Example Of Spoken Poetry Tagalog – Pag-ibig

Spoken Poetry Tagalog Examples – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang Spoken Poetry sa Tagalog – ang kahulugan (meaning) at halimbawa (examples) nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa mga Spoken Poetry Tagalog tungkol sa Love (pag-ibig) at crush para mabigyan kayo ng kaalaman tungkol dito.

Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Spoken Poetry o Pasalitang tula. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa at uri ng mga Tagalog Spoken Poetry tungkol sa love (pag-ibig) at crush.

Tagalog Spoken Poetry Example - Love (Pag-ibig) & Crush
Tagalog Spoken Poetry – Pag-ibig

Ano ang Kahulugan ng Tagalog Spoken Poetry?

Ang Spoken Poetry o pasalitang tula sa tagalog ay malayang uri ng tula na nagsisilbing paraan ng karamihan upang mailahad ang kanilang damdamin. Isa itong malikhaing pagsaad ng kaisipan para magbigay aliw o magpaabot ng kaalaman.

Isang masining na talento ang makagawa ng Tagalog spoken word poetry tungkol sa crush o love dahil nagkakaroon ng patimpalak at nagbibigay aliw sa mga nakikinig.

Halimbawa o Example ng Tagalog Spoken Poetry Tungkol sa Pag-ibig

Mahal na kita Crush
By Grasya

“Di ko sukat akalain..
ang matagal ko nang lihim
sayo ay aking pagtatapatin.

Mahal na kita crush..
alam kong mali dahil may mahal kang iba
alam kong di dapat pero pwede pa ba?

Nakakatawa man pakinggan ang aking pagtatapat
pano mo malalaman ang lihim kong damdamin
Kung di ko to sayo sasabihin

Hiling ko lang na sana..
Na kahit malaman mo ay wag kang lalayo
Dahil di ko kakayanin, ako’y mabibigo”

Walang Tayo
Ni Lhynethedreamer

Tayo,
Tanging apat na letra para lang mabuo,
Ano nga ba tayo?,
Teka wala nga palang tayo ang meron lang ay ikaw at ako.

Sa pag buhat ng sako ang aking nararamdan,
Di ko alam kung ano ang dahilan,
Ang tanging nais ko lang ay malaman,
Kung ikaw bay sa akin ay may pagtingin o nararamadaman.

Ang tanging nais ko lang ay pasayahin ka,
Ang tanging nais ko lang ay mahalin ka,
Ang tanging nais ko lang lumigaya ka,
Ngunit yun ay sa piling ko hindi sa piling nya.

May mas sasakit pa ba pag nakikita mo ang mahal mo na napapasaya na ng iba?,
Yung nais mo na iba na ang gumagawa para sa kanya,
At sabay silang sumasabay sa awit ng musika,
Na para bang walang ako! oo nga pala walang “tayo”.

Pasensya kana kung masyado akong feeling,
Feeling na halos malapit na sa pag ka assuming,
Bakit ka ba kasi nagpakita ng motibo gayong ayaw mo naman pala makasakit ng tao…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng example of spoken word poetry sa Tagalog na “Walang Tayo” sa pamamagitan ng pagpindot ng button sa ilalim.

INA
ni ERL

“INA”, isang salita na may tatlong letra at ang taong gusto kong mayakap kapag ako ay may problema.

“INA“, isang simpleng salita pero palaging may maraming ginagawa.
Ina

Noong ako ay bata pa, si ina ang gusto kong unang makita pagkagising sa umaga. At kapag hindi ko siya kaagad nakikita, ako ay natataranta.

Si ina ay napakagaling na abogado. Sa lahat ng oras, handa niya kaming ipagtatanggol kahit na kapalit man nito ay ang kanyang pagsasakripisyo.

Si ina ay maasikaso at maalaga. Kahit walang sahod na natatanggap, palagi niyang inaasikaso ang lahat ng gawain sa bahay at inaalagaan niya kaming lahat na magkakapatid pati na si itay.

Si ina ay magaling rin magsinungaling. Kahit na alam kong siya ay may problema, di pa rin siya aamin.

Si ina ay magaling na maglihim ng damdamin. Kahit na siya ay malungkot, tatawa at tatawa pa rin siya para sa amin.

Si ina ay isang martyr. Patuloy niya kaming inaalagaan kahit na siya ay nahihirapan na. Kahit na siya ay pagod na pagod na, lahat ay pilit pa rin niyang kinakaya. Patuloy niyang nilalabanan ang mga pagsubok sa buhay kahit na minsan ay gusto na niyang sumuko na.

Tandang tanda ko pa noong nag-away sila ni papa. Umiyak siya at sinabi niyang ayaw na niya dahil pagod na pagod na siya. Pero nang makita niya kaming magkakapatid, niyakap niya kami nang mahigpit at sinabihang, “Mga anak, para sa inyo, kakayanin ko ang lahat. Kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas”.

Mahal kong ina, salamat sa iyong tunay at wagas na pagmamahal. Ang iyong pagmamahal ay hindi mapapantayan ni kahit kanino man. At lalo ko itong naintindihan at nauunawaan ngayong ako ay isa na ring magulang…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng spoken word poetry sa Tagalog na “Ina” sa pamamagitan ng pagpindot ng button sa ilalim.

Konklusyon

At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Spoken Poetry Tagalog Examples o halimbawa sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko at iba pang aralin sa asignaturang Filipino ay maaring magbisita sa aming websyt.

Pagtatanong

Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko ito, maaari po ninyong itala sa komento.

Karagdagang Topiko at Aralin:

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment