SALAWIKAIN TUNGKOL SA KALUSUGAN – Ngayong araw ang ating pagtutuunan ng pansin ay ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa kalusugan Tagalog. Ang mga salawikain ay naglalaman ng mga kasabihan na nagsasad ng pamantayan, gintol aral, tradisyon at paniniwala.
Ang ating kalusugan ay mahalaga sa ating buhay kung kaya atin itong pangalagaan at ingatan. Sabi nga nila ang tunay na kayaman ay ang ating kalusugan.
Halina’t sabay-sabay nating tunghayan sa ibaba ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa kalusugan.

Bago natin alamin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa kalusugan Tagalog, atin munang sariwain ang kahulugan ng salawikain.
Ano ang salawikain?
Ang salawikain o proverbs sa wikang Ingles, ay mga parirarala o pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. Ito ay karaniwang anyong patula na nagbibigay ng mga gintong aral.
Ito ay mga tradisyunal na kasabihan na ginagamit batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya ng mga Pilipino. At, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na lumalaganap o nagpasalin-salin sa mga bagong henerasyon.
Naglalaman ito ng mga paaalala, karunungan, aral, payo, at supporta sa mga Pilipino, lalong-lalo na sa mga kabataan. Kung kaya’y mahalaga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ang salawikain ay bahagi ng panitikang Pilipino, na binubuo ng mga matatalinhagang salita.
Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Kalusugan
Heto ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa kalusugan.
1. Kung anong itinanim, siyang aanihin.
2. Makulay ang buhay sa gulay.
3. Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan.
4. Gaano man ang iyong lakas, daig ka ng munting lagnat.
5. Ang kalusugan ay ating kayamanan.
6. Ikaw ay kung ano ang kinakain mo.
7. Ang may malusog na pangangatawan ay walang kinatatakutan.
8. Kung nagbibigay ma’t mahirap sa loob, ang pinapakain ay di mabubusog.
9. Ang iyong kalusugan ay isa sa mga pinakamahalagang kayamanan na higit pa pilak, kaya ito dapat ay pangalagaan.
10. Kalusugan ay ingatan upang sakit ay maiwasan.
11. Ang paalala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot
Konklusyon
Yan lamang ang kabuuan ng ating talakayan batay sa mga halimbawa ng salawikain tungkol sa kalusugan. Ang mga salawikaing ating nabasa ay nagbibigay ng mensahe sa atin na ating ingatan at pahalagahan ang ating kalusugan. Sapagkat, ang kalusugan ang ating tanging kayamanan.
Nawa ay marami kayong nakuhang aral sa sampung halimbawa ng salawikain ukol sa kalusugan. Sinisigurado namin na kayo ay matulungan at mabigyan ang wastong kasagutan sa inyong mga katanungan.
Kung maari sana ay inyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang kanila ring malaman ang iyong natunghayan sa artikulong. Ikatutuwa po ito ng aming mga puso.
Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyong pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Salawikain Tungkol Sa Kalusugan (10+ Mga Halimbawa),” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang mga Salawikain
- Salawikain Tungkol Sa Kabataan
- Salawikain Tungkol Sa Wika
- Salawikain Tungkol Sa Paggalang
- Salawikain Tungkol Sa Kaibigan
- Salawikain Tungkol Sa Buhay
We are Proud Pinoy.