawa ng Epipora sa pangungusap:
• Ang mga mensahe ng Diyos ay igalang mo, sundin mo, at isabuhay mo.
D. Anadiplosis

Ang anadiplosis ay ang pag-uulit ng una o huling bahagi ng sugnay o pahayag at ginagamit ito na panimula ng kasunod na pangungusap.
Halimbawa ng Anadiplosis sa pangungusap:
• Mahiya ka naman dahil siya ay nasaktan. Nasaktan sa mga sinabi mong walang katutuhanan.
E. Katapora

Ang katapora ay tumutukoy sa isang salita o parirala na binabanggit sa hulihan at kadalasan ito ay panghalip.
Sa madaling salita, ito ay panghalip na ginagamit sa unahan ng pangungusap bilang kahalili ng pangngalang nasa gitna o hulihan.
Halimbawa ng Katapora sa pangungusap:
• Ito ang isa sa pinkamagandang propesyon. Ang pagiging isang guro ay tunay na dakilang trabaho.
F. Empanodos

Ang empanodos ay tinatawag ding pabalik na pag-uulit. Ito ay tumutukoy sa pag-uulit ng pagbaliktad ng pahayag.
Halimbawa ng Empanodos sa pangungusap:
• Magbasa ka ng mga sulatin na kailangnang basahin.
7. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke

Ang pagpapalit-saklaw o senekdoke ay ang pagbabanggit sa isang bahagi o bagay upang tukuyin ang kabuuan.
Tinatawag itong synecdoche sa Ingles.
Halimbawa ng Pagpapalit-saklaw na tayutay base sa kahulugan nito sa pangungusap:
• Huwag mo na itapak ang mga paa mo sa pamamahay na kailanman.
• Salamat sa mga kamay na tumulong, madaling natapos ang ating proyekto.
8. Paghihimig o Onomatopeya

Ang paghihimig ay ang paggamit ng mga tunog o himig na mga salita na kung saan naihahatid ang kahulugan nito.
Halimbawa ng Paghihimig sa pangungusap:
• Ang malakas na aw-aw ng aso ang nagbatid sa akin na may tao sa labas.
• Ang ding dong ng kampana ay hudyat na magsisimula na ang misa.
9. Pagtawag, Panawagan o Apostrope

Ang pagtawag ay ang pakiusap o pagsambit sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Tinatawag otng Apostrophe sa Ingles.
Halimbawa ng Apostrope sa pangungusap:
• Pag-ibig, hanggang kailan ako maghihintay sayo.
• Init, kumalma ka at ako’y pinapawis na.
10. Pasukdol

Ang pasukdol ay ang pataas na hanay ng mga kaisipan o salita ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas nito.
Ito rin ay tumutukoy sa paghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip gamit ang mga salitang pinaka-, ubod ng, at iba pa. Tinatawag itong climax sa Ingles.
Halimbawa ng Pasukdol sa pangungusap:
• Pinakamasarap ang lutong pinakbet ni mama kaysa sa mga mabibili sa karenderya.
• Ang pagtuyo ng mga damo, pamumula at paglagas ng mga dahon, paglamig ng simoy ng hangin ay nagpapahiwatig na nandirito na ang taglagas.
11. Pagpapalit-wika

Ang pagpapalit-wika ay ang pagbibigay katauhan kung saan pinagsasabay ang mga katangian ng tao at ginagamit ng pang-uri. Tinatawag itong Transferred-epithet sa Ingles.
Halimbawa ng Pagpapalit-wika na tayutay base sa kahulugan nito sa pangungusap:
• Masaya ang kulay ng kanyang bag.
• Nanghihingi na ng bagong kapalit ang kanyang kaawa-awang telepono.
12. Antiklaymaks

Ang antiklaymaks ay ang paghahanay ng pahayag ng damdamin o kaisipan na pababa ang tindi ng kahulugan o ideya para maliwanang na impresyon.
Kabaliktaran ito ng pasukdol at tinatawag itong anticlimax sa Ingles.
Halimbawa ng Antiklaymaks sa pangungusap:
• Ang pagmamahal ni Dian ay nasayang lang dahil sa panloloko ni Jun.
• Hindi na nadiligan ang halaman, kaya nalanta ito at namatay.
13. Pagpapalit-tawag

Ang pagpapalit-tawag ay ang pagpapalit ng pangalan o tawag sa isang bagay na tinutukoy. Tnatawag itong metonymy sa Ingles.
Halimbawa ng Pagpapalit-tawag sa pangungusap:
• Si Gng. Bernabe ang itinuturing kong pangalawang ina.
• Nakaka-aliw ang bagong anghel nina John at Jane.
14. Paghahalintulad

Ang paghahalintulad ay ang naglalahad ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan. Tinatawag itong analogy sa Ingles.
Halimbawa ng Paghahalintulad sa pangungusap:
• Ikaw ang mainit na pandesal at ako ang kape na nagpapa-init sa malamig na umaga.
• Ikaw ang susi sa nakakandado kong puso.
• Para tayong araw at gabi na hindi makokompleto kung hindi tayo buo.
• Sa iyong pagngiti ay nagagalak ang aking puso.
15. Pagtanggi

Ang pagtanggi ay naglalahad ng hindi pagsang-ayon o pagsalungat gamit ang salitang “hindi.”
Nagpapahayag ito ng kabaliktaran ng ibig-sabihin at ito’y pagkukunwari lamang. Tnatawag itong Litotes sa Ingles.
Halimbawa ng Pagtanggi sa pangungusap:
• Hindi daw siya kakain, pero ubos ang isang kaldero.
• Hindi daw siya iinom pero umuwi siyang lasing.
16. Paralelismo

Ang paralelismo ay ang pagtatag ng mga ideya sa isang pahayag sa pamamagitan ng halos iisang istraktura.
Tinatawag itong parallelism sa Ingles.
Halimbawa ng Paralelismo na tayutay base sa kahulugan nito sa pangungusap:
• Si Diane ay nanghihina dahil sa pagtatae at pagsusuka.
• Gusto ko ang rosas sapagkat ito ay maganda at mamula-mula.
17. Retorika na Tanong

Ang retorika na tanong ay hindi nagpapahayag ng pag-aalinlangan at hindi rin naghihintay ng kasagutan.
Wala itong inaasahang sagot at ang layunin nito ay mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga nakikinig.
Tinatawag itong rhetorical question sa Ingles.
Halimbawa ng Retorika na tanong sa pangungusap:
• Bakit nawala ang iyong pagmamahal?
• Ano na ang nangyari sa inyong mga pangarap?
18. Pangitain

Ang pangitain ay ang paglalahad ng laman ng isip na animo’y tunay na nakikita o nakakaharap ang nagsasalita. Tinatawag itong vision imagery sa Ingles.
Halimbawa ng Pangitain sa pangungusap:
• Sa aking panaginip, ikaw ang pinakasalan.
• Ibibigay ko ang buwan at araw para sa iyo.
19. Pagtatambis

Ang pagtatambis ay ang pagpapahayag o paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Tinatawag itong oxymoron sa Ingles.
Halimbawa ng Pagtatambis sa pangungusap:
• Bakit ka pa maghahanap ng iba kung nandito na rin lang naman ako.
• Ang buhay ay parang panahon, minsan mainit at kung minsan maulan din.
20. Salantunay

Ang salantunay ay ang paglalahad ng isang katotohanan sa paraan ng paggamit ng sangkap na animo’y hindi totoo sa unang pagbasa o dinig.
Tinatawag itong paradox sa Ingles. Halimbawa ng Salantunay na tayutay base sa kahulugan nito sa pangungusap:
• Ang aking inay ay kulang sa pahinga sa bahay.
• Kailangan kong maging madamot para makatulong.
Konklusyon
At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Tayutay Kahulugan, mga Uri, at Halimbawa nito. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko at iba pang aralin sa asignaturang Filipino ay maaaring kayong bumisita sa aming websyt.
Karagdagang Topiko at Aralin:
We are Proud Pinoy.