Salawikain Tungkol Sa Pamilya (Halimbawa At Kahulugan)

SALAWIKAIN TUNGKOL SA PAMILYA – Sa araw na ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pagmamahal sa pamilya at ang kahulugan nito. Ang pamilya ang lagi nating mapupuntahan sa oras ng pangangailangan.

Kaya ating pahalagahan ang pamilyang mayroon tayo. Ating ipakita sa kanila kung gaano tayo kaswerte sa kanila dahil mayroon tayong matatawag na pamilya. Sila ating mga tagapayo, taga supporta, at tagagabay sa ating mga desisyon sa buhay.

Salawikain Tungkol Sa Pamilya (Halimbawa At Kahulugan)
Salawikain Tungkol Sa Pamilya (Halimbawa At Kahulugan)

Bago natin alamin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay atin munang sariwan ang kahulugan ng salawikain.

Ano ang salawikain?

Ang salawikain proverbs sa wikang Ingles, ay mga parirarala o pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. Ito ay karaniwang anyong patula na nagbibigay ng mga gintong aral.

Naglalaman ito ng mga paaalala, karunungan, aral, payo, at supporta sa mga Pilipino, lalong-lalo na sa mga kabataan. Kung kaya’y mahalaga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ang salawikain ay bahagi ng panitikang Pilipino, na binubuo ng mga matatalinhagang salita.

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Pamilya

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pamilya at ang kahulugan nito.

1. Anak na palayawin, magulang ang patatangisin.

Kahulugan: ang mga anak na walang disiplina ay siguradong sakit sa ulo ng mga magulang. Kung kaya disiplinahin ang anak habang bata upang lumaking masunurin sa magulang.

2. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.

Kahulugan: ang mga ugaling nakukuha ng mga bata ay impluwensiya o nanggaling sa mga nakakatanda. Kaya kung ano ang mga ugaling mayroon ang isang bata na sa tingin niya tama nadadala niya ito hanggang sa pagtanda.

3. Ang pag-aanak ay walang kabuluhan, kung ang magiging bunga’y palalabuyin lamang.

Kahulugan: walang saysay ang pagkakaroon ng anak kung wala itong pangarap sa buhay.

4. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa.

Kahulugan: mahalaga ang pakikipagkapwa, sapagkat anumang lakas mayroon ang isang tao ngunit kapag nag-iisa ito na nagiging mahina. Kaya sa buhay kailangan natin ng makakasama.

5. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.

Kahulugan: kapag ang isang pamilya ay sama-sama at nagtutulungan siguradong makakamit ang lahat ng mithhiin at malulutas ang mga suliranin. At, kapag magkahi-hiwalay naman walang motibasyon na magaganap at tuluyang mahihirapan ang bawat isa hanggang sa babagsak ito.

6. Kahit anong bigat ng binubuhat, kapag tulong-tulong ang mag-anak, magaan ang pag-angat.

Kahulugan: kapag nagtutulungan ang pamilya mabilis itong malalampasan at walang hihigit o hindi malulutas na suliranin ng pamilya kapag nagtutulungan.

7. Ang magulang na masama, kapag nagkaanak ng mabuti ay isang himala.

Kahulugan: matatawag na swerte ang isang anak kapag ito ay mabait at naiiba sa magulang habang ang mga magulang nito ay masama.

8. Sa alitan ng magkapatid ay huwag kang makisali; kapag sila’y nagkasundo, galit sa iyo ang mananatili.

Kahulugan: ang dugo ay mas makapal kaysa tubig. Huwag isali ang iyong sarili sa isang away sa pamilya. Kapag naayos na ang mga bagay-bagay sa kanila, tuluyan na silang magagalit sa iyo.

9. Ang mag-asawang walang bunga, parang kahoy na walang sanga.

Kahulugan: ang mag-asawang walang anak ay hindi lubos na maligaya sapagkat ang isang pamilya ay binubuo ng anak at magulang.

10. Ang marunong na anak ay ligaya ng ama, ang perhuwisyong anak ay pasanin ng ina.

Kahulugan: ang isang matalinong anak ay kagalakan o katuwaan ng ama, samatala ang isang masamang anak ay pasanin o problema ng ina.

Iba Pang halimbawa ng Salawikain tungkol sa Pamilya

Narito ang iba pang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pamilya.

  • Kapag ang bata’y barumbado, tumanda ma’y tarando.
  • Ang sa babaeng hiyas ang sa puri’y pag-iingat; At ito’y siyang tumpak sa dalaga ma’t sa kabiyak.
  • Kung di magbubunga ang pagmamahalan parang naghalaman nang walang pakinabang.
  • Magkulang ka na sa iyong magulang, huwag lang sa iyong biyenan.

Ang mga sumusunod na halimbawa tungkol sa pamilya ay mula sa panitikan.

  • Isa sa mga pinakamatatatag na relasyong magkakaroon tayo sa ating buhay ay ang ating mga pamilya
  • Ang kaanak ay parang tala sa kalawakan. Maaaring napakarami nila, ngunit wala ka nang mahahanap na katulad nila dahil wala nang ibang sila.
  • Walang pinagkaiba ang mga pamilya. Marangya o mahirap ang pamumuhay, magkatulad na may suliranin, magkatulad na may kahinaan.
  • Ang pagiging magulang ay hindi natatapos sa pagluwal ng anak. Mas nasusukat ito sa kung anong uri ng pagpapalaki ang ginawa mo para sa biyayang ibinigay sa iyo.
  •  May mga pagkakataong nais nating umalis sa ating mga pamilya. Ngunit ang hanap pa rin natin paglabas ng tahanan ay isa pa ring uri ng pamilya mula sa iba. Hindi tayo mabubuhay nang walang pamilya.
  • Ang magandang tahanan ay hindi nakikita sa magandag gusali at mga palamuti. Nakikita ito sa kagandahan ng pagsasama ng pamilyang nasa loob nito.
  • May ilang pagkakataon na ang pamilya ay hindi nababatid sa dugo, kung hindi sa kung paano ka makitungo sa isang tao.
  • Hindi mo malalaman ang tunay na diwa ng pag-ibig kung hindi mo ito nakita sa iyong pamilya.
  • Biyaya mula sa Maykapal ang isang anak. Ngunit isang bihirang kayamanan ng magulang ang magalang at madisiplinang mga supling.
  • Hindi mo mapipili ang isang pamilya. Isang biyaya ito ng Panginoon sa sinuman at isang uri panghabambuhay na responsibilidad.

Konklusyon

Ang mga salawikaing tungkol sa pamilya na inyong nabasa ay nag-iiwan sa atin ng mensahe na ating pahalagahan ang pamilyang mayroon tayo. Huwag natin silang balewalain marahil sila ang ating malalapitan sa oras na tayo ay mangailangan.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay mabigyan ng tamang kasagutan sa inyong mga katanungan. Kung maaari sana ay inyo itong ibahagi sa iba upang ang inyong natutunan ay kanila ring malaman. Ito po ay ikinagagalak o ikakatuwa ng aming mga puso.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyong pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyo lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Salawikain Tungkol Sa Pamilya (Halimbawa At Kahulugan),” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang mga Salawikain

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment