Uri Ng Pangngalan: Pangngalan Pantangi At Pangngalan Pambalana

Pangngalan Pantangi – Narito ang Uri ng Pangngalan, kahulugan ng Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana at ang pinagkaiba nito. Ang pangngalan o ang tinatawag nating noun sa salitang ingles ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, lugar, at pangyayari.

Sa araling ito matutuklasan natin ang kaibahan ng pangngalang pantangi at pambalana. Meron din itong mga halimbawa ng Pangngalan pantangi at Pambalana na maari ninyong basehan sa inyong pag-aaral.

PANGALANG PANTANGI KAHULUGAN - URI NG PANGNGALAN (PANTANGI)
PANGALANG PANTANGI KAHULUGAN – URI NG PANGNGALAN (PANTANGI)

Halimbawa ng Pangngalan

  • Cardo Dalisay (Tao)
  • Nike (Bagay)
  • Bantay (Hayop)
  • San Juan ( Pook o lugar)
  • Araw ng Kalayaan (Pangyayari)

Dalawang Uri ng Pangngalan at Pagkakaiba

Narito ang dalawang uri ng Pangngalan:

  1. Pangngalang Pantangi
  2. Pangngalang Pambalana

What is the meaning of Pangngalang Pantangi in Tagalog? (Pangngalang Pantangi Kahulugan)

Ang pangngalang pantangi ay pangngalang nagsisimula sa malaking titik o letra na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.

Dagdag pa rito, tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Ang kasalungat ng pangngalang pantangi ay pangngalang pambalana.

What is the meaning of Pangngalang Pambalana in Tagalog? (Pangngalan Pambala Kahulugan)

Ang pangngalang pambalana ay pangngalang nagsisimula sa maliit titik o letra na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.

Kaibahan ng Pangngalan Pantangi at Pangnglan Pambalana

Pangngalan PantangiPangngalan Pambalana
Nagsisimula sa malaking titik o letraNagsisimula sa maliit titik o letra
Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan

Halimbawa ng Pantangi at Pambalana

PantangiPambalana
Rodrigo Dutertepangulo
Nissankotse
Earthplaneta
Usain Boltmananakbo
Cebulungsod

Mga Halimbawa ng Pangngalang Pantangi at Pambala sa Pangungusap

Halimbawa ng Pangngalang Pantangi

  1. Si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ay ang bago nating pangulo.
  2. Meron siyang bagong Nike na sapatos
  3. Biglang lumaki ang alaga nilang si Bantay.
  4. Gusto kong makapunta sa Luneta Park.
  5. Ipinagdiriwang ngayon ang Araw ng Kalayaan.

Halimbawa ng Pangngalang Pambalana

  1. Ang kanyang mga magulang ay lubhang mababait.
  2. Mayroon siyang bagong sapatos.
  3. Biglang lumaki ang alaga nilang si aso.
  4. Gusto kong pumunta sa parke.
  5. Ipinagdiriwang ngayon ang kanyang kaarawan.

What is Pangngalang Pantangi in English?

Tagalog to English Translation

TagalogEnglish
Pangngalang PantangiProper noun
Pangngalang PambalanaCommon noun

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa araling ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang uri ng pangnglan, kahulugan ng pangngalang pantangi at pambalana, kaibahan at mga halimbawa nito. Tandaan, ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, lugar, at pangyayari.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Pangngalan Pantangi at Pangngalan Pambalana : Uri ng Pangngalan. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment