Pandiwa Halimbawa at Kahulugan Tagalog

Pandiwa Halimbawa at Kahulugan – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang kahulugan o meaning ng PANDIWA at mga halimbawa o examples nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa Pandiwa at para mabigyan kayo nga kaalaman tungkol dito.

Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga Pandiwa. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa o examples ng Pandiwa.

Pandiwa Halimbaw at Kahulugan - Examples and Meaning
Pandiwa Halimbaw at Kahulugan

Ano ang Kahulugan ng Pandiwa?

Ang Pandiwa o “verb” sa wikang Ingles ay tumutukoy o nagpapahayag ng kilos o galaw ng tagaganap. Ginagami ang salitang pandiwa upang masaad ang pangyayari ng isang kilos. Ito rin ay may tatlong aspeto: ang naganap (past tense), nagaganap (present) at magaganap o gaganapin pa (future tense).

Ang simuno o subject ang siyang binibigyang kilos ng pandiwa. Ang pandiwa ay nagtataglay ng salitang ugat at panlapi batay sa uri ng gamit nito.

Upang mabigyan ng paliwanag ang salitang pandiwa, ating bibigyan ng karagdagang halimbawa o examples ang mga aspekto nito.

Mga Halimbawa Ng Pandiwa

Narito ang sampung(10) mga halimbawa ng pandiwa:

  • lumangoy
  • tumakbo
  • nagbasa
  • umawit
  • kumain
  • nalungkot
  • sumulat
  • tumawa
  • naglakad
  • sayaw
  • naliligo
  • namimili
  • nagluto
  • nagsisibak
  • nagligpit
  • naglalaro
  • nagsinungaling
  • natuwa
  • nagbunot
  • uminom
  • nabangga
  • namalengke
  • nagtrabaho
  • nag-aayos
  • nag-aaral
  • binilang
  • iginuhit
  • ipininta
  • naglayas
  • sumunod

Mga Halimbawa Ng Pandiwa Sa Pangungusap

  • Si Maria ay hindi marunong lumangoy at malapit na siyang malunod kaya sinagip siya ni Paul.
  • Ang bata ay tumakbo sa gitna ng kalsada buti na mang at hindi siya nasagasaan ng sasakyan.
  • Si Shang ay nagbasa ng alpabeto kaya naman natuwa ang kanyang mama.
  • Si Toni ang umawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa inagurasyon ng ating bagong pangulo.
  • Kumain naba kayo ng meryendang ipinadala ko?
  • Nalungkot si Paul sa kaniyang kaarawan dahil hindi dumating ang inaasahan niyang bisita.
  • Si Rizal ang sumulat ng Nole Me Tangere.
  • Tumawa ng mag-isa si Ben sa kaniyang biro kaya tinawanan na lang din siya ng kanyang mga kaibigan.
  • Si Grace ay naglakad ng matagal papuntang palengke kaya naubusan siya siya ng mga gusto niyang bilhin na mga gulay.
  • Si Jude ay nagsayaw ng cha-cha sa gitna ng klase kaya binigyan siya ng karagdagang puntos ng kanayang guro.
  • Naliligo pa rin si Josh ng dumating ang kanyang mga kaibigan.
  • Palagi kaming namimili ng mga paninda sa bayan upang ibenta sa aming maliit na tiangge.
  • Si Nanay Rita ay nagluto ng pinakapaborito kong ulam na laing.
  • Nagsisibak ng kahoy panggatong si John Paul nang siya siya ay abutan namin sa kanilang bahay.
  • Tuwang-tuwa ang mama ko kasi nakita niyang nagligpit ng mga kumakalat na mga gamit ang aking kapatid na si Mina.
  • Palaging naglalaro sa labas ng bahay ang nakababata kong kapatid na si Hiro kasama ang mga kaibigan niyang sina Geo at Dale.
  • Nagsinungaling ako ky papa na may gagawin kaming proyekto kahit na wala para makasama ako sa mga kaibigan kong mamasyal sa mall.
  • Natuwa ang aming titser dahil dahil nakita niya kaming nagbunot ng damu sa harap ng aming classroom.
  • Si Lola ay nagbunot ng mga gabi sa kanyang hardin upang may ipang-ulam kami sa pananghalian.
  • Uminom kami ng kape ni Ken doon sa paborito kong coffe shop sa bayan.
  • Ang kapitbahay namin ay nabangga ng sasakyan kaya dinala sa ospital.
  • Si Tiya Vina ay namalengke sa kabilang bayan kaninang umaga kaya tiyak na masarap ulam namin ngayon.
  • Nagtrabaho si mama sa abroad upang may pangtustos siya sa aming magkakapatid.
  • Si May ay palaging nag-aayos ng kanyang higaan tuwing umaga.
  • Sina Shiela at Diane ay nag-aaral sa isang pribadong paaralan dito sa aming lungsod.
  • Binilang muna ni Franco ang kanyang sukli bago umalis sa tindahan.
  • Iginuhit ni Pablo ang kanyang pamilya at ito’y napakaganda.
  • Ipininta ng mga kabataan ang kanilang pagtutol sa bawal na gamot sa mga pader sa gilid ng kalsada.
  • Naglayas si Ben dahil sa pagmamalupit ng kanyang ama.
  • Sumunod si Maria sa lahat ng gusto ni Ruben.

Mga Aspekto ng Pandiwa at mga Halimbawa nito

Time needed: 2 minutes.

Narito ang mga Aspekto ng Pandiwa na may kahulugan at mga halimbawa.

  1. Pang Nagdaan o Naganap na Kilos (Past Tense)

    Ito ay aspeto ng Pandiwa na nagsasaad ng kilos na natapos na o nagdaan. Maaring gamitin ng mga salitang napapanahon para ilarawan ang kilos na nagdaan.

    Halimbawa ng Naganap na Pandiwa sa pangungusap:
    • Hindi ko napigilan ang umiyak kanina.

    Ang salitang “napigilan” at “umiyak” ang nagsasaad ng kilos na naganap na at ang naglalarawan sa pandiwa ay ang salitang “kanina”.

  2. Pang Kasalukuyan o Nagaganap na Kilos (Present Tense)

    Ito ay tumutukoy sa kilos na nagaganap o ginaganap sa kasalukuyan. Upang mailarawan ang Pandiwang pangkasalukuyan ay maaring ginagamitan din ito ng salitang napapanahon.

    Halimbawa ng Nagaganap na Pandiwa sa pangungusap:
    Kumakanta si Lara habang naglalaba.

    Ang salitang “kumakanta” at “naglalaba” ang nagsasaad ng kilos na nagaganap .

  3. Pang Hinaharap o Magaganap pa na Kilos (Future Tense)

    Ang Kilos na gaganapin o magaganap pa lamang ay ang tinutukoy ng aspetong ito. Nagsasaad ito ng preparasyon o babala sa paparating na kilos.

    Halimbawa ng Magaganap na Pandiwa sa pangungusap:
    • Si aling Rosa ay maghahanda para sa pyesta bukas.

    Ang salitang “maghahanda” ang nagsasaad ng kilos na gaganapin pa at ang naglalarawan sa pandiwa ay ang salitang “bukas”.

Konklusyon

At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Tungkol sa kung ano ang Pandiwa o meaning at mga Halimbawa nito. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring ma i-download ang PDF ng Pandiwa Halimbawa at Kahulugan | Examples & Meaning.

Pagtatanong

Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko tungkol sa Pandiwa Halimbawa at Kahulugan o Meaning, maari po ninyong itala sa komento.

Karagdagang Topiko at Aralin:

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment