Noli Me Tangere Kabanata 58 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 58 – Atin namang babasahin ang ikalimampu’t walong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang ” Ang Sinumpa.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ikalimampu’t walong kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 58: Ang Sinumpa

Simula ng pagkakahuli ng mga taong sangkot sa pag-aalsa, ang mga pamilya nila ay ilang araw ng umiiyak. Halong takot at pangangamba ang nararamdaman ng bawat pamilya.

Isa ang alperes sa nagbabantay sa mga bilanggo sapagkat nagkasakit ang kura. At ang kapitan naman ay parang nawawalan na ng silbi sa kaniyang trabaho.

Pati ang mag-ina ni Don Filipo ay wala ring humpaysa pag-iyak habang patuloy na inuusal ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kaniyang anak na lalaki na si Antonio. At sinisilip naman ni Kapitana Maria ang anak niyang kambal.

Nang mapalabas ang mga bilanggo kasama si Ibarra ni isa ay walang bumati sa kanila. Sapagkat ayun sa mga tao kung sino pa ang may kasalanan siya pa ang walang o tali man lang.

Mga Tauhan ng Kabanata 58

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ikalimampu’t walong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Alperes – Pinuno ng guwardiya sibil na asawa ni Donya Consolacion at kaaway ng kura.

Don Filipo – Ang deputy mayor ng San Diego. Si Don Filipo ay inilarawan bilang “halos liberal” at kumakatawan sa impormal na partido ng mas bata, mas bukas-isip na henerasyon. Tulad ng kanyang mga tagasunod, nagalit siya sa ideya na ang bayan ay dapat gumastos ng malaking halaga ng pera sa taunang pagdiriwang na nagdiriwang ng iba’t ibang relihiyosong pista sa Nobyembre.

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.

Pilosopo Tasyo – Matandang iskolar na naninirahan sa San Diego. Naisip bilang isang baliw dahil sa kanyang hindi karaniwan na mga ideya. Gayunpaman, siya ay naging isang tagapayo para sa ilang mga indibidwal sa bayan.

Sinang – Ang masiyahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitana Tica.

Kapitan Basilio – Siya ay isa sa mga naging kapitan noon sa bayan ng San Diego at siya rin ay nakalaban ng ama ni Ibarra ukol sa usapin ng lupa.

Iba pang mga karakter na nabanggit sa kabanata:

  • Doray
  • Albano
  • Kapitana Tinay
  • Antonio
  • Kapitana Maria
  • Kapitan
  • Nol Juan
  • Biyenan ni Andong

Konklusyon

Sa pangkalahatan masasaksihan natin sa kabanatang ito ang matinding galit ng mga tao kay Ibarra, sapagkat sa kanilang pagkakaintindi ay si Ibarra ang nagpasimuno ng nangyaring pag-aalsa.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment