Panitikan Kahulugan at Halimbawa – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang kahulugan ng PANITIKAN, uri, at mga halimbawa nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang Kahulugan ng mga uri ng Panitikan sa Pilipinas at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol dito.
Sadyang napakalawak at mayaman ang wikang Filipino. Maraming pamantayan sa paggamit nito kaya dapat na pagtuunana natin ng pansin ang mga ito upang mas gumaling tayo sa paggamit ng ating wika.
Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Panitikang Filipino. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa o examples ng Panitikan.

Ano ang Kahulugan ng Panitikan?
Ang Panitikan ay tinatawag na “literarture” sa wikang Ingles ay tumutukoy sa isinulat na mga imahenasyon, kaisipan at malikhaing pagpapahayag ng mga manunulat. Ito rin ay payak na paglalarawan ng pagsulat patungkol sa tuwiran o tuluyang patula.
Mayroong dalawang klasipikasyon ang panitikan, ang piksyon (fiction) at di-piksyon (reality). Ang Piksyon ay nagsasaad ng mga kathang-isip na pahayag habang ang di-pikson ay pangkatotohanan.
Upang mabigyan ng paliwanag ang salitang panitikan sa kasalukuyang panahon, ating bibigyan ng karagdagang halimbawa o examples ang mga ito.
Dalawang Uri Ng Panitikan
May dalawang uri ang panitikan. Ito ay ang piksyon o kathang-isip at di-piksyon o di-kathang-isip.
Piksyon o Kathang-isip (Fiction)
Ang piksyon o kathang-isip ay isang uri ng panitikan na nakahango sa hindi makatotohanang karanasan, kaisipan at kasaysayan. Bunga ito ng imahinasyon at haka-haka ng tagapagsulat at hindi kailanman nangyari sa tunay na buhay.
Nanggaling ito sa salitang Latin na fictum na ang ibig sabihin ay nilikha. Dito gumagawa ng sariling tauhan, pangyayari, tagpuan at sakuna ang manunulat at ginagamit ang kanyang imahinasyon upang makagawa ng isang magandang kwento.
Di-piksyon o Di-kathang-isip (Non-fiction)
Ang di-piksyon o di-kathang-isip ang isang uri ng panitikan na kabaliktaran ng piksyon. Pangkalahatang katotohan ang inilalahad, isinalaysay at binabahagi dito. Bumabatay sa tunay na pangyayari sa buhay at balita, at kailanman ay hindi nababahiran kailanman ng imahinasyon o mga haka-haka.
Binabatay ng may-akda ang kanyang pagsulat sa ibidensya mula sa ibang tao o tunay na pangyayari tungkol sa isang paksa ang kanyang akda. Hindi tulad ng piksyon, hindi ito gawa-gawa lamang.
Anyo Ng Panitikan
May dalawang anyo ang panitikan. Ito ay ang prosa o tuluyan at patula.
Ang patula na panitikan ay kadalasang ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin at pakiramdam. Pinagsasama-sama ang mga salita upang makagawa ng taludtod na karaniwang isinusulat ng pasaknong. Ito’y kadalasang nakakulong sa rima na natatag ng may-akda at may sukat at tugma, at himig at limitasyon.
Ang prosa o tuluyan na panitikan ay kadalasang gingamit sa pagpapahayag paglalahad ng kaalaman at kaisipan. Ang prosa, salungat sa patula, ay tumutukoy sa malayang pagdaragdag ng mga salita upang makapagbuo ng katutubong ayos ng pangungusap o akda. Hindi ito nakakulong sa rima na natatag ng may-akda at may sukat at tugma, at himig at limitasyon.
Kahalagahan ng Panitikan
Sadyang napakahalaga ng panitikan sapagkat ito’y sumisimbolo sa kasarinlan nating mga Pilipino. Mula pa sa ating mga ninuno, ito ang nagsisilbing ibidensya ng yaman ng isip at talino natin. Sa pagsibol ng teknolohiya, hindi na kadalasang namamataan ng mga tao ang kahalagahan ng panitikan, ngunit hindi ito nangangahulugang lumiliit ang importansya nito.
Ang ating patakaran, sining sa digmaan, at pagmamahal sa bayan ay parte rin ng panitikan at kultura nating mga Pilipino. Naglalakbay ang ilang mga Pilipino upang mapabuti pa ang kanilang literatura at sining. Sa ganitong paraan, mas naipapabuti pa ng mga bagong may-akda ang panitikan at sining ng Pilipinas.
Mga Uri at Kahulugan ng Panitikan sa Pilipinas
Time needed: 2 minutes.
Narito ang mga uri ng panitikan na may kahulugan.
- Anekdota
Ito ay halimbawa ng panitikan na bumubuo ng nakawiwling kwento o nakakatuwang pangyayari. May layunin ito na maghatid ng mga kwentong kapupulutan ng aral na nakabase sa katotohanan.
Katangian ng Panitikang Anekdota:
• Maikling kwento ng isang nakawiwiling insidente sa buhay ng tao. - Nobela
Ang Nobela (Novel) ay tumutukoy sa mga pangyayari na umiikot sa pangunahing tao at mga taong nakapaligid sa kanya.
Katangian ng Panitikang Nobela:
• Mahabang pagkukwento na may mga kabanata at hango sa tunay na pangyayari. Ito rin ay tumatalakay sa mga kasaysayan ng mahabang panahon at marami ang nilalamang tauhan. - Talambuhay
Ang Talambuhay ay isang akda na naglalahad ng kasaysayan ng mahalang tala sa buhay ng isang tao.
Katangian ng Panitikang Talambuhay:
• Ang katangian o nilalaman ng talambuhay ay tungkol sa kwento ng taong nabigo at kung paano sya nagtagumpay sa kabila ng kabiguan. - Parabula
Ang parabula ay mga kwento sa Bibliya na kapupulutan ng mabuting aral.
- Pabula
Ang pabula ay mga maikling kwento na pambata na ang mga tauhan ay mga hayop na naglalahad ng magandang aral.
- Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay mga kwento na kapupulutan ng mabuting aral.
- Alamat
Ang alamat ay mga kwento ng mga pinagmulan ng mga bagay at ito ay kadalasang piksyon.
- Sanaysay
Ang sanaysay ay mga personal na opinyon o paglalahad ng isang tao sa isang bagay o paksa.
- Balita
Ang balita ay ang paglalahad ng mga nangyayari sa atinbg paligid at bansa na naglalayong makipagkumunikasyon sa mga mamamayan.
- Dula
Ang dula ay kadalasang iskrip na itinatanghal sa intablado at maraming yugto.
- Talumpati
Ang talumpati ay ang paglalahad ng opinyon o mensahe ng isang tao sa isang bagay o pangyayari na maaaring pasulat o pasalita. Ito ay isang sining na itinatanghal sa intablado.
- Kwentong Bayan
Ang kwentong bayan ay mga kwento na bunga ng kathang-isip.
Halimbawa Ng Panitikan
1. Panitikan Sa Panahon Ng Katutubo
Ang panitikan sa panahon ng katutubo ay isang panitikan na malaya ang impluwensya ng panitikang Indonesia na unang nakatapak sa Pilipinas at malayo sa impluwensya ng kolonyalismo.
Pangunahing tema ay ang pagkabayani lalo na sa mga panitikan tulad ng epiko, kwentong bayan, alamat, at dagdag na rin ang mga salawikain at kasabihan. Kadalasan ang mga gawain ay nakasulat sa alibata, baybayin at sanskrit.
2. Panitikan Ng Mindanao
Ang panitikan ng Mindanao ay nagpalipat-lipat na sa mga bibig ng mga mamamayan bilang libangan sa Mindanao. Ang kadalasang tema ng awitin ay panliligaw at pagpapakasal na karaniwang piksyon o pagmamalabis, tula at awoton o drama. Malaking impluwensya dito ang mga katutubo ng Mindanao.
3. Panitikan Ng Hapon
Ang panitikan ng hapon ay itinuturing na gintong panahon ng painitkang Pilipino. Naipakilala nito ang teorya at konsepto ng Feminismo na siyang nagpabuti sa panitkan ng mga Pilipino sapagkat bawal ang wikang Ingles sa panahon nito.
Naipasok sa panitikang Pilipino ang haiku na may 5-7-5 na taludtod, tanaga na may 7-7-7-7 na taludtod at tanka na may 5-7-5-7-7 na taludtod.
4. Panitikan Ng Indonesia
Ang panitikan ng Indonesia ang nagimpluwensya ng pulita at konsepto ng nasyonalismo, dahil din sa impluwensya ng Arab at India.
May dalawang pangunahing uri ang panitikan ng Indonesia, ito ang oral at pasulat. Binubuo ito ng pabula, epiko, kwentong bayan, alamat at bugtong. Kareaniwang nagmula sa mga pari ang mga oral na literatura.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kahulugan ng panitikan. Medyo komplekado ang paksang ito kaya kadalasan itong tinatalakay sa sekondarya at kolehiyo. Kadalasan din itong gawa-gawa lamang o maari ring nakabatay sa tunay na buhay ng isang tao.
At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples nito.
Pagtatanong
Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko tungkol sa Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples, maari po ninyong itala sa komento.
Karagdagang Topiko at Aralin:
- Ano ang Taludtod at Mga Halimbawa
- Ano ang Parabula at Mga Halimbawa
- Pang-abay Halimbawa at Kahulugan
- Bugtong Bugtong Na May Sagot
Nawa ay nabigyan namin kayo ng higit na inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Hangad naming makatulong sa inyong pag-aaral upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap sa buhay. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.