NOLI ME TANGERE KABANATA 50 – Atin namang basahin sa artikulong ito ang ikalimampung kabanata sa nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang ” Mga Kamag-anak ni Elias.”
Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng limang pu na kabanata ng Noli Me Tangere.
Noli Me Tangere Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias
Patuloy lamang ang usapan sa pagitan ng binatang si Ibarra at Elias, at dito rin isinuwalat ni Elias ang pamilya na kaniyang kinabibilangan ay mula rin sa mga sawimpalad.
Ikinuwento ni Elias na ang kaniyang ninuno ay namamasukan noon sa lungsod ng Maynila sa isang bahay-kalakal, na pagmamay-ari ng isang kastila. Sa kasawiang palad ay nasunog ang bahay-kalakal na ito at ang kaniyang ninuno ang pinagbintanga.
Dahil dito nakatanggap ito ng isang kalunos-lunos na parusa sapagkat kinaladkad ito ng isang kabayo. Dahil sa kalupitang nangyari ay pinili na lamang nitong manirahan sa bundok kasama ang kaniyang asawa.
Ngunit ang kanilang kalbaryo ay hindi roon nagtatapos, sapagkat namatay ang bata sa loob ng sinapupunan ng kaniyang asawa. Ito ang naging dahilan upang magpakamatay ang lalaki.
Hindi naman ito kayang ipalibing ng kaniyang asawa dahil na rin sa kawalan ng pera. Na diskubre na lamang ito ng mga awtoridad ng mangamoy na ito.
Nang makatakas ang babae ay pinalaki nito ang dalawang anak sa malayong lalawigan. Ang isa ay naging tulisan at ang isa naman ay nanatiling matino.
Ngunit kalaunan ang panganay na anak ay napatiwakal rin. Ang bunso naman ay napadpad sa Tayabas at doon nagsilang ng kambal na sina Eliasa at Concordia. Tulad ng nangyari sa kanilang ninuno ay nagpatiwakal rin si Concordia, dahil sa dinaramdam nito na lungkot.
Mga Tauhan ng Kabanata 50
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ikalimang pung kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.
Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.
Elias – Isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti ang lipunan. Matapos ang kanyang buhay ay nailigtas ni Crisostomo Ibarra, sinimulan niyang tulungan ang binata, iniligtas siya sa maraming pagkakataon.
Kabanata 50 Mahahalagang Pangyayari
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa ikalimampung kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere.
- Ang pamamasukan ng lolo ni Elias sa isangbahay-kalakal sa lungsod ng Maynila na pagmamay-ari ng isang Kastila.
- Ang pagkaladkad sa kaniyang lolo ng kabayo ng ito ay walang maibayad sa tagatanggol.
- Sa kahihiyan ay napilitang mamalimos ang kaniyang lolo at nagbenta naman ng kantawan ang kaniyang lola.
- Naninirahan ang dalawa sa bundok dahil sa pagdadalang tao ng kaniyang lola.
- Pagkakamatay ng sanggol sa loob ng sinapupunan na naging dahilan upang magpatiwakal ang kaniyang lolo.
- Ang muli nitong pagdadalang tao at nangak ng kambal ang isa rito ay naging bandito at ito ay si Balat, kalaunan ito ay nasawi rin.
- Ang isa naman ay nagpakalayo-layo at namusakan, siya ay umibig sa isang babae ito ay nanganak ng kambal at isa rito ay si Elias.
Kabanata 50 Noli Me Tangere Aral
Sa kabanatang ito ay makukuha natin ang isang aral ukol sa pagpapahalaga sa ating mga ninuno at sa kaniyang mga pamana sa atin.
Tulad na lamang ni Elias labis nitong minamahal at pinahahalagahan ang kaniyang mga ninuno at hindi nito alintana ang mga kamalian na nagawa o kamalasan na nangyari sa mga ito.
Konklusyon
Sa pangkalahatan ang kabanatang ito ay nagpapakita sa atin ng kalunos-lunos na sinapit ng mg aninuno ni Elias. Makikita natin rito na halos kamalasan na lamang ang naranasan ng mga ito na nagdudulot sa kanila upang magpatiwakal.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 45
- Noli Me Tangere Kabanata 46
- Noli Me Tangere Kabanata 47
- Noli Me Tangere Kabanata 48
- Noli Me Tangere Kabanata 49
We are proud Pinoy!