Noli Me Tangere Kabanata 6 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 6 (Buod) – Sa artikulong ito, ating basahin ang buod ng ikaanim na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere na ginawa ni Dr. Jose Rizal. Nawa’y sa inyong patuloy na pagbasa ng artikulong ito ay inyong maintindihan kung ano ang mga aral na napapaloob sa kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 6 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 6 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 6 Buod: Kapitan Tiago

Si Kapitan Tiyago ay anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng malabon. Siya ay hindi kataasang lalaki na mayroong bilugang pagmumukha. Ang buhok nito ay maitim at kung hindi lamang ito naninigarilyo ng tabako at ngumanganga, siya sana ay maituturing bilang isang magandang lalaki sa kanilang bayan.

Kilala si Kapitan Tiyago bilang pinakamayaman dahil sa samo’t-saring negosyo na mayroon ito. Ang kanyang pangalan ay tanyag sa bayan ng Laguna at Pampanga bilang isang asendereo.

Si Kapitan Tiyago ay isang maimpluwensiyang tao dahil sa taglay nitong kayamanan. Marami itong kapit sa gobyerno sapagkat halos lahat ng naroon ay kanyang mga kaibigan.

Ang tingin nito sa kanyang sarili ay isang tunay na kastila at hindi Pilipino. Sa katunayan, si Kapitan Tiyago ay nagpapamisa at nagpapadasal tungkol sa kanyang sarili. Dahil rito, iniisip ng lahat na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.

Bilang isang tao ay malaki ang bilib at tiwala ni Kapitan Tiyago sa mga kastila. Kaya’t kahit ano man ang sabihin o itakda ng mga ito, para sa kanya ay dapat itong sundin sapagkat ito ay karapat-dapat at kapuri-puri.

Isa rin sa kaniyang katangian ay ang pagiging sipsip. Sa tuwing mayroong kapistahan o anumang umpukan ay nariyan siya at parating may dalang regalo bilang handog.

Sa kabataan naman ni Kapitan Tiyago, hindi ito nakapag-aral dahil ang kanyang ama ay isang dakilang kuripot. Isang prayle lamang ang tanging nagturo sa kanya. Kalaunan ay namatay ito at ang kanyang ama, at kanyang nakilala ang kanyang mapapangasawa na si Pia Alba.

Nagtulungan silang dalawa upang magpayaman. Nang kanila na itong maabot ay bumili sila ng lupain sa bayan ng San Diego at naging kaibigan nito ang ama ni Ibarra na si Don Rafael.

Mga Tauhan ng Kabanata 6

Kapitan Tiyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ang ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Dagdag pa riyan, ito ay nagsumikap na sundin ang mga prayle.

Pia Alba – Siya ay ang asawa ni Kapitan Tiyago at ina ni Maria Clara. Isa siyang babae na mayroong kayamanan at mataas na antas sa lipunan. Ipinagbili niya ang kaniyang asawa ng lupain sa San Diego na mas nagpalago ng kanilang negosyo.

Maria Clara – Siya ay kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ang magiging kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

Padre Damaso – Siya ay ang totoong ama ni Maria Clara. Siya rin ang dahilan kung bakit napalayo si Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa. Ito ay dahil hindi siya sang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Tiya Isabel – Siya ay ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nagpalaki kay Maria Clara at itinuring ito bilang isang tunay na anak.

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Don Rafael Ibarra – Si Don Rafael Ibarra ang ama ni Crisostomo. Siya ang pinakamayamang tao sa San Diego at siya rin ang pinakamabait at mapagbigay sa lahat. Sa gayon ay natapakan niya ang mga daliri ng mga piling tao na pagkatapos ay nakipagsabwatan upang sirain siya.

Kabanata 6 Tagpuan

Santa Cruz – Dito nakilala ni Kapitan Tiyago ang isang magandang dalaga na si Pia Alba noong siya ay pumunta rito at nangalakal. At, ito ang kanyang naging katulong sa paghahanap-buhay na mas nagpayaman sa kanila.

Obando – Ito ang lugar na ipinayo ni Padre Damaso kay Pia Alba upang sumayaw at humingi ng sanggol, sapagkat kahit na anong yaman pa nilang dalawa ng kanyang asawa ay hindi pa rin sila biniyayaan ng isang sanggol.

San Diego – Ang lugar na naging tirahan ni Maria Clara kasama ang kanyang Tiya Isabel na nag-alaga sa kanya mula ng pumanaw ang kanyang ina.

Kabanata 6 Noli Me Tangere Aral

  • Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral na “mabibili o mababago ng pera ang lahat sa mundo, ngunit hindi nito mababago ang totoong pagkatao ng isang tao.”

    Katulad na lamang ni Kapitan Tiyago. Kahit ano man ang kanyang gawin na pagpapaniwala sa kaniyang sarili na siya ay isang kastila ay hindi pa rin ito magkakatotoo. Dahil kahit ano ang kanyang gawin, sa loob ay purong Pilipino pa rin ito.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay nagpapatungkol sa pagkakakilanlan ni Kapitan Tiyago. Makikita natin rito ang mga pisikal na karakterismo nito at ang kanyang mga katangian bilang isang tao.

Dito ay ating nakilala kung sino nga ba si Kapitan Tiyago mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda. Atin ring nalaman kung paano siya at ang kanyang asawa na si Pia Alba nagtulungan upang mapalago ang kanilang negosyo.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment