Noli Me Tangere Kabanata 61 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 61 – Sa artikulong ito ay ating namang babasahin ang ika-labing anim na pu’t isang kabanata ng isang sikat na nobela na ginawa ng ating bayani, ito ay ang Noli Me Tangere at ang kabanatang ito ay pinamagatang “Ang Habulan sa Lawa.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ika-labing anim na pu’t isang kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 61: Ang Habulan sa Lawa

Ang binatang si Ibarra ay dadalhin ni Elias sa Mandaluyong upang doon muna manalagi at magtago. Dagdag pa riyan ay isinaad rin ni Elias na ibibigay niya kay Ibarra ang perang itinago niya sa puno ng balete upang makalabas ng bansa ang binata.

Inalok naman ni Ibarra si Elias na kung maaari ito ay sumama na lamang sa kaniya, ngunit si Elias ay tumaggi. Nang sila’y makarating sa palasyo ay kanilang nasilayan na mayroong naninita.

Agad na itinago ni Elias si Ibarra sa mga damo, at sinabi sa mga bantay na siya’y magdadala lamang ng damo sa Maynila. Dahil rito sila ay matagumpay na nakalusot sa mga bantay.

Pagkatapos makalagpas sa ilog ng pasig ay nakita ni Elias ang isang palwa o grupo ng sibil na papalapit sa kanila. Nais ni Elias na lumiko ngunit naisip niyang wala silang laban sa mga dala nitong armas.

Hinabilin ni Elias kay Ibarra na sila’y magkita na lamang sa Noche Buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Agad na tumalon ng bangka si Elias at siya’y pinaulanan ng bala. Malayo ang narating ni Elias kung kaya’t umalis na rin ang grupo ng sibil sa kadahilanang sila ay may nakitang dugo sa tubig.

Mga Tauhan ng Kabanata 61

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-labing anim na pu’t isang kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.

Elias – Si Elias ay isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti ang lipunan. Matapos ang kanyang buhay ay nailigtas ni Crisostomo Ibarra, sinimulan niyang tulungan ang binata, iniligtas siya sa maraming pagkakataon.

Iba pang tauhan na nabanggit sa kabanata:

  • Guardiya Sibil
  • Konstabularyo

Kabanata 61 Aral

Sa kabanatang ito ay makukuha natin ang isang aral na tayo ay hindi nag-iisa. Sapagkat lahat tayo ay mayroong kaibigan na maasahan at ipagtatanggol tayo sa oras na tayo ay naalipusta ng kapwa.

Tulad na lamang ng pagkakaibigan ni Elias at Ibarra. Handa si Elias na isakripisyo ang sariling buhay upang maprotektahan lamang ang binatang si Ibarra.

Konklusyon

Sa pangkalahatan makikita natin sa kabanatang ito ang matinding pagkakaibigan ni Elias at Ibarra. Makikita rin natin rito ang pagpapaulan ng bala ng mga sibil sa binatang si Elias upang ito ay mahuli lamang at mapatay.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment