NOLI ME TANGERE KABANATA 2 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng ikalawang kabanata ng nobelang “Noli Me Tangere.” Nawa’y sa inyong pagbabasa ng artikulong ito ay inyong maintindihan ang ipinapahiwatig na aral sa kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 2 Buod: Crisostomo Ibarra
Ang prayle na si Padre Damaso ay nagulat ng makita ang panauhin na kasama ni Kapitan Tiyago. Ito ay ang binata na si Crisostomo Ibarra. Ayon sa nakaugalian ni Ibarra, pagdating sa handaan ay agad siyang bumati sa mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari.
Ipinakilala naman ni Kapitan Tiyago ang binata na si Ibarra habang bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ni Padre Damaso. Pinakilala niya ito na anak ng kanyang matalik na kaibigan na si Don Rafael Ibarra. At ang anak nitong si Ibarra ay pitong taon na nag-aral sa Europa.
Sa pagtitipon, agad namang kusa na nagpakilala si ibarra bilang Juan Crisostomo Y Magsalin. At agad itong nagtangka na makipagkamay sapagkat ito ay kaniyang nakaugalian sa Alemanya. Ngunit ang pari na si Padre Damaso ay tumanggi sa kanyang pakikipagkamay.
Ang tinyente ay lumapit kay Ibarra at nakipag-usap. Ito ay nagpapasalamat na ang binata ay ligtas na nakarating mula sa Europa. Kasabay nito ay pinuri rin ng tinyente ang kabaitang taglay ng kanyang ama na si Don Rafael na nagpagaan ng kalooban ni Ibarra.
Habang nakikipag-usap ang tinyente kay Ibarra ay palihim naman siyang tinapunan ng tingin ni Padre Damaso. Nakuha naman ng tinyente ang ipinapahiwatig ng pari kung kaya’t agad niyang tinapos ang pakikipag-usap sa binata.
Nang malapit na ang hapunan, isang ginoo ang lumapit kay Ibarra. Siya ay si Kapitan Tinong. Siya ay isa rin sa mga matalik na kaibigan ng kaniyang ama na si Don Rafael.
Inanyayahan niya si Ibarra na kumain ng pananghalian sa kanilang bahay kinabukasan. Ngunit tumanggi naman si Ibarra sapagkat siya ay pupunta sa San Diego kinabukasan.
Handa na ang lahat para sa hapunan.
Mga Tauhan ng Kabanata 2
➤ Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.
➤ Kapitan Tiyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ang ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Dagdag pa riyan, siya ay nagsumikap na sundin ang kagustuhan ng mga prayle.
➤ Kapitan Tinong – Siya ay ang matalik na kaibigan ni Kapitan Tiyago. At siya rin ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra na si Don Rafael.
➤ Donya Victorina – Siya ay asawa ni Don Tiburcio. Siya ang babaeng nagpanggap na isang meztisa o isang Kastila na ipinanganak sa Pilipinas at laging nangangarap na makahanap ng asawang Espanyol.
➤ Padre Damaso – Siya ay ang totoong ama ni Maria Clara. Siya ang dahilan kung bakit napalayo si Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa. Ito ay sa kadahilanang siya ay hindi sang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
➤ Padre Sibyla – Siya ay isang Dominikanong prayle na kura ng Binondo at dating propesor sa kolehiyo ng San Juan de Letran. Isa siyang bata, maganda, at matikas na pari na may taglay na kapanahunan. Siya ay nakasuot ng isang salamin sa mata at may manipis at pinong labi.
➤ Tenyente Guevarra – Siya ay isang isang matandang tinyente ng Guardia Civil at isang matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya ay may malalim na paggalang sa lalaki, nang maglaon ay nagsikap siyang protektahan ang anak ni Don Rafael na si Ibarra pagkatapos nitong umuwi ng huli mula sa Europa.
➤ Grupo ng kababaihan at kalalakihan – Ang mga babae at lalakeng panauhin sa ginaganap na handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Kabanata 2 Noli Me Tangere Aral
- Maging magalang sa matatanda, katulad ng ginawa ni Ibarra. Kahit na pinakitaan siya ng hindi kaaya-ayang ugali ni Padre Damaso at kahit na siya ay ipinahiya nito sa pamamagitan ng pagtanggi na siya ay kaibigan ng ama ni Ibarra.
- Huwag magtiwala ng basta-basta sa mga tao, sapagkat kahit na ang mga malalapit sa ating buhay ay hindi natin mapagkakatiwalaan ng lubosan.
- Wag maging mapagmataas dahil lamang ikaw ay nakakalamang sa iyong kapwa. Katulad ni Ibarra, kahit na siya ay sa Europa nag-aral ng pitong taon, siya ay nanatiling mapagpakumbaba sa kanyang salita at gawa.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ating makikita na ang kabanata 2 o ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere ay nakasentro sa binatang si Crisostomo Ibarra. Atin ring makikita na sa kabanatang ito, siya ay dumating na sa handaang hinanda para sa kanya.
At agad din naman siyang ipinakilala ni Kapitan Tiyago sa mga bisita bilang anak ni Don Rafel na nag-aral ng pitong taon sa Europa. Atin ring makikita rito ang pagka-disgusto ng pari na si Padre Damaso sa binatang si Crisostomo Ibarra.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 3
- Noli Me Tangere Kabanata 4
- Noli Me Tangere Kabanata 5
- Noli Me Tangere Kabanata 6
- Noli Me Tangere Kabanata 7
We are proud Pinoy!