Noli Me Tangere Kabanata 9 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 9 – Sa artikulong ito, ating basahin at talakayin ang buod ng ikasiyam na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere. Nawa’y sa inyong pagbasa ng artikulong ito ay inyong maunawaan ang mensahe na ipinapahiwatig ng kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 9 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 9 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod: Ang Balita Tungkol sa Bayan

Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago ay may isang karwahe na nakatigil na parang may hinihintay. Sakay ng karwaheng ito si Tiya Isabel na hinihintay ang dalagang si Maria Clara na sumakay.

Sa hindi inaakala ay dumating si Padre Damaso. Tinanong nito ang mag-ale kung ano ang sadya ng mga ito.

Sinagot naman ito ni Tiya Isabel na sila ay kukuha ng mga kagamitan ni Maria Clara sa Beaterio. Ito ay hindi nagustuhan ng prayle kung kaya’t ito ay nagbubulong-bulong. Ang pagbubulong ng prayle ay inakala ni Tiya Isabel na baka ito ay minimemoryang sermon.

Nang magkaharap na si Kapitan Tiyago at Padre Damaso ay agad nitong nakuha ang pagbabago ng modo ng prayle dahil ng inabot niya ang kanyang kamay ay hindi nito kinuha. Sinabi na lamang nito na kailangan nilang dalawa na mag-usap ng sarilinan…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong buod ng kabanata.

Mga Tauhan ng Kabanata 9

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Padre Damaso – Siya ay isang Pari na totoong ama ni Maria Clara.

Maria Clara – Siya ay kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ay kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

Tiya Isabel – Siya ay ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nagpalaki kay Maria Clara at itinuring ito bilang isang tunay na anak.

Kabanata 9 Tagpuan

Ang dalawang nabanggit na tagpuan sa ikasiyam na kabanata ng Noli Me Tangere ay sa bahay ni Kapitan Tiyago at sa kumbento.

Kabanata 9 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito, ating makukuha ang aral na hindi natin bast-basta na lamang mapapagkatiwalaan ang mga tao na nasa ating paligid. Tulad na lamang ng karakter na si Padre Damaso. Isa siyang mapanlinlang na tao na tulad na lamang ng pakikitungo niya sa binatang si Ibarra. Kapag silang dalawa ay magkaharap mabait ang pakikitungo ng prayle. Ngunit kung wala naman ang binata ay para halos isumpa niya na ito.

Kaya’t tayo sa ating buhay gamitin natin ang aral na ito at wag basta na lamang magtiwala sa mga tao. Upang maiwasan ang pagkabigo sa huli.

Konklusyon

Sa pangkalahatan ay ating makikita ang pagiging sunod-sunoran ni Kapitan Tiyago sa prayleng si Padre Damaso. Atin ring makikita sa kabanatang ito ang bigla na lamang na pagbabago ng modo na si Padre Damaso at ang pagkakaroon nito ng masamang ugali. Dito rin ay ating makikita ang pakikialam ng Padre sa buhay ng dalaga na si Maria Clara.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyung naintindihan kung ano nga ba ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga tagapagbasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment