Ponemang Suprasegmental (Kahulugan, Halimbawa, At Uri)

PONEMANG SUPRASEGMENTAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang kahulugan ng ponemang suprasegmental, halimbawa, at ang mga uri nito. Mahalagang magkaroon tayo ng malawak na kaalaman sa ating wikang Filipino.

Basahin ang kabuuan ng artikulo upang maintindihan ang topikong ito. Halina’t tunghayan sa ibaba ang kahulugan, halimbawa at uri ng ponemang suprasegmental.

Ponemang Suprasegmental (Kahulugan, Halimbawa, At Uri)
Ponemang Suprasegmental (Kahulugan, Halimbawa, At Uri)

Bago natin alamin ang kung ano ang ponemang suprasegmental, bigyan muna natin ng kahulugan ang ponema. Ang ponema ay tumutukoy sa mga yunit ng tunog na naglalarawan o nagpapakita ng pagkakaiba ng isang salita mula sa iba pang salita ng isang wika.

Dagdag pa rito,ang ponema ay mayroong dalawang uri: ponemang segmental at ponemang suprasegmental. Ang ponemang segmental ay ginagamit upang makabuo ng mga salita sa mga pangungusap. Ito naman kanyang uri: katinig, patinig, diptonggo, at klaster.

Ngayon, atin ng talakayin ang ponemang suprasegmental, halimbawa at ang mga uri nito. Unawaing mabuti ang nilalaman ng artikulong ito upang magdagdagan ang inyong kaalaman sa ating wikang Filipino.

Ano ang Ponemang Suprasegmental?

Ang ponemang suprasegmental ay isang uri ng ponema na tumutukoy sa yunit ng tunog. Nagsisimbolo ito ng notasyong phonemic upang matukoy kung paano ang paraan ng pagbigkas ng salita.

Dagdag pa rito, maaring matukoy ang ibat-ibang kahulugan ng salita batay sa pagsasalita o pagpapahayag ng isang salita sa pamamagitan ng tono, haba, diin, at antala sa pagbaybay at pagsasalita nito.

Halimbawa ng Ponemang Suprasegmental

Narito ang ilang halimbawa ng mga ponemang suprasegmental gamit ang ibat-ibang uri.

  • PAso  – paSO
  • tuBO – TUbo
  • LAmang – laMang
  • Kahapon – Nagpapahayag
  • Kahapon? – Nagtatanong
  • Mahal – iniibig
  • Mahal – presyo
  • Hindi, siya si Rose. (Tinatama ng tagasalita na ito si Rose.)

Uri ng Ponemang Suprasegmental

Ito ang (4) apat uri ng ponemang suprasegmental

1. Diin (Stress o Emphasis)

Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig na nagdudulot ng pagiiba ng kahulugan ng isang salita. Kahit ang mga salitang ito ay pareho lamang ang pagbaybay. Ang pagbabago ng diin ay nakakapagpabago rin ng kahulugan nito.

Halimbawa:

Narito ang ilang halimbawa ng ponemang suprasegmental gamit ang uri ng “diin.” Sa mga halimbawang ito, ginamit ang malaking titik upang bigyang diin ang pantig ng salita.

SalitaKahuluganHalimbawa sa pangungusap
taSA


TAsa
iniinuman ng kape


pagpapatulis ng isang bagay
Ang paboritong kong taSA ay hindi ko na makita.

Ang aking lapis walang TAsa kaya nahirapan akong magguhit.
BUhay


buHAY
pagkalalang o kapalaran ng isang tao


hindi patay o humihinga pa
Nasusumikap si Anna upang magkaroon ng magandang BUhay.

BUhay pa ang iyong kaibigan, nakaligtas siya sa kamataya.
HApon


haPON
Panahon pagkatapos ngtanghali hanggang paglubog ng araw.

tumutukoy sa mga tao ng isang bansa
Mamayang HApon nalang ako maliligo.


Ang kanyang napangasawa ay isang haPON.
oPO

Opo
ito ay uri ng gulay

pagbibigay galang
Ang gusto niyang ulam ngayon ay oPO at giniling na baboy.

Si Ana ay isang magalang na bata dahil palagi itong gumagamit ng po at Opo tuwing kausap ang mga matatanda.
PAso

paSO
sugat mula sa mainit na apoy

lalagyan ng halaman
Ang laki pala ng iyong PAso sa binti.

