Salawikain Tungkol Sa Tagumpay (15+ Mga Halimbawa)

SALAWIKAIN TUNGKOL SA TAGUMPAY – Sa araling ito inyong matutunghayan ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pagkamit ng tagumpay. Ang mga salawikaing ito ay makakatulong sa atin upang patuloy nating abutin ang tagumpay na ating gustong makamit.

Salawikain Tungkol Sa Tagumpay (15+ Mga Halimbawa)
Salawikain Tungkol Sa Tagumpay (15+ Mga Halimbawa)

Bago natin alamin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa tagumpay. Atin munang sariwaan ang kahulugan ng salawikain.

Ano ang kahulugan ng Salawikain?

Ang salawikain proverbs sa wikang Ingles, ay mga parirarala o pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. Ito ay karaniwang anyong patula na nagbibigay ng mga gintong aral.

Ito ay mga tradisyunal na kasabihan na ginagamit batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya ng mga Pilipino. At, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na lumalaganap o nagpasalin-salin sa mga bagong henerasyon.

Naglalaman ito ng mga paaalala, karunungan, aral, payo, at supporta sa mga Pilipino, lalong-lalo na sa mga kabataan. Kung kaya’y mahalaga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ang salawikain ay bahagi ng panitikang Pilipino, na binubuo ng mga matatalinhagang salita.

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Tagumpay

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng salawikain tungkol sa tagumpay.

1. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

2. Kung may hirap ay may ginhawa.

3. Kuwarta na, naging bato pa.

4. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.

5. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.

6. Ang lakas ay daig ng paraan.

7. Pag may hirap, may ginhawa.

8. Magaling man ang masipag ay lalo na ang maagap.

9. Walang umaani ng tuwa na di sa hirap nagmula.

10. Huwag kang mangahas bumuhat ng siyam na bato, kung manghihinayang madurog ang buto.

11. Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.

12. Lahat tayo sa mundong ibabaw, may kani-kaniyang araw.

13. Pagtatanim ay sa pagkabata pag-aani ay sa pagtanda.

14. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.

15. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.

16. Tagumpay ay makakamit sa tulong ng pagsisikap at lakas ng loob.

Konklusyon

Ang mga natunghayang salawikain tungkol sa tagumpay ay nagiiwan ng mensaheng magtiyaga at magsikap lamang sa buhay upang makamit nag minimithing tagumpay.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw. Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyong pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Salawikain Tungkol Sa Tagumpay (15+ Mga Halimbawa),” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang mga Salawikain

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment