Noli Me Tangere Kabanata 4 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 4 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng ikaapat na kabanata ng nobelang ginawa ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere. Nawa’y sa inyong pagbasa ng artikulong ito ay inyong maintindihan ang ipinapahiwatig na mensahe o aral sa kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 4 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 4 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 4 Buod: Erehe At Pilibustero

Habang naglalakad ang binatang si Ibarra patungo sa plasa ng Binondo ay kaniyang naisip na ang lugar ay wala pa ring pinagbago kahit na siya’y pitong taon na nawala sa Pilipinas. Habang binabaybay niya ang daan ay nakita siya ni tinyente Guevarra na sinabayan naman siyang maglakad. At habang silang dalawa ay naglalakad, ikinuwento ng tinyente ang nangyari sa kanyang ama na si Don Rafael.

Ikinuwento ng tinyente na maraming naiinggit sa kanyang ama kasama na rito ang mga prayle sa simbahan na pinangungunahan ni Padre Damaso.

Ang mga ito ay naiingit sa kanyang ama sa kadahilanang ito ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan at ito ay likas na matulungin sa mga tao. At ayon sa tinyente, ilang buwan pa lamang siyang nakakaalis ay agad na uminit ang pagitan nina Padre Damaso at ng kanyang ama.

At dahil sa kanilang alitan ay pinili ni Don Rafael na huwag ng mangumpisal sa simbahan na mas ikinagalit ng mga prayle. Isang araw ang dumating at mayroong kastilang artilyero na binigyan ng dokumento. Hindi marunong ang kastila kung kaya’t ito’y pinagtawanan ng grupo ng isang kabataan na nag-udyok sa kastila upang sila ay habulin at batuhin ng baston ng sila’y hindi nito mahabol.

Ang isa sa mga bata ay natamaan ng kanyang baston kaya’t ito ay kanyang pinagsisipa. Nakita ni Don Rafael ang kalupitang ito at agad na umawat. At ayon sa mga kuro-kuro, sinaktan raw ni Don Rafael ang kastila na nagdulot ng kamatayan rito.

Sa pag-iimbestiga ng mga gwardya sibil, si Don Rafael ay kanilang idinakip at kinulong. Habang si Don Rafael ay nakakulong, biglang nagsilabasan ang kanyang mga lihim na kaaway. Sa pag-iimbestiga ay pinaratangan nilang erehe at pilibustero si Don Rafael at siya’y inakusahan rin ng iba’t-ibang klase ng akusasyon na walang katotohanan.

Ang tinyente na si tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael. At siya lamang ang hiningan ng tulong nito upang siya ay hanapan ng abogadong kastila na makakatulong sa kanyang kaso.

Napatunayan sa paglilitis na si Don Rafael ay isang inosente. Ngunit huli na ang lahat sapagkat ito’y binawian na ng buhay.

Mga Tauhan ng Kabanata 4

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Tinyente Guevarra – Siya ay isang matandang tinyente ng Guardia Civil at isang matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya ay may malalim na paggalang sa lalaki. Nang maglaon ay nagsikap siyang protektahan ang anak ni Don Rafael na si Ibarra pagkatapos nitong umuwi ng huli mula sa Europa.

Don Rafael Ibarra – Siya ang ama ni Crisostomo Ibarra. Siya ang pinakamayamang tao sa San Diego. Siya ay mabait at mapagbigay. Sa gayon ay natapakan niya ang mga daliri ng mga piling tao na pagkatapos ay nakipagsabwatan upang sirain siya.

Artilyerong Kastila – Ang kastilang namamahala sa mga kasangkapan na gamit sa gyera. At ang binigyan ng dokumento at pinagtawanan ng mga bata.

Mga mapang-asar na bata – Ang mga kabatang tumawa sa kastilang artilyero.

Padre Damaso – Siya ay ang totoong ama ni Maria Clara. Siya ang dahilan na napalayo si Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa, sapagkat siya ay hindi sang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Kabanata 4 Noli Me Tangere Aral

  • Sa ikaapat na kabanatang ito ay ating maiintindihan na hindi lahat ng ating tinutulungan ay tutulungan rin tayo sa oras ng ating pangagailangan.

    Atin ring maiintindihan na kahit gaano man tayo kabuti sa ating kapwa ay hindi pa rin natin maiiwasan na magkaroon ng tao na mayroong galit sa atin.

    At ang pinakahuli, wag tayong manghusga ng ating kapwa tao lalo na ng mga taong nasa kulungan, dahil hindi lahat ng nasa kulungan ay makasalanan. Ang iba ay basta-basta na lamang inakusahan ng kasalanan na hindi nila ginawa.

    Kaya’t bilang Pilipino ay isapuso natin ang mga aral na ating nakuha sa kabanatang ito. Sapagkat ito ay makakatulong sa atin upang tayo ay magkaroon ng malawak na pang-intindi sa ibang tao.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang artikulong ito ay nakasentro sa pinagdaanan ng ama ni Ibarra na si Don Rafael sa loob ng kulungan. Dito ay ating makikita na pinaratangan ng mga samo’t-saring akusasyon si Don Rafael na naging dahilan upang siya ay dakipin ng mga gwardiya sibil.

Atin ring makikita na habang nasa paglilitis ang kanyang kaso ay bigla namang nagsilabasan ang mga tao na mayroong galit kay Don Rafael upang siya’y pagtulungan. Ngunit sa huli ay napatunayang inosente ang ama ni Ibarra na si Don Rafael ngunit ito’y huli na sapagkat binawian na siya ng buhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment