Noli Me Tangere Kabanata 56 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 56 – Atin namang basahin ang ikalimampu’t anim na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na ginawa ng ating bayani na pinamagatang Mga Sabi-sabi at Pala-palagay.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ikalimampu’t anim na kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 56: Mga Sabi-sabi at Pala-palagay

Umaga pagkatapos ng naganap na kaguluhan sa bayan ng San Diego ay dama pa rin ng mga tao ang takot. Halos lahat ay hindi na lumalabas sa kani-kanilang mga tahanan at nagtatago na lamang.

Ang mga daan na noon ay puno ng tao ay halos wala ng sigla sapagkat, halos lahat ay nagtatago. Nang binuksan ng bata ang bintana ay nag sunod-sunod rin ang mga kapitbahay. Kanilang pinag-usapan ang nangyaring kaguluhan at ang pagdakip kay Ibarra.

Ang mga usap-usapang di totoo ay lumaganap sa buong bayan. Isa na rito na itinangka raw ni Ibarra na itanan ang kaniyang kasintahan na si Maria, upang hindi matuloy ang pagpapaksal nito kay Linares.

At ayun sa sabi-sabi ay tinutulan ni Kapitan Tiyago ang pagtatanan sa tulong ng mga sibil. Dagdag pa riyan ay napatunayan na totoo ang pag-iibigan sa pagitan ni Maria at Ibarra, kung kaya’t ipinasunog ang bahay ng binata.

Mga Tauhan ng Kabanata 56

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ikalimampu’t anim na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Kapitan Pablo – Siya ang nakilala ni Elias na pinuno ng mga tulisan noong si Elias ay nagpapalaboy-laboy pa sa kagubatan. At siya rin ang itinuturing na ama ni Elias kaya’t ni nais nito na mamuhay sila ng tahimik at malayo sa mga prayle.

Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.

Maria Clara – Kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ang magiging kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

Linares – Ang pamangkin ni Doctor de Espadaña mula sa Espanya. Si Linares ay mayroong degree sa abogasya at siya ang pinakamatalinong miyembro ng pamilya de Espadaña, isang katotohanang nagpamahal sa kanya kay Doña Victorina.

Siya ang nagbigay kay Padre Dámaso ng isang liham—naglalaman ng isang hiling sa kanya na naghahanap ng trabaho at asawa ang binata.

Bruno – Si Bruno Alasigan ay residente ng San Diego at kapatid ni Tarsilo. Matapos ang pagkamatay ng kanilang ama sa kamay ng Guardia Civil, siya at si Tarsilo ay naghanap ng paghihiganti, na sumama sa isang pag-aalsa na inayos ni Padre Salvi sa layuning iyon.

Lucas – Siya ang kapatid ng taong dilaw na sumali sa plano ng binatang si ibarra alang-alanag sa kaniyang ibang pakay. At siya rin ang taong nagnanais na makakuha ng malaking salapi ukol sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Kabanata 56 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay makukuha natin ang isang aral na hindi mabuti ang maniwala sa mga sabi-sabi na atin lamang naririnig sa paligid. Tayo ay maging responsable at tingnan ng mabuti kung ito ba ay totoo bago natin ito paniwalaan.

Konklusyon

Sa pangkalahatan sa kabanatang ito makikita natin ang pag-alingasaw ng mga samo’t-saring estorya sa bayan ng San Diego. Makikita rin natin dito halos lahat ng tao ay natatakot dahil sa nangyaring pag-aalsa.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

  • Noli Me Tangere Kabanata 55
  • Noli Me Tangere Kabanata 57
  • Noli Me Tangere Kabanata 58
  • Noli Me Tangere Kabanata 59
  • Noli Me Tangere Kabanata 60

We are proud Pinoy!

Leave a Comment