PANG-UKOL – Sa aralin na ito ating tatalakayin kung ano ang pang-ukol, mga pangkat at mga halimbawa nito sa pangungusap. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga kahulugan at halimbawa hanggang sa ngayon.
Tulad ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, panghalip at pang-abay, ang pang-ukol ay isa ring bahagi ng pananalita.
Talaan ng Nilalaman

Ano ang Pang-ukol?
Ang pang-ukol ay isa ring bahagi ng salita na nag-uugnay ng mga salita sa pangungusap tulad ng pangngalan, pandiwa, panghallip, o pang-abay. Ito ay ginagamit upang matukoy ang mga ugnayan sa panahon, lawak, lugar o layon.

Sa katunayan ang isang pang-ukol ay isang ring morpema na kadalasang nauuna sa mga salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan o pagbabago sa parilala. Kapag ginagamit ito sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa.
Ang mga bahagi ng mga pananalita lakip na dito ay nilikha ni Lope K Santos na kaniyang sinulat sa aklat na Barilala ng Wikang Pambansa. Sa barilalang Ingles tinatawag bilang preposition.
Upang lubos natin itong maintindihan magbibigay tayo ng halimbawa at gagamitin ito sa pangungunusap…
Halimbawa Ng Pang-ukol
Narito ang ilang halimbawa ng pang-ukol na ginagamit ng ibang bahagi ng pananalita sa pangungusap.
- Ng
- Sa
- Ni, Nina
- Para sa
- Ayon sa

Halimbawa Ng Pang-ukol Sa Pangungusap
Halimbawa ng Pang-ukol | Gamit ng Pang-ukol | Halimbawa ng Pang-ukol sa Pangungusap |
Ng | Ito ay nagsasaad sa ugnayan ng isang kabuuan at isang bahagi. | Anak ng bayan ang turing sa alkalde ng Makati City dahil sa makatao nitong pamamalakad. |
Sa | Nagsasaad ng pag-uukol sa isang bagay at isa pa. | Kamay sa baywang na humarap ang batang pasaway sa kaniyang ina. |
Ni o Nina | Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari sa isang bagay. | Ang kambing nina Sally ang kumain ng gulay sa labas ng bahay. Ang aklat ni Juan ay naiwan sa bus. |
Para sa | Ito ay nagpapakita ng pinag-uukulan. | Para sa mga taong nakatira sa ilalalim ng tulay ang programang ginawa ng pamahalaan. |
Ayon sa | Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay | Ayon sa ina ni Paul, kahapon pa dumaan sa kanilang bahay ang kaniyang pinsan, pero hindi na niya ito namataang bumalik. |
Pangkat ng Pang-ukol
Gamit na Pangngalang Pambalana at Ginagamit sa Ngalan ng Tanging Tao

Gamit na Pangngalang Pambalana
Ito ang mga pang-ukol na ginagamit sa pangngalang pambalana. Ito ay gumagamit ng mga salitang ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, at para sa.
Halimbawa:
- Ukol sa mga halamang gamot ang paksa.
- Laban sa mga magsasaka ang protesta.
- Tungkol sa mga batang ina ang topiko sa pagpupulong.
- Para sa mga matatanda ang pinamimigay na gamot.
- Hinggil sa mga alamat ang kaniyang binabasa.
Ginagamit sa Ngalan ng Tanging Tao
Dito, ang gawa, ari, layon at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao. Ginagamitan ito ng pang-ukol na ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, at hinggil kay.
Halimbawa:
- Laban kay Sen. Estrada ang isyu na kumakalat sa sosyal medya.
- Para kay Karen ang sorbetes na aking binili.
- Ayon kay Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
- Tungkol kay Prince Philip ang sinulat na aklat.
- Hinggil kay Juan Dela Cruz ang pelikulang aming napanuod.
Karaniwang mga Pang-ukol
sa/sa mga | ng/ng mga | labag sa |
kay/kina | sa/kay | alinsunod sa |
nang may | tungkolsa/tungkol kay | para sa |
hinggil sa/kay | nang wala | para kay |
laban sa/kay | ayon sa/kay | tungo sa |
mula sa | ni/nina | alinsunod kay |

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa araling ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin na siguradong mas makakadagdag ng mga bagong kaalaman.
Konklusyon
Sa wakas ating natuklasan ang kahulugan ng pang-ukol, maging ang kaniyang mga pangkat, at mga halimbawa kung paano ito gamitin sa pangungusap.
Gayunpaman, ito ay lubos na makakatulong sa pag-uugnay ng pangngalan, pandiwa, panghalip, o pangabay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng lugar o layon.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.