Sawikain Kahulugan at Mga Halimbawa (Sawikain o Idyoma)
Sa araling ito ay ipinapahayag ang kahulugan ng SAWIKAIN o IDYOMA at mga Halimbawa nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan kayo ng angkop na paliwanag tungkol sa mga Sawikain o Idyoma. Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa sawikain. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa ng mga Sawikain o Idyoma sa Pilipinas.
Ano ang kahulugan ng Sawikain o Idyoma?
Ang salitang sawikain o “idiom” sa Ingles ay nagtataglay ng pahiwatig pansosyal o panliteral na kahulugan. Kadalasan, ang kahulugan ng mga idyomang ito ay hindi komposisyunal sa wikang tagalog.
Ang mga sawikain o idyoma ay tinuturing na mga patalinghagang salita. Ang mga ito ay nagbibigay nga di tuwirang kahulugan ngunit nagbibigay karagdagang kulay sa pangungusap o ideya.
Mga Halimbawa ng Sawikain
Time needed:Â 10 minutes.
Narito ang lista ng mga Halimbawa at kahulugan ng Sawikain o Idyoma (idiom).
- “Matalas ang ulo” ng aking kapatid na inhinyero.
Ibig-sabihin: Magaling, Matalino
- Hindi natuloy ang pag-alis ni inay dahil “masama ang panahon”.
ibig-sabihin: Malakas ang ulan o bagyo
- “Masama ang loob” ni June sa kanyang ama dahil sa mga sinabi nito.
ibig-sabihin: Galit, Nagdaramdam
- “Mapait lunukin” ang mga nangyari sa aking pamilya.
ibig-sabihin: Nakakahiyang Pangyayari, Panghihinayang
- Mayroon si Jean ng “malawak na pag-iisip”.
ibig-sabihin: Maraming alam, Maunawain
- “Lakas-loob” kong hinarap ang mga pagsubok.
ibig-sabihin: Matapang, Matatag
- Natuklasan ni Jose na “maitim ang budhi1” nga kanyang kasintahan.
ibig-sabihin: Salbahe, Tuso
- Dapat bang “mahangin ang ulo” kapang mayaman?
ibig-sabihin: Mapagmalaki o Mayabang
- Masaya ang naging “pag-iisang-dibdib” nina Ludy at Mario.
ibig-sabihin: Kasal, Pagmamahalan
- Mapagmahal at maaruga ang aking kabiyak na si Syote.
ibig-sabihin: Asawa, Minamahal
- Palaging “bukas ang palad” ni Rosa para sa mahihirap.
ibig-sabihin: Matulungin, Masigasig
- Talagang kilos-pagong si Amy gumawa ng mga aralin.
ibig-sabihin: Mabagal, mahinhin kumilos
Konklusyon
At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Sawikain Kahulugan at Mga Halimbawa sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring ma i-download ang PDF tungkol sa Sawikain o Idyoma Kahulugan at Mga Halimbawa.
Pagtatanong
Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topikong sawikain o idyoma kahulugan at mga halimbawa, maari po ninyong itala sa komento.
Karagdagang Topiko at Aralin:
- Anu ang Maikling Kwento Halimbawa at Kahulugan
- 10 Halimbawa ng Maikling Kwento tungkol sa Pamilya
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Tayutay Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Salitang- ugat At Panlapi | Halimbawa at Kahulugan
- Pandiwa Halimbawa at Kahulugan | Examples & Meaning
- Tula Halimbawa at Kahulugan | Examples and Meaning
- Pang-abay Halimbawa at Kahulugan | Examples & Meaning
- Sanaysay Tungkol sa Pandemya | Kahulugan at Halimbawa
- Salaysay Halimbawa at Kahulugan – Examples and Meaning
- Ano ang Parabula | Parabula Kahulugan at Mga Halimbawa
- Bugtong Bugtong Na May Sagot | Bugtong Bugtong Tagalog
- Ano ang Taludtod? | Taludtod Kahulugan at Mga Halimbawa
- Kwentong Bayan Halimbawa at Kahulugan
- Talumpati Tungkol sa Wika
Pingback: Kwentong Bayan Halimbawa at Kahulugan | Proud Pinoy