NOLI ME TANGERE KABANATA 52 – Sa artikulong ito ay ating babasahin ang ika-limampu’t dalawang kabanata ng nobelang Noli Me Tangere at pinamagatang “Ang Mga Anino.”
Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng limang pu’t dalawa na kabanata ng Noli Me Tangere.
Noli Me Tangere Kabanata 52: Ang mga Anino
Sa isang tahimik na gabi ay mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin. Makikita ang tatlong aninong nag-uusap sa ilalim ng pinto ng isang libingan. Maririnig na nagtanong ang isang anino kung nakausap na ba nito si Elias.
Tumugon naman ang isang anino na hindi pero siya ay nakakatiyak na si Elias ay kasama sapagkat minsan ng niligtas ni Ibarra ang buhay nito. Sa kanilang pag-uusap ay tumugon ang isang anino na siya’y pumayag sapagkat, sabi raw ni Ibarra ay ipapadala nito ang kaniyang asawa na may sakit sa Maynila.
Sinabi niya sa kanilang pag-uusap na siya ay sasalakay sa kumbento. Nagsalita naman ang ikatatlong anino at sinabi na sila’y sasalakay upang ipabatid sa mga gwardiya na mayroong anak na lalaki ang kanilang ama.
Dumating ang isa pang anino at sinabi na siya ay sinusubaybayan kung kaya’t sila’y naghiwa-hiwalay. Bitbit rin nito ang isang balita na kinabukasan ay maari na nilang makuha ang kanilang sandata, sa pagkarinig sila’y napasigaw ng “Mabuhay Don Crisostomo.”
Sa pagtatapos ng pag-uusap ay naiwan ang dalawang anino sapagkat naiisip ng mga ito na magsugal. Nabunyag ang kanilang pagkakakilanlan dahil sa isang liwanag ito ay sina Elias at Lucas.
Mga Tauhan ng Kabanata 52
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-limampu’t dalawang kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere na isinulat ni Rizal.
Lucas – Siya ang kapatid ng taong dilaw na sumali sa plano ng binatang si ibarra alang-alanag sa kaniyang ibang pakay. At siya rin ang taong nagnanais na makakuha ng malaking salapi ukol sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.
Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.
Dalawang sibil – Sila ang nakatakdang humuli sa kriminal na si Elias ngunit sila’y natakasan lamang nito.
Elias – Si Elias ay isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti ang lipunan.
Matapos ang kanyang buhay ay nailigtas ni Crisostomo Ibarra, sinimulan niyang tulungan ang binata, iniligtas siya sa maraming pagkakataon.
Kabanata 52 Tagpuan
Sa kabanatang ito ang tagpuang nabanggit ay sa sementeryo sa ilalim ng isang pinto ng libingan, kung saan nag-uusap ang tatlong anino ukol sa kanilang balak na pagsalakay sa kwartel ng mga gwardiya sibil sa bayan ng San Diego.
Konklusyon
Sa pangkalatan ay makikita natin sa kabanatang ito ang pagkakaroon ng isang plano ukol sa pagsalakay sa kwartel. Makikita rin natin sa kabanatang ito na isa sina Lucas at Elias sa nagplaplano na sumalakay at ayun sa kanila ito’y utos ng binatang si Ibarra.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 50
- Noli Me Tangere Kabanata 51
- Noli Me Tangere Kabanata 53
- Noli Me Tangere Kabanata 54
- Noli Me Tangere Kabanata 55
We are proud Pinoy!