NOLI ME TANGERE KABANATA 57 – Sa artikulong ito ay ating babasahin ang ikalimampu’t pitong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang “Vae Victis o Ang mga Talunan.”
Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ikalimampu’t pitong kabanata ng Noli Me Tangere.
Noli Me Tangere Kabanata 57: Vae Victis o Ang mga Talunan
Noon pa man ay mahigpit na ang pakikitungo ng mga gwardiya sa mga taong bayan ng San Diego. Pero dahil sa nangyaring kaguluhan ay mas naging mahigpit ang mga ito.
Bata man o matanda ay wala silang pinapalagas. Sa araw ng ika-siyam ay dumating ang kura habang nakasunod sa kaniya ang batang duguan at umiiyak. Tinanong ng kura ang alperes ukol kay Don Filipo at Ibarra.
Patuloy na sinasaad ng kura na si Ibarra ang nagpasimuno ng paglusob na naganap sa bayan. Patuloy na kinausap ng mga sibil si Tarsilio ngunit sila’y bigo at walang makuha na anumang impormasyon rito.
Dahil rito ay itinimba nila ito sa isang balon na nakabaliktad ang sikmura. Pa ulit-ulit nila itong ginawa sa kawawang Tarsilio hanggang sa binawian na ito ng buhay.
Mga Tauhan ng Kabanata 57
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ikalimampu’t pitong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.
Alperes – Pinuno ng guwardiya sibil na asawa ni Donya Consolacion at kaaway ng kura.
Donya Consolacion – Isang matandang babaeng Pilipina ang ikinasal sa watawat. Si Doña Consolación ay isang brutal, bulgar na kapareha na nang-aaway sa bandila, sinasali siya sa matinding pisikal na away na naririnig sa buong bayan
Bruno – Si Bruno Alasigan ay residente ng San Diego at kapatid ni Tarsilo. Matapos ang pagkamatay ng kanilang ama sa kamay ng Guardia Civil, siya at si Tarsilo ay naghanap ng paghihiganti, na sumama sa isang pag-aalsa na inayos ni Padre Salvi sa layuning iyon.
Tarsilio – Si Tarsilo Alasigan ay residente ng San Diego at kapatid ni Bruno. Matapos ang pagkamatay ng kanilang ama sa kamay ng Guardia Civil, siya at si Bruno ay naghanap ng paghihiganti, na sumama sa isang pag-aalsa na inayos ni Padre Salvi sa layuning iyon.
Pedro – Siya ang kabiyak at pabayang asawa ng baliw na si Sisa.
Sisa – Ang babaeng nakatira sa San Diego at ina nina Basilio at Crispin. Matapos mawala ang dalawa niyang anak, nabaliw si Sisa, naglibot-libot sa bayan habang hinahanap sila.
Lucas – Siya ang kapatid ng taong dilaw na sumali sa plano ng binatang si ibarra alang-alanag sa kaniyang ibang pakay. At siya rin ang taong nagnanais na makakuha ng malaking salapi ukol sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.
Andong – siya ang bilanggong luko-luko at napunta lamang sa semeteryo upang magbawas.
Kabanata 57 Tagpuan
Ang tagpuan sa kabanatang ito ay sa loob ng kwartel, kung saan makikita ang mga taong naidakip sa naganap na pag-aalsa sa bayan. Dito makikita sina Bruno, Tarsilio, Pedro ang kabiyak ni Sisa, Lucas at ang luko-lukong si Andong.
Konklusyon
Sa pangkalahatan sa kabanatang ito ay makikita nain na ang naganap na pag-aalsa ay hindi naging matagumpay. Makikita rin natin rito na ang kapatid ni Bruno na si Tarsilio ay namatay dahil sa kalupitan ng mga sibil.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 55
- Noli Me Tangere Kabanata 56
- Noli Me Tangere Kabanata 58
- Noli Me Tangere Kabanata 59
- Noli Me Tangere Kabanata 60
We are proud Pinoy!