PANG-URI Kahulugan, Halimbawa, Uri Atbp

PANG-URI – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang kahulugan, halimbawa, uri, kaantasan, kayarian, kailanan at gamit ng pang-uri Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga kahulugan at halimbawa ng pang-uri hanggang sa ngayon.

PANG-URI - ANO ANG PANG-URI - KAHULUGAN, HALIMBAWA NG PANG-URI, URI NG PANG-URI, KAANTASAN, KAYARIAN, GAMIT AT KAILANAN
ANO ANG PANG-URI – KAHULUGAN, HALIMBAWA NG PANG-URI, URI NG PANG-URI, KAANTASAN, KAYARIAN, GAMIT AT KAILANAN

ANO ANG PANG-URI?

Ang PANG-URI o adjective sa Ingles ay tumutukoy sa salitang nagbibigay turing o deskripsyon sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagbibigay linaw sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar kilos, oras, pangyayari at iba pa. Isang bahagi ng pananalita ang pang-uri.

Ano ang Pang-uri
Ano ang Pang-uri

. . .

HALIMBAWA NG PANG-URI

Narito ang sampong (10) mga halimbawa ng pang-uri.

  • Matangkad
  • Maganda
  • Gabi-gabi
  • Mangitim-ngitim
  • Sinungaling
  • Matipuno
  • Malutong
  • Masipag
  • Payat
  • Bilog

Narito naman ang mga halimbawa ng pang-uri sa pangungusap.

  • Si Paul ay matangkad.
  • Maganda ang sapatos ni Andrea.
  • Gabi-gabi lumalabas ang mga alitaptap.
  • Mangitim-ngitim ang leeg ng bata.
  • Masyadong sinungaling ang mga chismusa sa amin.
  • Matipuno ang katawan ni Lito.
  • Ang manggang binigay sa akin ni ate ay malutong.
  • Si Delia ay masipag na anak.
  • Payat ang katawan ng bata.
  • Bilog ang mundo.
Halimbawa ng Pang-uri
Halimbawa ng Pang-uri

. . .

Uri Ng Pang-uri

Ang pang-uri ay may tatlong (3) uri, ito ang panlarawan, pantangi at pamilang.

Uri ng Pang-Uri
Uri ng Pang-Uri
Uri ng Pang-uri at KahuluganHalimbawa
Pang-uring Panlarawan
Ang pang-uring panlarawan ay salitang naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip batay sa uri at kabagayan nito.
Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa o hugis ng pangngalan o panghalip.
Malaki ang puno sa aming bakuran.
Mapula ang bibig ni Karen.
Makitid ang daan.
Ang pochero na luto ni Jude ay mapakla.
Mula umaga maingay na talaga ang bunganga ni mama.
Pang-uring Pantangi
Ang pang-uring pantangi ay sinasabi ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.
Ang pang-uring pantangi ay sinasabi ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.
May ka-chat akong babaeng Koreana.
Sadyang napakaganda ng kulturang Tsino.
Sari- saring kakaning Pinoy ang niluto nila sa fiesta.
Pasalubongan mo kami ng chicharon de Cebu.
Nandito kami ngayon sa kalye Rizal.
Pang-uring Pamilang
Ang pang-uring pamilang ay nagsasaad ito ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.
May mga anim (6) na uri ang pang-uring pamilang. Ito ang patakaran, panunuran, pamahagi, pahalaga, palansak, at patakda.
Pito ang anak ni Mang Nestor.
Kuneho ang ikalawa kong alagang hayop.
Binigyan ako ni Papa ng sampong piso.
Kumaha kayo ng tig-tatlong itlog sa pugad ng manok.
Libu-libo ang dumalo sa pagtitipon.
Iisa lang dala kong panyo.
Uri ng Pang-uri

. . .

Mga Uri ng Pang-uring Pamilang

Mga uri ng Pang-uri Pamilang
Mga uri ng Pang-uri Pamilang
Uri ng Pang-uring PamilangHalimbawa
Patakaran
Ang patakaran ay nagsasaad ng aktwal na bilang ng tao o bagay. Ito rin ay tumutukoy sa likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang.
Lima ang manggang pinitas ni Tatay.
Dalawa na ang anak namin ni Andrew.
Ang punong niyod na aming bakuran ay pito lahat.
Amin ang kompyuter sa aming opisina.
Walo ang anak ng alaga kong kuneho.
Panunuruan o Ordinal
Ang panunuruan o ordinal ay nagsasaad kung pang-ilan ang tao o bagay sa pangungusap. Sinasabi din ang pagkakasunod-sunod ng ng pangngalan o posisyon ng tao o bagay.
Si Alex ay pangalawa sa magkakapatid.
Ang aming bayan ang una sa pinakaraming kaso ng Covid.
Panlima ako sa nakatanggap ng regalo.
Pang-sampo si Paul sa pila.
Ako ang pangatlo sa pinakamatangkad sa aming klase.
Pahalaga
Ang pahalaga ay nagsasaad ng halaga ng bagay o o anumang binili o bibilhin. Samakatuwid, pera ang tinutukoy dito.
Bibili ako ng singkweta pisong kalamay.
Nabigyan ako ng limang libong pera mula kay Mama.
Si Kyle ay may tatlong daang piso.
Nag-widraw ako ng sampong libong piso sa bangko.
Bente pesos ang binigay kong pamasahe sa trisikel.
Pamahagi
Ang pamahagi ay nagsasaad ng pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati o kabuuan.
Karaniwan itong ginagamitan ng unlaping tig- upang pantay ang pamamahagi o kapag pare-pareho ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap.
Ang pamahaging pamilang ay mayroong anyong bahagimbilang o hating-bilang. Pwede ring gamitin ang mga salitang bahagdan, persentahe o porsiyento.
Binigyan ko si Mama at Ate ng tig-isang cake sa kanilang kaarawan.
Dinagdagan ni Mang Kiko ng limang porsiyentong ang binili kong isda.
Binigyan ni Linda ang mga bata ng tig-dalawang tsokolate.
Si Amanda ay kumuha ng tigsampong kendi para sa kanyang mga anak.
Nakakuha tayo ng sampong porsiyentong dagdag sa sahod.
Palansak
Ang palansak ay nagsasaad ng bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama.
Inuulit ang unang salita o kaya ay nilalagyan ng panlaping han/an ang bilang isang grupo o maramihan.
Tatlohan lang ang sakay ng trisikel.
Dose-dosena ang tumpok ng talong.
Isa-isa lang po tayo pababa ng hagdan.
May pasalubong si Tito Mike sa aming sampu-sampong tsokolate galing Amerika.
Usog pa po ng kaunti dahil sampuan ang upuan ng jeep natin.
Patakda o Tiyak Na Bilang
Ang patakda o tiyak na bilang ay siyang nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan.
Eksaktong bilang ang sinasaad dito.
Ang palatandaan nito ay ang pag-uulit ng unang pantig ng salita.
Lilima kaming pumunta ng mall.
Aapat ang kambing ni Lola.
Tatatlo ang pinitas kong bayabas.
Dadalawa ang bahay nina Shalene.
Iisa lang ang babaeng mamahalin ko.
Mga Uri Ng Pang-uring Pamilang

. . .

KAANTASAN NG PANG-URI

Ang kaantasan ng Pang-uri ay may tatlong (3) antas o kaantasan. Ito ang lantay, pahambing at pasukdol.

Kaantasan
Kaantasan ng Pang-uri
Kaantasan Ng Pang-uriMga Halimbawa Sa Pangungusap
Lantay na Pang-uri
Ang lantay na pang-uri ay nagpapakita o nagsasaad ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Si Timothy ay mataba.
Bago ang aking damit.
Pula ang sapatos ni Kian.
Si Matt ay matangkad.
Maliit ang baywang ni Mina.
Pahambing na Pang-uri
Ang pahambing na pang-uri ay sinasaad ang pagkakaktulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

1. Pahambing na Magkatulad
Ang pahambing na magkatulad ay isinasaad nito ang pagkakaktulad ng katangian ng dalawang bagay na pinaghahambing. Ginagamitan ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.






2. Pahambing na Di-Magkatulad
Ang pahambing na di-magkatulad ay isinasaad nito ang di-pagkakatulad na paghahambing.
Ito ay nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat. May dalawa rin itong uri – ang pahambing na palamang at pahambing na pasahol.

a. Pahambing na Palamang
Ang pahambing na palamang ay nagsasaad ng higit na katangian sa pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang higit, mas-, di-hamak at lalo. Katuwang nito ang mga salitang kaysa o kaysa kay.

b. Pahambing na Pasahol
Ang pahambing na pasahol ay nagsasaad ng katangiang kapos o kulang sa pinaghahambingan. Ginagamit dito ang mga salitang di-gaano, di-tulad ni o di-tulad ng, di-gasino, di-masyado, at marami pang iba.
Singgaling ni Tina si Stella sa pagsasayaw.
Magsingliit kami ni Mariel.
Singganda ko si Ivana.
Si Caren ay singbait ni Jahzel.
Singtikas ni Jero si Bryan.





Di-hamak na mas maputi ako kaysa sa kanya.
Ang proyekto mo ay higit mas pinag-isipan kaysa sa akin.
Ang paaralan namin ay di-masyadong malayo mula rito.
Mas-masungit si Bea kaysa kay Ally.
Ang gown ni trina ay di-hamak na bongga kaysa sakin.
Pasukdol na Pang-uri
Ang pasukdol na pang-uri ay nagsasaad ng katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ito ay maaaring negatibo o positibo.
Ang paglalarawan dito ay sadyang masidhi kaya ginagamit ang mga salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan at kung minsan ay inuulit ang pang-uri.
Pinakamahusay si Philip sa aming klase.
Tunay na ligaya ang makasama kita.
Saksakan ng pangit ang dekorasyon nila sa Halloween.
Ubod ng bait ang binatang si Kristian.
Sobrang lambot ng katawan ni Dana kung sumayaw.

. . .

KAYARIAN NG PANG-URI

Ang kayarian ng pang-uri ay mayroong apat (4) na klase. Ito ang payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Kayarian
Kayarian ng Pang-uri

Time needed: 2 minutes.

Narito na ang apat na kayarian ng pang-uri.

  1. Payak

    Ang payak ay ang pinaka-simpleng anyo ng pang-uri. Ito ay salitang ugat lamang.
    Halimbawa ng Payak na Pang-uri sa Pangungusap
    * Ang lamig ng tubig sa sapa.
    * Ang ganda ng langit.
    * Hilaw pa ang manggang napitas mo.
    * Ang init ng panahon ngayon.
    * Ang taba mo na ngayon Gelli.

  2. Maylapi

    Ang maylapi ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
    Halimbawa ng Maylapi na Pang-uri sa Pangungusap
    * Matangos ang ilong ni Shawn.
    * Ang pagkain ay malamig na.
    * Si Andrew ay matangkad.
    * Maganda si Chen.
    * Mabango ang adobo ni Mama.

  3. Inuulit

    Ang inuulit ay nabubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
    Halimbawa ng Inuulit na Pang-uri sa Pangungusap
    * Ang puputi ng mga damit na nilabhan ni ate.
    * Kamangha-mangha ang kanilang pagtatanghal.
    * Ang tatangkad ng mga anak ni Tiya Pepa.
    * Ang lalaki ng mga bahay sa inyo.
    * Gabi-gabi na lang uniinom ang papa mo.

  4. Tambalan

    Ang tambalan ay binubuo sa pamamagitan ng pagsama o pagtambal ng dalawang magkaibibang salita na maaring magkaroon ng pangalawang kahulugan.
    Halimbawa ng Tambalan na Pang-uri sa Pangungusap
    * Kutis-labanos ang balat ni Andi.
    * Sina Mang Andres ang aming kapit-bahay.
    * Doon tayo mamili sa bayan, mas abot-kaya ang mga bilihin don.
    * Agaw-pansin ang damit na suot ni Lyka.
    * Ang mama ko talaga, parang sirang-plaka, paulit-ulit.

. . .

GAMIT NG PANG-URI

Ang gamit ng pang-uri ay apat. Ito ang panuring ng pangngalan, bilang panuring sa panghalip, pang-uring pangngalan, at bilang kaganapang pansimuno o panaguri.

Gamit
Gamit ng Pang-uri
1. Bilang Panuring ng Pangngalan
Sa isang pangungusap binibigyang paglalarawan nito ang simuno o paksa.
2. Bilang Panuring sa Panghalip
Sa isang pangungusap binibigyang paglalarawan ang mga salitang ipinampalit sa pangngalan o mga panghalip.
3. Pang-uring Pangngalan
Sa isang pangungusap ang paksa o simunong pinag-uusapan ay siyang pang-uring ginagamit.
4. Bilang Kaganapang Pansimuno o Panaguri
Sa isang pangungusap binibigyang paglalarawan ang paksa o simuno upang maging ganap ito.

. . .

KAILANAN NG PANG-URI

Ang kailanan ng pang-uri ay tatlo. Ito ang isahan, dalawahan at maramihan.

Kailanan
Kailanan ng Pang uri
Kailanan ng Pang-uriHalimbawa
Isahan
Ang isahan ay tumutukoy sa iisang inilalarawan. Nakikita ito sa tulong ng mga panghalip na isahan at maaaring gamitan ng panandang ang o si.
Ang bata ay maliksi.
Si Linda ay maputi.
Ang kamias ay maasim.
Si Andrew ay gwapo.
Ang mga bata ay masaya.
Dalawahan
Ang dalawahan ay tumutukoy sa higit sa isang inilalarawan. Ginagamitan ito ng panlaping magsing-, magka-, magkasing-, at marami pang iba.
Magkasinggaling sa pagsasayaw sina John at Drake.
Sina Nanay at Tatay ay magkasingtangkad.
Kapwa nakawiwili ang mga alagang aso nina Jane at Sandra.
Magsingkintab ang mga sapatos nina Mark at Greg.
Magkasingtangos ang ilong nina Paul at ng Papa niya.
Maramihan
Ang maramihan ay tumutukoy sa pangmaramihan na inilalalrawan. Ginagamit ang panandang pangmaramihan tulad ng mga. Ginagamitan din ito ng pang-uring pamilang na maramihan tulad ng tatlo, sampu, sandaan, at marami pang iba.
Maaari rin itong gamitan ng pang-uring inuulit ang unang pantig ng salitang ugat gaya ng magaganda, ang yayaman at kung ano pa.
Ang gugwapo ng mga kaklase ni Jerome.
Sampung taon ang hinintay ko para makarating dito.
Ang mga kaklase q ay makukulit.
Tatlong pares ng tsinelas ang dinala ni Molly.
Tatlong kilong baboy ang binili ni Paula.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa araling ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Ng Pang-uri

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang pang-uri, kahulugan, uri, kaantasan, kailanan, gamit at mga halimbawa nito. Tandaan, ang pang-uri ang naglalarawan o nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay maging bagay man, tao, pangyayari at iba pa.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment