Noli Me Tangere Kabanata 47 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 47 – Sa artikulong ito ay inyung mababasa ang ika-apatnapu’t pitong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Dalawang Donya.”

Nawa’y inyung makuha ang tinataglay na aral sa kabanatang ito. Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ika-apatnapu’t pitong kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Ang mag-asawang de Espadana ay magka-akbay na namamasyal ito ay sina Donya Victorina at ang asawa nitong si Don Tiburcio. Sa kanilang pamamasyal ay tinitignan ng mga ito ang bahay ng mga indio.

Si Donya Victorina ay nakakatanggap ng isang pugay mula sa mga indio na kanilang nakakasalubong na nagpapabalisa sa kaniya. Kaya’t inutusan nito ang kaniyang asawa na mamalo ngunit ito ay umayaw dahil na rin sa kapansanan nitong taglay.

Sa kanilang paglalakad ay napadaan ang mga ito sa tahanan ng Alperes, na naging sanhi upang magtama ang paningin ni Donya Victorina at Donya Consolacion. Mapang-husga ang pagtitinginan ng dalawa at nagawa pang dumura ni Donya Victorina sa bahay ng mga ito na kinainis ng Alperes.

Dahil dito ay sinugod ni Donya Consolacion si Donya Victorina at nagkasagutan ang dalawa. Nilait nito ang asawa ng isa’t-isa sa kanilang pagtatalo.

Sa galit ay kumuha ng latigo si Donya Consolacion kaya’t kaagad namang inawat ang mga ito ng kanilang mga asawa.

Ang pag-aaway ng dalawa ay narinig sa buong bayan ng San Diego. Inutos ni Donya Victorina sa kaniyang asawa na barilin ang Alperes at ganun din ang ginawa ni Donya Consolacion sa kaniyang asawa.

Ngunit ang mga ito ay tumanggi. Kalaunan ang mag-asawang de Espadana ay bumalik na sa bahay ni Kapitan Tiyago. Agad naman umalis ang mga ito matapos makuha ang bayad mula kay Kapitan Tiyago sa pagseserbisyo ng mga ito sa kaniyang anak na si Maria Clara.

Mga Tauhan ng Kabanata 40

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan na nabanggit o gumanap sa ika-apatnapu’t pitong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Rizal.

Donya Victorina – Siya ay isang sosyalista at kaibigan ni Kapitan Tiago. Siya kasama ang kanyang asawang si Don Tiburcio ay naghangad na iugnay ang kanilang mga sarili sa mga maimpluwensyang tao ng San Diego upang makakuha ng higit pang katayuan sa lipunan.

Don Tiburcio – Siya ay may bahagyang pilay at walang ngipin. Nagsasalita siya sa monosyllables habang nauutal. Siya ay kalbo at magiging slobber kapag siya ay nagsasalita.

May mga tipikal na tampok na Espanyol ngunit mukhang matanda para sa kanyang edad, na 35 taong gulang, nang makilala niya ang kanyang magiging asawa. Payat at hindi maganda ang pananamit, punit at tagpi ang kanyang amerikana.

Donya Consolacion – Isang matandang babaeng Pilipina ang ikinasal sa watawat. Si Doña Consolación ay isang brutal, bulgar na kapareha na nang-aaway sa bandila, sinasali siya sa matinding pisikal na away na naririnig sa buong bayan

Maria Clara – Kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ang magiging kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

Linares – Ang pamangkin ni Doctor de Espadaña mula sa Espanya. Si Linares ay mayroong degree sa abogasya at siya ang pinakamatalinong miyembro ng pamilya de Espadaña, isang katotohanang nagpamahal sa kanya kay Doña Victorina.

Siya ang nagbigay kay Padre Dámaso ng isang liham—malamang na peke na naglalamn ng isang hiling sa kanya na humahanap ng trabaho at asawa ang binata.

Kabanata 47 Mahahalagang Pangyayari

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa ika-apatnapu’t pitong kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere.

  • Ang pagkakaroon ng mahabang pagtatalo sa pagitan ni Donya Victorina at ng Alperes dahil lamang nagtagpo ang kanilang paningin.
  • Ang biglang pag-awat ni Padre Salvi ngunit binulwayan lamang ito ng Alperes na siya’y nagpapabanal-banalan lamang.
  • Sinaad na lamang ni Donya Victorina na ang kanilang alitan ay idaan na lamang sa isang dwelo sa pagitan ng Alperes at ng kaniyang asawa.
  • Ang pagdating nila sa bahay ng mga Delos Santos at nakitang nag-uusap si Maria Clara at Linares.
  • Ang pagkumbinsi ni Donya Victorina sa binata upang makipagdwelo sa Alperes ay hindi nangyari sapagkat, ayaw ng kaniyang asawa.
  • Dumating ang may-ari ng bahay na si Kapitan Tiyago na agad na sinabihan ng Donya na wag ipakasal ang binata kay Maria sapagkat ito’y duwag.
  • Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang mag-asawang de Espadana at naiwan naman si Linares na nagtataka.

Kabanata 47 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay makukuha natin ang isang aral na kung gusto natin na respetuhin tayo, dapat ay matuto rin tayong rumespeto sa ibang tao. Tulad na lamang ni Donya Victorina siya ay nagtataka kung bakit hindi siya nirerespeto ng iba.

Sapagkat hindi nito nakikita sa kaniyang sarili na siya mismo ay hindi rumerespeto ng ibang tao at mapanghusga sa mga nakapaligid sa kaniya.

Kaya’t kung gusto nating makatanggap ng respeto galing sa ibang tao, ay matuto rin tayong rumespeto sa iba.

Konklusyon

Sa pangakalahatan sa kabanatang ito ay masasaksihan natin ang pagkakaroon ng isang mahabang pagtatalo sa pagitan ng dalawang Donya. Makikita rin natin dito ang pagkakaroon nila ng parehong pag-uugali at panglalait sa asawa ng bawat isa.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment