Pang-abay Halimbawa at Kahulugan – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang PANG-ABAY – kahulugan at mga Halimbawa nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa mga Pang-abay at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol sa Pang-abay.
Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Pang-abay. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa at uri ng Pang-abay.

Ano ang Kahulugan ng Pang-abay?
Ang salitang Pang-abay o “adverb” sa wikang Ingles ay naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Mapapansin ang salitang pang-abay dahil palaging kasama nito ang pandiwa o pang-uri sa loob ng pangungusap.
Narito ang mga halimbawa ng Pang-abay:
- nang
- bukas
- tuwing
- kahapon
- kanina
- sa
- kina
- araw-araw
- taun-taon
- linggo-linggo
Mga Halimbawa ng Pang-abay sa Pangungusap
- Tumawa nang malakas si Charlie.
- Mamamasyal ako bukas sa mall.
- Umuuwi ako sa amin tuwing my kaarawan.
- Bumili ka sana ng regalo kahapon.
- Si Ruben ay kanina pa umalis.
- May nakita akong magandang damit sa pamilihan.
- Natulog ako kina Mang April.
- Maligo ka araw-araw.
- Pumupunta sila sa Taiwan taun-taon.
- Linggo-linggo kami namamasyal.
Mga Halimbawa at Uri ng Pang-abay
Time needed: 2 minutes.
Narito ang mga uri at halimbawa ng Pang-abay.
- Pang-abay na Pamaraan
Ito ay uri ng pang-abay na naglalarawan sa mga nagaganap, nagap o magaganap na kilos at nagpapahag ng pandiwa. Ginagamitan din ito ng mga panandang ng, nang at na. Ang pang-abay na pamaraan ay sumasagot sa tong na Paano.
Halimbawa:
• Labis na ikinalungkot ko ang pag-alis mo.
• Paano siya tumakbo nang mabilis?
• Kinamayan niya ako nang mahigpit.
• Natulog siya nang matagal.
• Bakit siya umalis na umiiyak?
• Sumayaw siya nang mabilis.
• Sinakal ni kuya ang aming bunso nang mahigpit. - Pang-abay na Pamanahon
Ang Pang-abay na pamanahon ay nagsasaad ng panahon kung kailan magaganap o naganap ang pangyayari ng pandiwa. Ito ay nag naglalahad rin kung ilang beses naganap at maaring may pananda o wala.
Halimbawa:
• Ngayon ang araw nga kasal nina Joe at Ludy.
• Taon-taon ay may pyesta sa kabilang baryo.
• Si Rubin ay nagagalit kapag umalis ng walang paalam.
• Sisimba ang pamilya mamaya.
• Umuwi ang mga tao sa probinsya taun–taon. - Pang-abay na Pang-agham
Ito ay uri ng pang-abay na nagpapahayag ng tiyak o walang-katiyakan ng pandiwa o kilos na gaganapin. Gumagamit ang pang-abay na ito ng mga salitang naglalahad ng posibilidad.
Halimbawa:
• Baka walang pasok dahil sa masamang panahon.
• Siguro ay may ibang dahilan pa kung bakit ka iniwan.
• Parang umiyak si Leni.
• Siguro ay magsisimba kami bukas.
• Marami na marahil ang gustong pumasok sa paaralan.
• Baka sa susunod na taon kami uuwi. - Pang-abay na Pananggi
Ito ay pang-abay na nagpapahayag ng pandiwa o kilos na nagtatanggi. Ang mga salitang gingamit ay di o hindi at ayaw.
Halimbawa:
• Hindi kumikibo si Jose habang tinatanong nga kanyang ina.
• Ayaw kong kumain ng matatamis.
• Ayaw ni Ted kumain ng gulay.
• Hindi na ako maging marupok.
• Ayaw kong sumama sa sinehan.
• Di na ako bibili ng damit sa mall. - Pang-abay na Panulad
Ang pang-abay na panulad any nagpapahayag nga paghahambing o pagtutlad ng dalawang bagay, kilos o pandiwa. Gumagamit ang pang-abay na ito ng mga salitang paghahambing tulad ng: mas, kaysa, gaya at tulad.
Halimbawa:
• Mas maganda si Karen kaysa kay Joy.
• Magaling magluto si Mark kaysa kay Jude.
• Ang gusto ko ay matulog kaysa kumain.
• Ang kalusugan ay mahalaga kaysa sa kayamanan.
Konklusyon
At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Pang-abay Halimbawa at Kahulugan Sa Pangungusap at mga halimbawa sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring ma i-download ang PDF tungkol sa Pang-abay Halimbawa at Kahulugan.
Pagtatanong
Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko tungkol sa kun Pang-abay Halimbawa at Kahulugan Sa Pangungusap, maari po ninyong itala sa komento.
Karagdagang Topiko at Aralin:
- Salaysay Halimbawa at Kahulugan
- Nang at Ng Pagkakaiba
- Maikling Kwento Halimbawa
- Philippine Folk Dance Examples and History
- Bugtong Bugtong Na May Sagot
We are Proud Pinoy.