Noli Me Tangere Kabanata 53 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 53 – Atin namang basahin ang ika-limampu’t tatlong kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga.”

Noli Me Tangere Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Sa bayan ng San Diego ay usap-usapan sa mga tao kung ano nga ba ang mga liwanag na nasilayan sa sementeryo. Sabi sa mga usapan iyun daw ay ang mga kaluluwa o demonyo na hindi pa natatahimik mula sa purgatoryo.

Nag-uusap naman si Don Filipo at Tayo sa kabilang bahagi. Ayun sa Don siya’y nakatanggap na ng pagpayag mula sa alkalde ukol sa kaniyang pagbibitiw.

Si Pilosopo Tasyo naman ay tutol sa desisyong ito ng Don, dahil ayun sa kaniya sila’y nasa panahon ng digmaan at kailangan na manatili sa mabubuti ang kapanyarihan.

Tinanong nanam ng Don si Tasyo sa gitna ng kanilang pag-uusap kung kailangan ba nito ng gamot sapagkat parang siya’y nanghihina. Tumugon naman ang matanda na ito ay hindi niya kailangan at iyun ay mas kailangan ng ibang tao kapag siya ay yumao na.

Binilin rin ni Tasyo na dalhin sa kaniya si Ibarra sapagkat malapit na raw siyang mawala.

Mga Tauhan ng Kabanata 53

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-limampu’t tatlong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Pilosopo Tasyo – Matandang iskolar na naninirahan sa San Diego. Naisip bilang isang baliw dahil sa kanyang hindi karaniwan na mga ideya.

Don Filipo – Ang deputy mayor ng San Diego. Si Don Filipo ay inilarawan bilang “halos liberal” at kumakatawan sa impormal na partido ng mas bata, mas bukas-isip na henerasyon.

Konklusyon

Sa pangkalahatan makikita natin sa kabanatang ito ang pagkakaroon ng seryusong usapan sa pagitan ni Don Filipo at Pilosopo Tasyo. Makikita rin natin sa kabanatang ito ang panghihina ni Tasyo na malapit na itong mawalan ng buhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment