Noli Me Tangere Kabanata 3 (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 3 (Buod) – Sa artikulong ito, ating basahin at tunghayan ang mga pangyayari sa ikatlong kabanata ng nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere.” Nawa’y sa inyong pagbasa ng artikulong ito ay inyong maintindihan ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 3 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 3 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 3 Buod: Ang Hapunan

Ang pari na si Padre Damaso ay galit na galit pa rin dahil sa mainit na usapan. Dahil rito ay sinisipa niya ang lahat ng silya na kanyang madadaanan hanggang sa ang isang kadete ay kanyang masiko. Wala namang magawa ang kadete sa ginawa ng pari at ito’y yumuko at tumahimik na lamang.

Dahil sa pagkakainitan na nangyari, ito ay nagdulot ng paggitgitan sa handaan na nagresulta upang magalit si Donya Victorina. Siya ay nagalit sa kadahilanang naapakan ng tinyente ang kanyang kasuotan. Agad naman na humingi ng paumanhin ang tinyente kay Donya Victorina sa kanyang nagawa.

Nang sila ay nasa hapagkainan na, nagtalo ang dalawang pari na sina Padre Damaso at Padre Sibyla kung sino ang karapat-dapat na umupo sa sentrong upuan.

Sinabi ni Padre Sibyla na dapat ay si Padre Damaso ang umupo roon. Ngunit tumanggi naman si Padre Damaso at sinabi na si Padre Sibyla ang nararapat na umupo roon, sapagkat siya ang kura ng lugar. Sa huli ay si Padre Sibyla ang umupo sa pinaka-sentrong upuan.

Sa hapagkainan, ang lahat ay naupo na at ipinahain na ni Kapitan Tiyago ang ipinaluto niyang tinolang manok. Sa pagkain na ipinahain ni Kapitan Tiyago, lahat ng bisita ay natuwa sa parte ng manok na kanilang natanggap maliban sa pari na si Padre Damaso. Mas lalong uminit ang ulo ni Padre Damaso dahil ang kanyang natanggap ay ang leeg ng manok.

Ang lahat ng bisita ay kumakain na sa hapagkainan at napag-usapan nila ang buhay ng binata na si Ibarra. Isinaad ng binata ang kanyang karanasan at pagkawala sa Pilipinas ng pitong taon upang makipagsapalaran sa banyagang lugar ng Europa upang mag-aral.

Ngunit ang pari na si Padre Damaso ay hindi nagpatinag at agad na sumali at sumulpot sa usapan at nagmayabang tungkol sa mga kaalaman na kanyang nalalaman. Dahil rito ay umalis ang binatang si Ibarra sa hapunan. Nang siya ay paalis na ay pinigilan ito ng Kapitan ngunit siya ay tumanggi at tuluyang umalis.

Mga Tauhan ng Kabanata 3

Padre Damaso – Siya ay ang totoong ama ni Maria Clara. Siya ang dahilan na napalayo si Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa, sapagkat siya ay hindi sang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Padre Sibyla – Siya ay isang Dominikanong prayle na kura ng Binondo at dating propesor sa kolehiyo ng San Juan de Letran. Isa siyang bata, maganda, at matikas na pari na mayroong taglay na kapanahunan.

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Kapitan Tiyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ang ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Siya ay nagsumikap na sundin ang kagustuhan ng mga prayle.

Maria Clara – Si Maria Clara ang anak ni Padre Damaso at kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

Doktor Espadana – Si Don Tiburcio ay asawa ni Doña Victorina. Ipinakilala siya bilang isa sa mga inanyayahang panauhin ni Kapitan Tiyago sa welcome party ng huli para kay Juan Crisostomo Ibarra. Kilala siya sa paniningil ng napakataas na bayad para sa kanyang panggagamot.

Donya Victorina – Siya ay asawa ni Don Tiburcio. Siya ang babaeng nagpanggap na isang meztisa o isang Kastila na ipinanganak sa Pilipinas at laging nangangarap na makahanap ng asawang Espanyol.

Tinyente Guevarra – Siya ay isang matandang tinyente ng Guardia Civil at isang matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya ay may malalim na paggalang sa lalaki. Nang maglaon ay nagsikap ito na protektahan ang anak ni Don Rafael na si Ibarra pagkatapos nitong umuwi ng huli mula sa Europa.

Kabanata 3 Noli Me Tangere Aral

  • Wag tayong magmataas tulad ng ginawa ni Padre Damaso dahil lamang sa tingin natin ay tayo’y mas nakakalamang sa iba.
  • Tayo ay makuntento na sa pagkain na ating natatanggap at magpasalamat na lamang sa Panginoon. Palagi rin nating tandaan na manahimik sa tuwing may taong nagsasalita at maghintay hanggang sa ito ay matapos bago magsalita.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang kabanata na ito ay nagpapakita ng mga kaganapan na nangyayari sa hapagkainan. Dito ay ating makikita ang pagkakadismaya ng pari na si Padre Damaso dahil sa hiwa na inihain sa kanya. Makikita rin natin sa kabanatang ito ang pag-alis ni Ibarra sa handaan dahil sa kabastusan na ginawa ni Padre Damaso.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment