Salawikain Tungkol Sa Pag-aaral (Halimbawa At Kahulugan)

SALAWIKAIN TUNGKOL SA PAG-AARAL – Magandang araw! Sa araling ito ating tatalakayin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral.

Heto na naman tayo sa isang salawikaing magbibigay sa atin ng mensahe at aral ukol sa kung gaano kaimportante ang pag-aaral sa ating buhay. Ang pag-aaral ang magiging daan upang tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan at pagwasak ng kahirapan.

Salawikain Tungkol Sa Pag-aaral (Halimbawa At Kahulugan)
Salawikain Tungkol Sa Pag-aaral (Halimbawa At Kahulugan)

Bago natin alamin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pag-aaral. Atin munang sariwaan ang kahulugan ng salawikain.

Ano ang kahulugan ng Salawikain?

Ang salawikain proverbs sa wikang Ingles, ay mga parirarala o pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. Ito ay karaniwang anyong patula na nagbibigay ng mga gintong aral.

Ito ay mga tradisyunal na kasabihan na ginagamit batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya ng mga Pilipino. At, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na lumalaganap o nagpasalin-salin sa mga bagong henerasyon.

Naglalaman ito ng mga paaalala, karunungan, aral, payo, at supporta sa mga Pilipino, lalong-lalo na sa mga kabataan. Kung kaya’y mahalaga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ang salawikain ay bahagi ng panitikang Pilipino, na binubuo ng mga matatalinhagang salita.

Ngayon, heto na ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pag-aaral.

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pag-aaral at ang kahulugan nito.

1. Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay igapang upang ito ay mawakasan.

Kahulugan: ang edukasyon at ang wastong kaalaman ang makakatulong sa pagkawala nh kamangmangan. Huwag nating hayaan na wala tayong alam sa buhay mag-aral ng mabuti kahit mahirap upang magkaroon ng kaalaman tungo sa magandang kinabukasan.

Hindi hadlang ang katayuan sa buhay o ang kahirapan tungo sa magandang kinabukasan sa panahon ngayon hindi ka makakahanap ng magandang trabaho kung wala kang pinag-aralan.

2. Ang grado ay hindi basehan ng talino. Ang mahalaga ay ang naiwan sa ulo.

Kahulugan: ang pagkakaroon ng mataas na marka ay hindi sukatan sa pagiging matalino. Ang importante ay ang mga kaalamang nalaman sa paaralan ay nananatili sa isip at puso. Laging iisipin na kaya tayo nag-aaral ay upang mayroong matutunan at makakuha ng kaalaman.

Hindi upang makipagtagisan sa iba, ang karunungang makukuha sa paaralan ay hindi makikita kung saan man.

3. Sa dulo ng pag-aaral na walang humpay, buhay na matiwasay ang siyang alay.

Kahulugan: sa patuloy na pag-aaral ay makakamit ang tunay na karunungan na magbibigay ng magandang kinabukasan at kaginhawaan. Ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa magandang kinabukasan.

4. Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay matamis.

Kahulugan: sa pagsisimula lahat ay mahirap lalo na sa pag-aaral hindi magiging madali ang paglalakbay upang makamit nag tunay na kaginhawaan sa buhay. Subalit kung magpapatuloy lamang sa buhay at mag-aral ng mabuti siguradong makakamit ang minimithing pangarap at magkakaroon ng magandang kinabukasan.

5. Mag-aral ng maigi upang buhay ay mapabuti.

Kahulugan: ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa magandang kinabukasan.

6. Isapuso yaring turo ng inyong mga guro. Pag tumanda ay ipasa ang aral na natamasa.

Kahulugan: ang ating mga natutunang mga kaalaman ay ating isa puso upang atin din itong maituro sa iba pa.

7. Ang katalinuhan ay kayamanan.

Katalinuhan: ang ating kaalaman o karunungan ay ang bagay na hindi mawawala o mananakaw ninuman.

8. Walang ibang gamot ang kamangmangan kung hindi ang katalinuhan.

Kahulugan: ang pagiging walang alam ay magagamot sa tulong ng pag-aaral basta ang isip at puso ay bukas upang matuto ng ibat-ibang kaalaman.

Konklusyon

Ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa pag-aaral ay nag-iiwan sa atin ng mensahe na mag-aral ng mabuti upang makamit ang magandang kinabukasang minimithi. At, upang mawakasan ang kamangmangan at kahirapang tinatamasa.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw. Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyong pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Salawikain Tungkol Sa Pag-aaral (Halimbawa At Kahulugan),” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang mga Salawikain

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment