NOLI ME TANGERE KABANATA 48 – Ang artikulo na ating babasahin ngayon ay isang sikat na kabanata na mula sa nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Palaisipan.”
Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ika-apatnapu’t walong kabanata ng Noli Me Tangere.
Noli Me Tangere Kabanata 48: Ang Palaisipan
Masayang dumalaw ang binatang si Ibarra sa tahanan ni Kapitan Tiyago bitbit ang magandaang balita. Ibinalita ni Ibarra na siya umano ay hindi na eksokuminikado.
Ngunit ang kasiyahang iyon ay biglang napawi ng makita niya ang dalagang si Maria Clara at Linares sa balkonahe at masayang nag-aayos ng bulaklak. Ilang sandali ay nakita ni Linares at ito ay kaniyang ikinagulat at ang dalaga naman ay namutla. Nais nitong lapitan ang binata ngunit siya’y nanghihina pa.
Lumapit naman si Ibarra at nakipag-usap kay Maria ngunit agad din naman itong umalis. Gulong-gulo ang isipan ni Ibarra ng ito ay umalis. Kaya’t minabuti muna nitong puntahan ang paaralan na kaniyang pinapatayo.
Nakita niya ang nangangasiwa sa kaniyang pinapatayo na si Nol Juan, agad naman na ibinalita ni Ibarra na siya’y tanggap na muli sa simbahan. Nakita rin ni Ibarra ang kaibigan na si Elias at abala sa trabaho nito na paghahakot ng bato at kariton.
Inaya naman ni Elias si Ibarra upang mamangka para makapag-usap sila ng maayos ukol sa isang importanteng bagay. Pumayag naman si Ibarra at ibinigay naman sa kaniya ni Nol Juan ang inutos nitong talaan ng mga obrero.
Mga Tauhan ng Kabanata 48
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-apatnapu’t walong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.
Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.
Lucas – Ang kapatid ng taong dilaw na namatay at nagtratrabaho sa ilalim ni Ibarra. Siya ay isang taong bastos, kulang sa moral na pagpigil. Handa siyang makipagpalitan ng mga prinsipyo sa presyo ng pera.
Kapitan Tiyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ang ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. At ito ay nagsumikap na sundin ang mga prayle.
Maria Clara – Kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ang magiging kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
Tiya Isabel – Siya ay ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nagpalaki kay Maria Clara at itinuring ito bilang isang tunay na anak.
Linares – Ang pamangkin ni Doctor de Espadaña mula sa Espanya. Si Linares ay mayroong degree sa abogasya at siya ang pinakamatalinong miyembro ng pamilya de Espadaña, isang katotohanang nagpamahal sa kanya kay Doña Victorina. Siya ang nagbigay kay Padre Dámaso ng isang liham.
Nol Juan – Siya ang tagapangasiwa sa paaralang pinapapatayo ng binatang si Crisostomo Ibarra.
Elias – Si Elias ay isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti ang lipunan. Matapos ang kanyang buhay ay nailigtas ni Crisostomo Ibarra, sinimulan niyang tulungan ang binata, iniligtas siya sa maraming pagkakataon.
Kabanata 48 Mahahalagang Pangyayari
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa ika-apatnapu’t walong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere.
- Ang masayang pagbabalita ng binatang si Ibarra sa mga taong nasa loob ng bahay ng mga Delos Santos na siya hindi na ekskomunikado.
- Ang pagkakakita ni Ibarra kay Maria Clara at linares na nag-uusap sa balkonahe.
- Gusto mang lapitan ni Maria Clara ngunit ito kaniyang hindi magawa dulot ng panghihina sa sakit, kaya’t si Ibarra na lamang ang lumapit.
- Ang pagpapaalam na lamang ni Ibarra sapagkat kaniyang napuna na wala pang lakas ang dalaga upang makapag-usap ng matagal.
- Ang pagkakaroon ng maikling pag-uusap sa pagitan ni Ibarra at Elias ukol sa kaniyang kaligtasan.
Kabanata 48 Noli Me Tangere Aral
Sa kabanatang ito ay makukuha natin ang aral na walang perpektong relasyon sapagkat hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kaya’t sa ating buhay ay mahalagang intindihan ang mga sitwasyong nangyayari para sa kapayapaan ng ating puso at isipan.
Konklusyon
Sa pangkalahatan ang kabanatang ito ay nagpapakita sa atin na ang binatang si Ibarra ay muli ng tinatanggap ng sa simbahan. Sapagkat ito ay hindi na eksokuminikado. Makikita rin natin sa kabanatang ito ang pagbusilak ng kaunting hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Ibarra at Maria Clara.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 45
- Noli Me Tangere Kabanata 46
- Noli Me Tangere Kabanata 47
- Noli Me Tangere Kabanata 49
- Noli Me Tangere Kabanata 50
We are proud Pinoy!