Ano Ang Pang-abay, Uri At Mga Halimbawa

PANG-ABAY – Sa araling ito, ating pag-aaralan kung ano ang pang-abay, ang kahulugan nito, mga uri at mga halimbawa sa pangungusap. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga kahulugan at halimbawa hanggang sa ngayon.

Dagdag pa rito magbibigay tayo ng mga halimbawa sa bawat uri ng pang-abay upang lubos nating maunawan at malaman kung paano ito gamitin sa ating mga pangungusap.

Ano ang Pang-abay
Ano ang Pang-abay

Ano ang Pang-abay?

Ang pang-abay ay isang bahagi ng salita o part of speech na naglalarawan o nagbibigay turing sa tao, bagay, hayop o pangyayari. Ito ay kilala rin sa salitang Ingles na adverb.

Bukod rito ito ay may dalawang uri na kahulugan.

Istruktural na Kahulugan

Ang pang-abay ay matutukoy dahil kasama ito sa pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay na bumubuo sa isang parilala.

Pansemantikang Kahulugan

Sa pansemantikang kahulugan ang pang-abay ay matutukoy dahil nag bibigay turing ito sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Ano ang Pang-abay Kahulugan
Ano ang Pang-abay Kahulugan

Halimbawa ng Pang-abay

Halimbawa ng Pang-abay

Narito ang mga halimbawa ng Pang-abay:

  • nang
  • bukas
  • tuwing
  • kahapon
  • kanina
  • sa
  • kina
  • araw-araw
  • taun-taon
  • linggo-linggo

Mga Halimbawa ng Pang-abay sa Pangungusap

  • Tumawa nang malakas si Charlie.
  • Mamamasyal ako bukas sa mall.
  • Umuuwi ako sa amin tuwing my kaarawan.
  • Bumili ka sana ng regalo kahapon.
  • Si Ruben ay kanina pa umalis.
  • May nakita akong magandang damit sa pamilihan.
  • Natulog ako kina Mang April.
  • Maligo ka araw-araw.
  • Pumupunta sila sa Taiwan taun-taon.
  • Linggo-linggo kami namamasyal.

Uri ng Pang-abay

Ang pang-abay ay mayroong labinpitong (17) uri. Ito ay ang mga pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, ingklitik, benepaktibo, kusatibo, kondisyunal, pamagitan, panulad, pananggi, panggaano, panang-ayon, panturing, pananong, panunuran at kaukulan.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan magaganap ang kilos na isang pandiwa sa pangungusap. Ito ay may tatlong uri: ang may pananda, walang pananda at nag sasaad ng dalas.

Pang-abay na pamanahon

Uri ng Pang-abay na Pamanahon

Mga Uri ng Pang-abay na PamanahonHalimbawa ng Pang-abay na Pamanahon sa Pangungusap
Pamanahong may Pananda
Ito ay matutukoy gamit ang mga panandang nang, sa, noon, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa o hanggang.
Si Rubin ay nagagalit kapag umalis ng walang paalam.
Pamanahong Walang Pananda
Ang pamanahong walang pananda ay gumagamit ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali atbp.
Sisimba ang pamilya mamaya.
Pamanahong Nagsasaad ng Dalas
Ang pamanahong ito ay nagsasaad ng dalas. Ang mga panandang ginagamit dito ang mga salitang araw-araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, linggo-linggo atbp.
Umuwi ang mga tao sa probinsya tauntaon.

2. Pang-abay na Pamaraan

Ang pang-abay na Pamaraan ay nagpapahayag kung paano gagawin, ginagawa o gagawin ang kilos na isinasaad ng padiwa.

Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, na, o -ng.

Pang-abay na Pamaraan

Mga halimbawa ng pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

  1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
  2. Natulog siya nang matagal.
  3. Bakit siya umalis na umiiyak?
  4. Sumayaw siya nang mabilis.
  5. Sinakal ni kuya ang aming bunso nang mahigpit.

3. Pang-abay na Panlunan

Ang pang-abay na panlunan ay naglalarawan ng lugar kung saan nagawa nag pangyayari.

Samaktuwid, ito ay nagsasaad kung saan naganap, nagaganap at gaganapin ang kilos sa pangungusap. Bukod dito, ito ay tinatawag na pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos.

Karaniwang ginagamitan ito ng mga panadang sakina o kay.

Pang-abay na Panlunan

Sa

Ang sa ay ginagamit kapag ang pangangalang pamabalana at panghalip ay kasunod nito.

Halimbawa:

  1. Makikipagsayaw ako kay Mark sa Pistahan.
  2. May nakita akong gwapo sa parke.
  3. Maraming masadarap na pagkain sa piesta.

Kay o Kina

Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao ay kasunod nito.

Halimbawa:

  1. Nagpahanda ako kina Aling Betty ng masarap na adobo sa aking kaarawan.
  2. Sasama ako kay Grace para gumawa ng proyekto.

4. Pang-abay na Pang-agam

Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahayag ng pag-aalinlangan o di katiyakan sa paggawa sa kilos ng pandiwa. Gumagamit ito ng mga parilalang marahil, siguro, tila, baka, wari, o parang.

Pang-abay na Pang-agam

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam sa pangungusap:

  1. Parang umiyak si Leni.
  2. Siguro ay magsisimba kami bukas.
  3. Marami na marahil ang gustong pumasok sa paaralan.
  4. Baka sa susunod na taon kami uuwi.

5. Pang-abay na Ingklitik o Kataga

Ang pang-abay na Ingklitik o Kataga ay kadalasang nakiita sa pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.

Ang mga ito ay ang mankasisananangkayayatatuloylamang/lang, din/rin, bapamunapalananaman, at daw/raw.

Pang-abay na Ingklitik o Kataga
Mga Pang-abay na Ingklitik o KatagaMga Pang-abay na Ingklitik o Kataga sa Pangungusap
ba
Ito ay nagpapahayag ng pagtatanong at nagbibigay diin sa pangungusap.
Ito ba ay importante sayo?
daw o raw
Ito ay ginagamit sa di-tuwirang pagsasaad.
Si Allan raw an kumuha.
Ikaw daw ang naatasan.
din o rin
Ito ginaggamit sa pagsasaad ng pagsang-ayon.
Ako din ay sasama sa pamamasyal.
Siya rin ay pumayag.
kasi
Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagdaramdam, pagsisisi, o paninisi.
Bakit naman kasi ganun ang tanong mo! yan ang nasabi ko.
Ang tigas kasi ng ulo mo eh, sabi nang tama na!
kaya
Ginagamit naman ito kapag nagpapahiwatig ng pag-aagam-agam.
Paano kaya kung wala na si Nanay?
lamang o lang
Ito ay nagsasaad ng pagtatangi ng pangyayaring katatapos kani-kanina.
Kakalaba ko lamang at umulan.
Bago lang ko kumain.
man
Ito ay naglalarawan ng pinakamaliit na aksyon.
Hindi man lang siya nagpaalam.
muna
Ito ay ginagamit sa pagpapahayag na may gagawin pa o maghihintay.
Ikaw muna ang sumundo sa kaniya.
na
Ito ay nagsasaad ng natapos na o nagawa na.
Kumain na ang mga bisita.
nga
Ito ay nagsasaad ng pagpapatunay o pagsang-ayon.
Dahil nga doon sa pagsisikap niya natupad ang kaniyang pangarap.
pa
Ito ay nagsasaad ng karagdagan.
Ano pa ba ang kailangan?
pala
Ito ay nagsasaad ng pangyayaring hindi inaasahan.
Kumain pala siya ng bawal na pagkain sa kaniyang sakit.
sana
Ito nagpapahiwatig ng nais mangyari.
Nais ko sana ng magarang bag.
yata
Ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakan
Doon yata siya nagpunta sa likod nang bahay.

6. Pang-abay na Benepaktibo

Ang pang-abay na Benepaktibo ay nagpapahayag ng benipisyo para sa isang ginawa kilos ng pandiwa o layunin nito. Kadalasan ay ginagamitan ito ng panandang para sa.

Pang-abay na Benepaktibo

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Benepaktibo sa Pangungusap

  • Mag-aral ka ng mabuti para sa mataas na marka.
  • Kumain ng masustansiyang pagkain para sa ikakalakas ng iyong katawan.
  • Si ate ay nagtatrabaho para sa aming matrikula.
  • Ang mga sundalo ay nagbubuwis ng buhay para sa bayan.
  • Si Grace ay nagtitinda ng kakanin para sa kanyang mga anak.

7. Kusatibo o Kawsatibo

Ang pang-abay na kusatibo ay nagpapahayag ng dahilan sa paggawa ng kilos ng pandiwa. Matutukoy ito sa parirala o sugnay na nagsisimula sa dahil sa.

Pang-abay na Kusatibo

Halimbawa nito sa pangungusap:

  • Dahil sa iyo ay nakapagtapos ako nang pag-aaral.
  • Dahil sa makalas na ulan nahuli ako sa aking klase.
  • Dahil sa magaling na pamamalakad ng pamahalaan naging maunlad ang bayan.
  • Dahil sa kaingayan kaya nagalit si Binibining Galero sa amin.
  • Dahil sa bagyo nasira ang lahat ng kabahayan.

8. Pang-abay na Kondisyunal

Ito ay nagsasaad ng kondisyon sa kilos ng pandiwa upang magawa ito. Ito ay makikilala sa mga parilalang kung, kapag/pag, o pagka.

Pang-abay na Kondisyunal

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kondisyonal sa Pangungusap

  • Gagaling kang kumanta kung magsasanay ka palagi.
  • Bibigyan kita ng pasalubong kung mag-aaral ka ng mabuti.
  • Matutupad mo ang iyong pangarap kapag makikinig ka sa mga payo ko.
  • Hindi ka magkakasakit kung marunong kang mag-ingat sa katawan mo.
  • Aalis lang tayo kapag naglinis ka ng bahay.

9. Pang-abay na Pamagitan

Ang pang-abay na pamagitan ay nagpapahayag ng paggalang. Ito ay gumagamit ng mga salitang po, opo, ho, o oho.

Pang-abay na Pamagitan

Mga Halimbawa ng Pamitagan sa Pangungusap

  • Saan po kayo galing?
  • Opo, maglilonis na po ako.
  • Bakit ho kayo umiiyak?
  • Ang nilabahan ko po ay pantalon at palda.
  • Mahilig po akong magbasa.

10. Pang-abay na Panulad

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Gumagamit ito ng salitang kaysa.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panulad sa pangungusap:

Pang-abay na Panulad
  • Mas maganda si Karen kaysa kay Joy.
  • Magaling magluto si Mark kaysa kay Jude.
  • Ang gusto ko ay matulog kaysa kumain.
  • Ang kalusugan ay mahalaga kaysa sa kayamanan.

11. Pang-abay na Pananggi

Ang pang-abay na pananggi ay nagsaad ng hindi pagsang-ayon o pagtutul sa isang kilos. Ito ay gumagamit ng mga salitang hindi, di at ayaw.

Pang-abay na Pananggi copy

Mga Halimbawa sa pangungusap:

  • Ayaw ni Ted kumain ng gulay.
  • Hindi na ako maging marupok.
  • Ayaw kong sumama sa sinehan.
  • Di na ako bibili ng damit sa mall.

12. Pang-abay na Panggaano o panukat

Ang pang-abay na panggaano ay nagsasaad ng timbang, bigat o sukat. Matutukoy ito dahil sumasagot ito sa tanong na gaano o magkano.

Pang-abay na panggaano

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano sa pangungusap:

  • Bumili ka ng tatlong kilong bigas.
  • Si Berto ay tumaba ng limang kilo.
  • Bibili ka nang limang kilong karne ng baboy.
  • Tumaas ng limang piso ang pamasahe sa jeep.
  • Kaunti na lamang ang bumalik sa paaralan.

13.  Pang-abay na Panang-ayon

Nagsasaad ng pagsang-ayon ang pang-abay na panang-ayon. Ito ay ginagamitan ng oo, opo, tunay, sadya, talaga, o syempre.

Mga Halimbawa ng Panang-ayon sa pangungusap:

  • Oo, papasok ako sa trabaho bukas.
  • Tunay ngang masarap ang kanilang pakain.
  • Talaga palang mayaman ang kanilang pamilya.
  • Sadyang masayahing bata si Jaymar.
  • Syempre gusto kong sumama sa kanilang paglalakbay.

14. Pang-abay na Panturing

Ito ay nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob o pagkilala.

Pang-abay na Panturing

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panturing sa pangungusap:

  • Mabuti na lang at pinahiram mo ako ng pera kung hindi ay kukunin nila itong bahay ko.
  • Nang dahil sayo ay natupad ang aking pangarap.
  • Mabuti na lang at nadala mo agad siya sa Ospital.

15. Pang-abay na Pananong

Ito ay nagsasaad at ginagagamit sa pagtatanong tungkol sa pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Panghalip na Pananong

Mga Halimbawa ng Pananong sa pangungusap:

  • Pano kaya sumali sa kompetisyon?
  • Gaano karami ang sumalubong kay Mayor Santos?
  • Saan ang daan patungong Tagaytay?
  • Kanino nanggaling ang bago mong damit?

16. Pang-abay na Panunuran

Ito ay nagsasaad ng paghahanay o pagkakasunod ng panahon ng kilos.

Pang-abay na Panunuran

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panunuran sa pangungusap:

  • Sunud-sunod ang pagdating ng bisita sa kaarawan.
  • Kahuli-hulihan si Glen sa pila.

17. Pangkaukulan

Ginagamitan ang pang-abay na pangkaukulan ng mga salitang tungkol, hinggil, o ukol.

Pang-abay na Pangkaukulan

Mga Halimbawa ng na Panunuran sa pangungusap:

  • Ang pagpupulong ay tungkol sa mga proyekto makakatulong sa kabataan.
  • Hinggil saan ang napag-usapan nyo sa pagpupulong kahapon?
  • Ang artikulo ay tungkol sa pang-uri at pandiwa.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa araling ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin na siguradong mas makakadagdag ng mga bagong kaalaman.

Summary

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang pangabay, kahulugan(meaning), uri, at mga halimbawa nito sa pangungusap. Tandaan, ang pang-abay ay bahagi ng salita o Part of speech na naglalarawan o nagbibigay turing sa tao, bagay, hayop o pangyayari.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment