Noli Me Tangere Kabanata 54 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 54 – Sa artikulong ito ay ating babasahin ang ikalimampu’t apat na kabanata ng nobelang Noli me Tangere na ginawa ng ating pambansang bayani, at pinamagatang “Walang Lihim ang Hindi Nabubunyag.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng limang pu’t apat na kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 54: Walang Lihim ang Hindi Nabubunyag

Humangos naman na pumunta sa bahay ng Alperes ang kura bitbit ang isang mahalagang impormasyon. Dumating ang kura sa bahay ng Alperes at pasigaw nitong tinawag ang pangalan.

Agad naman na nagpakita ang alperes at bago paman makapagsalita ang kura ay mabilis na nagreklamo ang alperes ukol sa kambing ng kura na sumisira sa kaniyang bakod.

Ito’y ipinagwalang bahala ng kura at agad na sinabi na lahat ng buhay ay nanganganib. Sapagkat sa pagkagat ng dilim may isang pag-aalsa na magaganap at ito’y ay kaniyang nalaman sa pamamagitan ng isang babae na nangungumpisal.

Dahil sa balitang ito ay nagkasundo ang dalawa upang agad na maghanda ukol sa pag-aalsa na magaganap sa kanilang bayan.

Sa kabilang bahagi naman ng bayan ay mabilis na tumungo si Elias sa bahay ng binatang si Ibarra. Ito ay hindi niya agad na makita kung kaya’t siya’y nagtanong sa kasambahay nito.

Agad naman na pinuntahan ni Elias si Ibarra at ipinagtapat ang kaniyang nalalaman ukol sa gaganaping pag-aalsa. Agad naman na sinabi ni Elias na sunugin ng binata lahat ng lihan at aklat sapagkat siya ay sigurado at hindi maiiwasan na masangkot sa kaguluhan.

Kumilos naman kaagad ang dalawa at sa pagtulong ni Elias kay Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan ay nakita nito ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia. Halos mayanig ang buong pagkatao ni Elias ng sabihin ng binata na iyun ay ang kaniyang ninuno.

Sa wakas ay natagpuan na ni Elias ang taong lumikha ng malaking dagok sa kanilang buhay. Nais na sanang patayin ni Elias ang binata ngunit siya ay biglang bumalik sa kaniyang sarili at mabilis na nagpaalam at umalis.

Mga Tauhan ng Kabanata 54

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ikalimampu’t apat na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Padre Salvi – Siya ang kura ng bayan ng San Diego at ang kahalili ni Padre Damaso. Palibhasa’y may pakikipagtunggali sa alferez ng bayan, sa kalaunan ay inayos niya ang pagbagsak ni Crisostomo Ibarra, na minamanipula ang mga taong-bayan sa proseso.

Alepres – Pinuno ng guwardiya sibil na asawa ni Donya Consolacion at kaaway ng kura.

Asawa ng Alperes – Isang matandang babaeng Pilipina ang ikinasal sa watawat. Si Doña Consolación ay isang brutal, bulgar na kapareha na nang-aaway sa bandila, sinasali siya sa matinding pisikal na away na naririnig sa buong bayan

Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.

Elias – Si Elias ay isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti ang lipunan.

Matapos ang kanyang buhay ay nailigtas ni Crisostomo Ibarra, sinimulan niyang tulungan ang binata, iniligtas siya sa maraming pagkakataon.

Kabanata 54 Mahahalagang Pangyayari

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa limang pu’t apat na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere.

  • Ang pagtulong ni Elias sa binatang si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan.
  • Ang pagkakabasa ng hindi sinasadya ni Elias ng isang kasulatan ukol kay Don Pedro Eibarramendia.
  • Pagtatanong ni Elias kay Ibarra kung kaano-ano nito si Don Pedro.
  • Ang pagkakagulat ni Elias ng sabihin ni Ibarra na si Don Pedro ay ang kaniyang ninuno at pinaikli lamang ang kaniyang epelyido.

Kabanata 54 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang isnag aral na walang lihim na hindi nabubunyag. Tulad na lamang ng nangyari kay Ibarra at Elias. Aksidente nitong nalaman na ninuno ni Ibarra si Don Pedro na siyang nagpahirap sa kanilang buhay.

Makikita rin natin rito na ang sikretong ukol sa gaganaping pag-alsa ay nalaman ng simbahan. Kaya’t sa ating buhay ay iwasan natin ang paglilihim sapagkat ito ay hindi natin maitatago habang buhay.

Konklusyon

Sa pangkalahatan ay ang kabatang ito ay nagpapakita sa atin ng mga sikretong unti-unti ng lumalabas. Isa na rito ang ang pagkakaalam ni Elias na si Don Pedro ay ang ninuno ni Ibarra, at ang pagkakaalam ng simbahan at pamahalaan ukol sa gaganaping pag-aalsa.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment