NOLI ME TANGERE KABANATA 51 – Sa artikulong ito ay atin namang mababasa ang ika-limampu’t isang kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Pagbabago.”
Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng limang pu’t isa na kabanata ng Noli Me Tangere.
Noli Me Tangere Kabanata 51: Ang Pagbabago
Natanggap ng balisang si Linares ang isang liham mula kay Donya Victorina. Ito’y ay naglalaman na nais ng Donya na hamunin nito ang alperes. Balisa si Linares sapagkat alam nitong hindi nagbibiro ang Donya.
Sa tahanan naman ni Kapitan Tiyago ay bigla namang dumating ang masayang si Padre Salvi. Bitbit nito ang balita na pinawalang-bisa na ng arsobispo ang pagkaka-eksokomunikado ni Ibarra.
Kasabay ng masayang pagbabalita ay sinabi ni Padre Salvi na si Padre Damaso na lamang ang sagabal sa pagpapatawad kay Ibarra. Habol pa nito na kapag si Maria Clara ang naki-usap rito tiyak na mapapatawad nito ang binata. Sa kanilang pag-uusap ay dumating naman si Ibarra kasama si Tiya Isabel.
Lumapit naman si Ibarra kay Sinang upang kausapin ang kaniyang kasintahan. Ngunit sabi ng dalaga ay limutin na lamang siya nito at umalis. Ang dalagang si Maria Clara ay nagmatigas at hindi hinarap ang binata.
Mga Tauhan ng Kabanata 51
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-limampu’t isang kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.
Linares – Ang pamangkin ni Doctor de Espadaña mula sa Espanya. Si Linares ay mayroong degree sa abogasya at siya ang pinakamatalinong miyembro ng pamilya de Espadaña, isang katotohanang nagpamahal sa kanya kay Doña Victorina. Siya ang nagbigay kay Padre Dámaso ng isang liham.
Donya Victorina – Siya ay isang sosyalista at kaibigan ni Kapitan Tiago. Siya kasama ang kanyang asawang si Don Tiburcio ay naghangad na iugnay ang kanilang mga sarili sa mga maimpluwensyang tao ng San Diego upang makakuha ng higit pang katayuan sa lipunan.
Padre Salvi – Ang kura ng bayan ng San Diego at ang kahalili ni Padre Damaso. Palibhasa’y may pakikipagtunggali sa alperes ng bayan, sa kalaunan ay inayos niya ang pagbagsak ni Crisostomo Ibarra, na minamanipula ang mga taong-bayan sa proseso.
Victoria – Siya ay isa sa mga babaeng kaibigan ng dalagang si Maria Clara.
Sinang – Ang masiyahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitana Tica.
Maria Clara – Kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ang magiging kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
Crisosotomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.
Konklusyon
Sa pangkalahatan makikita natin sa kabanatang ito ang pagiging balisa ng binatang si Linares dahil sa liham na natanggap mula sa Donya. Makikita rin natin rito ang hindi paghaharap ni Maria Clara sa kaniyang kasintahan na si Ibarra.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 50
- Noli Me Tangere Kabanata 52
- Noli Me Tangere Kabanata 53
- Noli Me Tangere Kabanata 54
- Noli Me Tangere Kabanata 55
We are proud Pinoy!