Nagustuhan ng aking ina ang aking regalong paSO sa kanya.
tuBO


TUbo
 ito ay sobra matapos ibawas ang puhunan mula sa kabuuang kita.

Pinagkukuhanan ng asukal
Malaki ang tuBO ng aming kompanya ngayong bwan.

Malawak ang aming taniman ng TUbo sa probinsya.
LAmang


laMANG
nag-iisa o natatangi

kahigitan sa anumang bagay o nakakahigit
Ikaw LAmang ang aking iibigin.

LaMANG siya sa ating lahat sa kagalingan sa Matematika.
Uri ng ponemang suprasegmental na diin

2. Tono (Pitch)

Ang tono ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas isang salita o pantig. Ito ay nagpapalinaw ng isang mensahe na nais iparating.

Halimbawa:

SalitaTonoHalimbawa sa pangungusap
Kahapon

Kahapon?
Nagpapahayag

Nagtatanong
Kahapon lang siya umalis.

Umalis siya kahapon?
Talaga

Talaga?

Talaga!
Nagpapahayag

Nagtatanong

Nagpupunyagi
Hindi talaga siya sasama sa atin ngayon.

Hindi talaga siya sasama?

Talaga! sasama siya.
Maligaya siya.

Maligaya siya?

Maligaya siya!
Nagpapahayag

Nagtatanong

Nagpupunyagi
Maligaya siya ngayon.

Ngayon ba ay maligaya siya ?

Maligaya siya ngayon!
Uri ng ponemang suprasegmental na tono

3. Antala (Juncture)

Ang antala ay tumutukoy sa pansamantala o saglit na pagtigil sa pagbigkas ng salita, upang maging malinaw ang mensahing ibig ipahatid. Bago magsimula ang pangungusap ay may hintong nangyayari at ganun din pagkatapos.

Nangyayari ito kung may ideyang kailangang ihiwalay upang mas lalong maunawan ang nais nitong iparating.

Ito ay ginagamitan ng (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitlang (-) sa pagtigil ng salita at upang maihiwalay ang ideya at mensahe na nais iparating.

Halimbawa:

  • Hindi siya si Rose.

Ang tao ay hindi si Rose. (tuloy-tuloy lamang ang pagsasalita rito)

  • Hindi, siya si Rose.

Tinatama ng tagasalita na ito si Rose.

  • Hindi siya, si Rose.

Si Rose ang tinutukoy, hindi ang ibang tao.

4. Haba (Length)

Ang haba ay tumutukoy sa haba ng pagbigkas ng patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig o salita. Ginagamitan ito ng simbolong tuldok (. ) upang makilala ang haba at upang tama ang pagkakabigkas ng isang salita.

Halimbawa:

SalitaKahuluganHalimbawa sa pangungusap
mahal

ma.hal
iniibig

presyo ng bilihin
Si Joshua ang aking mahal.

Sobrang mahal ng mga bilihin ngayon.
da.an

daan
linalakaran

paraan
Hindi ko mahanap ang daan papunta sa lokasyon ng dati naming bahay.

Walang ibang daan upang magawa ito ng maayos.
bukas

bu.kas
hindi sarado

sa susunod na araw
Ang tindahan ni Aling Marites ay bukas pa hanggang alas syete ng gabe.

Bukas nalang ako uuwi baka gabihin na ako sa daan.
aso

a.so
usok

isang uri ng hayop
Grabe ang aso sa buong bahay dahil nasunog ang niluluto kong ulam.

Ang aso namin ang sobrang mahal ng aking ina.
Uri ng ponemang suprasegmental na haba

Konklusyon

Ngayon ay alam mo na ang ibig sabihin o kahulugan ng ponemang suprasegmental, halimbawa at ang mga uri nito. Ito ay isang uri ng ponema na tumutukoy sa yunit ng tunog. Nagsisimbolo ito ng notasyong phonemic upang matukoy kung paano ang paraan ng pagbigkas ng salita.

Importante at mahalagang aralin ang tungkol sa ponemang suprasegmental dahil maaaring may iba pang kahulugan o ibigsabihin ang mga salita na nakabatay din sa mga diin at pag baybay nito.

Maari rin ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan. Makatutulong ang paksang ito sa paglinang ng ating kaalaman sa paggamit ng wika sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment