Noli Me Tangere Kabanata 49 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 49 – Ngayon ay atin namang mababasa ang ika-apatnapu’t siyam na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Hinaing ng mga Inuusig.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ikaapatnapu’t siyam na kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 49: Ang Hinaing ng mga Inuusig

Bago paman magsimula ang pag-uusap sa pagitan ni Ibarra at Elias ay humingi muna ng paumanhin si Elias sapagkat batid nito na naisturbo niya ang binata. Ilang segundo pa ay hindi na nag-aksaya ng oras si Elias at ipinaliwanag ang kaniyang pakay.

Isinalaysay ni Elias na siya ang sugo ng mga sawimpalad at nais ng mga ito na humiling ng ilang mga bagay sa kaniya. Tulad ng pagbabago sa pamahalaan at pagkilala sa dignidad ng mga tao sa bayan ng San Diego.

Ito’y sinagot naman ni Ibarra na maari niyang magamit ang kaalaman na kaniyang tinataglay. At maari rin siyang humingi ng tulong mula sa kaniyang mga kaibigan sa madrid, ngunit ayun sa kaniya ito ay hindi sapat para sa pagbabago na hinahangad nila.

Dinugtungan rin ito ni Ibarra na minsan ang pagbabawas sa kapangyarihan ng tao ay nakakasama. At ayun kay Ibarra nararapat daw na gamutin ang mismong sakit ng bayan at hindi lamang ang mga sintomas nito, upang tuluyan ng matapos.

Mga Tauhan ng Kabanata 49

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-apatnapu’t siyam na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Alperes – Pinuno ng guwardiya sibil na asawa ni Donya Consolacion at kaaway ng kura.

Ang mga sawimpalad – Sila ay ang mga tulisan na nagnanais ng pagkalinga mula sa kanilang pamahalaan. At sila rin ang ang samahan na naghahangad ng pantay na karapatan sapagkat sila’y mamamayan rin sa bayan ng San Diego.

Elias – Si Elias ay isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti ang lipunan.

Matapos ang kanyang buhay ay nailigtas ni Crisostomo Ibarra, sinimulan niyang tulungan ang binata, iniligtas siya sa maraming pagkakataon.

Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang anak ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.

Kapitan Pablo – Siya ang nakilala ni Elias na pinuno ng mga tulisan noong si Elias ay nagpapalaboy-laboy pa sa kagubatan. At siya rin ang itinuturing na ama ni Elias kaya’t ninais nito na mamuhay sila ng tahimik at malayo sa mga prayle.

Kabanata 49 Mahahalagang Pangyayari

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa ika-apatnapu’t siyam na kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere.

  • Lumulan ng hindi masaya ang binatang si Ibarra sa bangka ni Elias.
  • Ang pag-buntong hininga ng ni Ibarra ng maalala nito ang pangakong bintiwan kay Maria Clara.
  • Ang agarang pag-amin ni Elias kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
  • Ang pagsalaysay ni Elias sa mga plano ng kanilang pinuno ng walang pigil sa harap ni Ibarra.
  • Agad naman na tinugunan ni Ibarra ang sinabi ni Elias na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama.
  • Ang pagtataka ni Elias sapagkat inaakala nitong hindi maniniwala ang binata.
  • Kahit anumang sinabi ni Elias ay hindi pa rin nito napahinuhod ang binatang si Ibarra tungkol sa hinihinging pakiusap ng mga sawimpalad.

Kabanata 49 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay makukuha natin ang isang aral na hindi maganda ang sobrang paghihigpit ng isang pamahalaan sa mamamayan.

Tulad na lamang ng nangyayari sa bayan ng San Diego sa sobrang paghihigpit ay nagkakaroon ng mga grupong tulisan, at sa sobrang paghihigpit ay nang-aabuso na ang mga militar.

Kaya’t ito ay nag-udyok sa mga mamamayan upang bumuo ng grupo at umalsa laban sa pamahalaan.

Konklusyon

Sa pangkalahatan sa kabanatang ito ay makikita natin ang paghingi ng tulong ng mga sawimpalad kay Ibarra sa pamamagitan ni Elias. Makikita rin natin dito na handang tumulong ang binata ngunit sa kaniyang tingin iyun ay hindi sapat.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment