Noli Me Tangere Kabanata 59 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 59 – Basahin naman natin ngayon ang ikalimampu’t siyam na kabanata ng Nobelang Noli Me Tangere na ginawa ng ating pambansang bayani at ipinamagatang “Pagmamahal sa Bayan.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ikalimampu’t siyam na kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 59: Pagmamahal sa Bayan

Ang balita ukol sa nangyaring kaguluhan o pag-aalsa sa bayan ng San Diego ay umabot na hanggang sa lungsod ng Maynila. Samo’t-saring bersyon ng pagpapahayag ng pangyayari ang naisusulat sa bawat diyaryo na napapalabas.

Ang pag-uunawa sa mga bersyon nito ay nakadepende sa iyung paniniwala at talas ng iyung isipan. Palihim naman na nagdadalawan at gumagawa ng panayam ang provincial ukol sa nangyaring kagulohan sa San Diego.

Sa kabilang daku naman ay ipinagbubunyi ang prayle si Padre Salvi at nararapat lamang daw ito bigyan ng mitra. Sa isang bahay naman sa Tondo ay makikita ang bahay ng mag-asawang Tinong at Tinchang.

Sa loob ay maririnig ang mga sisi ni Tinchang sa asawa itong si Tinong sa minsang pagpapakita noon ng magandang loob kay Ibarra. Bago paman halos mapikon si Tinong sa kaniyang asawa ay dumating ang pinsan ni Tinchang na si Don Primitivo .

Si Don Primitivo ay ang pinsan ni Kapitana Tinchang na marunong at magaling magsalita ng latin. Siya’y pinapunta ni Tinchang upang hingan ng tulong sapagkat si Don Primitivo ay magaling mangatwiran.

Agad naman na ipinaliwanag ni Tinchang ang kaniyang kailangan sa pinsan. Sila’y binigyan ni Primitivo ng dalawang payo ang una ay magbigay sila ng regalo sa Heneral ng kahit anong alahas at dalhin sa pamasko, pangalawa naman ay sunugin lahat ng liham o sulat na maaring makapagpahamak kay Tinong.

Sa kabilang daku naman ng Maynila ay isang pagtitpon ang nangyayari sa Intramuros, ayun sa kanilang pagtitipon ay galit na galit umano ang Heneral kay Ibarra. Sapagkat naging mabuti ang pakikitungo nito sa binata.

Isang paanyaya naman ang natanggap ng mga tao sa Tondo sa pamamagitan ng isang kawal. Ito ay isang imbitasyon oara sa mga mayayamang tao sa Fuerza de Satiago. Isa sa mga naimbitahan ay si Tinong.

Mga Tauhan ng Kabanata 59

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ikalimampu’t siyam na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Kapitan Tinong – Siya nag nakatanggap ng parusa sa kadahilanang siya ay nakikipagkaibigan sa binatang si Crisostomo Ibarra. Dagdag pa riyan siya ay kaibigan din ng ama ni Maria Clara na si Kapitan Tiyago.

Kapitana Tinchang – Si Tinchang naman ay ang matatakuting asawa ni Kapitan Tinong at siya din ang nag-utos kaniyang asawa na kaibiganin ang binatang si Ibarra sapagkat ito ay ubod ng yaman.

Primitivo – Siya naman ay ang pinsan ni Kapitana Tinchang na siyang magaling sa lenggwaheng latin at siya ang nilapitan ng mag asawa upang hingan ng tulong ukol sa kalagayan ni Kapitan Tinong.

Kabanata 59 Tagpuan

Sa ikalimampu’t siyam na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ang kabanatang nabanggit ay sa bahay ng ama ni Maria Clara na si Kapitan Tiyago.

Kabanata 59 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang isang aral na mayroong tao na handang gawin ang lahat mapawalang bisa lamang ang kanilang kasalanan. Dito ay ating matututunan na mayroong mga tao na handang tumanggap ng anong klase ng bayad para mag bulag-bulagan sa nangyayaring kasamaan o kamalian sa kanilang paligid.

Konklusyon

Sa pangkalahatan makikita natin sa kabanatang ito kung anong klase ng tao ang mag-asawang si Kapitan Tinong at Kapitana Tinchang. Makikita rin natin rito na handang sila magbigay ng regalo o anumang bayad upang hindi sila madamay sa anumang klase ng gulo na kinabibilangan ni Ibarra.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment