SALITANG-UGAT AT PANLAPI – Sa araling ito, ating tuklasin kung ano ang koneksyon, halimbawa, at worksheet ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang kahulugan at mga halimbawa o examples ng panlapi at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol dito.
Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Salitang-ugat. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa o examples ng Panlapi.

Ano ang Kahulugan ng Panlapi?
Ang panlapi o “suffix” sa wikang Ingles ay tumutukoy sa mga katagang ikinakabit sa mga salitang-ugat upang makabuo ng isa pang salita na may panibagong kahulugan. Ginnagamit ang mga panlapi para malaman ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salita. Ang mga salitang may panlapi ay maaring pandiwa o nagsasaad ng kilos.
Ano ang Kahulugan ng Salitang-ugat?
Ang salitang-ugat ay tinatawag na “root word” sa wikang Ingles. Ito ay tumutukoy sa salitang buo ang kilos. Ginagamitan ang mga salitang-ugat ng mga panlapi upang makabuo ng panibagong kahulugan. Matutukoy ang mga ito pag nasa pangungusap.
Mga Halimbawa ng mga Salitang-ugat at Uri ng mga Panlapi
Time needed: 2 minutes.
Narito ang mga Uri at Halimbawa ng mga Salitang-ugat na may Panlapi.
- Unlapi
Ito ang uri ng panlapi na matatagpuan sa unahan ng salita.
Halimbawa ng mga Unlapi:
• um, na, kum, mag, mang at marami pa.
Salitang-ugat na may unlapi:
• um + iyak = umiiyak
• na + tulog = natulog - Gitlapi
Ang gitlapi ay uri ng panlapi na matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat.
Halimbawa ng mga gitlapi:
• um, in,
Salitang-ugat na may unlapi:
• um + kain = kumakin
• in + talon = tinalon - Hulapi
Isang uri ng panlapi na matatagpuan sa hulihan.
Halimbawa ng mga gitlapi:
• an, han, in at hin
Salitang-ugat na may unlapi:
• an + tala = talaan
Panlapi At Salitang-ugat Worksheet #1
Panuto: Ibigay ang salitang-ugat ng salita sa ikalawang hanay. Isulat naman ang panlapi ng bawat salita sa ikatlong hanay. Sa Ika-apat na hanay ilagay ang U kung unlapi, G kung gitlapi, at H kung hulapi ang nasa ikalawang hanay.
SALITA | SALITANG-UGAT | PANLAPI | URI NG PANLAPI |
malusog | lusog | ma- | U |
1. kabaitan | |||
2. piliin | |||
3. nahulog | |||
4. sumayaw | |||
5. ginawa | |||
6. pahalagahan | |||
7. naligo | |||
8. malusog | |||
9. masaya | |||
10. pagkain | |||
11. talaan | |||
12. palagi | |||
13. gumunaw | |||
14. pinalit | |||
15. suklian | |||
16. pagdating | |||
17. naglagay | |||
18. kabaitan | |||
19. kalusugan | |||
20. maglaba | |||
21. matulungin | |||
22. mahiyain | |||
23. sasakay | |||
24. palibutan | |||
25. asahan | |||
26. alisin | |||
27. ilipat | |||
28. palaruan | |||
29. itanong | |||
30. sumagot |
Mga Sagot sa Panlapi At Salitang-ugat Worksheet #2
- bait / ka-, -an / U, H
- pili / -in / H
- hulog / na- / U
- sayaw / -um- / G
- gawa /-in- / G
- halaga / pa-, -han / U, H
- ligo / na- / U
- lusog / ma- / U
- saya / ma- / U
- kain / pag- / U
- tala / -an / H
- lagi / pa- / U
- gunaw / -um- / G
- palit / -in- / G
- sukli / -an / H
- dating / pag- / U
- lagay / nag- / U
- bait / ka-, -an / U, H
- lusog / ka-, -an / U, H
- laba / mag- / U
- tulong / ma-, -in / U, H
- hiya / ma-, -in / U, H
- sakay / sa- / U
- libot / pa-, -an / U, H
- asa / -han / H
- alis / -in / H
- lipat / i- / U
- laro / pa-, -an / U, H
- tanong / i- / U
- sagot / -um- / G
Panlapi At Salitang-ugat Worksheet #2
Panuto: Buuin ang salitang ugat sa pangungusap sa pamamagitan ng pagdagdag ng panlapi.
Halimbawa: Maaari mo ba akong sabayan__ sa pagkain?
- _____saya ang mga bata sa bago nilang guro.
- Lakas_____ mo ang tunog ng radyo para makadinig kami ng balita.
- T____alon ang mga palaka sa tubig.
- Dumalo kami sa sayaw____ doon sa kabilang baryo.
- _____sipag talagang mag-aral si Hana.
- _____hulog ang kwentas ni Bella sa kanal.
- Marami ang binigay na aral____ sa amin ni Bb. May.
- _____laki ang nahuling isda nina papa.
- Si Aira ay sadyang ____hiya____.
- Inabangan ko ang _____dating ng aking idolo sa mall.
- ____nuod kami ng pelikula sa sinehan.
- Inutusan ko si Dino na ____dala ng labanos at kamatis.
- Kung maaari, alis____ mo ang mga dumi sa bubong.
- S____agot ko lahat ng tanong sa aming eksaminasyon.
- Si Boy ang batang kwela at ______biro.
- _____husay na manlalaro ng basketball si Paul.
- Hindi ko kayang tingnan ang _____lagay____ ng mga nadaan ng bagyo.
- W_____alis_____ ko ang aming bakuran.
- Ating sariwa_____ ang kabaniyan ng ating mga ninuno.
- _____sigla_____ natin ang mga malulungkot na bata ngayong Pasko.
- Hindi pa _____ligo si Jan-jan.
- T_____akbo si Maria ng mabilis dahil hinabol siya ng aso.
- Sana ay l____igaya ka sa piling ng bago mong nobyo.
- _____bango ng rosas ang nabili kong pabango sa mall.
- Bumili ka ng mga _____linis dito sa bahay.
- Kung mayroon tayong mga pangarap dapat tayo ay _____sikap.
- Gupit____ mo ako ng mga papel na pasbilog ang hugis.
- Gusto kong una_____ ang aking mga kaklase sa pagpasa ng aming proyekto.
- Ayokong p______unta sa parke ngayon.
- Sinamahan ko si Papa na ______isda sa lawa.
Mga Sagot sa Panlapi At Salitang-ugat Worksheet #2
- Masaya ang mga bata sa bago nilang guro.
- Lakasan mo ang tunog ng radyo para makadinig kami ng balita.
- Tumalon ang mga palaka sa tubig.
- Dumalo kami sa sayawan doon sa kabilang baryo.
- Masipag talagang mag-aral si Hana.
- Nahulog ang kwentas ni Bella sa kanal.
- Marami ang binigay na aralin sa amin ni Bb. May.
- Malaki ang nahuling isda nina papa.
- Si Aira ay sadyang mahiyain.
- Inabangan ko ang pagdating ng aking idolo sa mall.
- Nanuod kami ng pelikula sa sinehan.
- Inutusan ko si Dino na magdala ng labanos at kamatis.
- Kung maaari, alisin mo ang mga dumi sa bubong.
- Sinagot ko lahat ng tanong sa aming eksaminasyon.
- Si Boy ang batang kwela at palabiro.
- Mahusay na manlalaro ng basketball si Paul.
- Hindi ko kayang tingnan ang kalagayan ng mga nadaan ng bagyo.
- Winalisan ko ang aming bakuran.
- Ating sariwain ang kabaniyan ng ating mga ninuno.
- Pasiglahin natin ang mga malulungkot na bata ngayong Pasko.
- Hindi pa naligo si Jan-jan.
- Tumakbo si Maria ng mabilis dahil hinabol siya ng aso.
- Sana ay lumigaya ka sa piling ng bago mong nobyo.
- Simbango ng rosas ang nabili kong pabango sa mall.
- Bumili ka ng mga panlinis dito sa bahay.
- Kung mayroon tayong mga pangarap dapat tayo ay magsikap.
- Gupitan mo ako ng mga papel na pasbilog ang hugis.
- Gusto kong unahan ang aking mga kaklase sa pagpasa ng aming proyekto.
- Ayokong pumunta sa parke ngayon.
- Sinamahan ko si Papa na mangisda sa lawa.
Konklusyon
At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Salitang- ugat at Panlapi Halimbawa at Kahulugan. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko at iba pang aralin sa asignaturang Filipino ay maaring magbisita sa aming websyt.
Mahalagang malaman natin ang sistema ng panlapi na ikinakabit sa pandiwa at ang tamang paggamit nito. Napakalaki ng parte o ginagampanan nito sa pangungusap upang makapagbigay ng klarong mensahe.
Pagtatanong
Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko tungkol sa salitang-ugat At panlapi halimbawa at kahulugan, maari po ninyong itala sa komento.
Karagdagang Topiko at Aralin:
We are Proud Pinoy.