NOLI ME TANGERE KABANATA 18 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng ikalabingwalong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere. Nawa’y sa inyong patuloy na pagbasa ay inyong makuha ang aral na tinataglay ng kabanatang ito.
Ngayon ay atin ng simulan ang pagbasa ng buod ng ikalabingwalong kabanata ng Noli Me Tangere.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa
Nakita ng mga manang na tila matamlay ang Prayle na si Padre Salvi na parang ito ay may iniindang sakit sa katawan. Nasa kumbento ang mga ito upang alamin mula sa kura kung sino ang kukuhanin nito upang magsermon sa paparating na kapistahan ng bayan.
Si Padre Damaso? Padre Martin o ang koordinator. Sa kanilang paghihintay ay kanilang napag-usapan ang pagkakaroon ng indulhensiya plenarya. Patuloy lamang silang nag-uusap at hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.
Si Sisa ay mayroong dalang sariwang gulay na pinitas pa niya sa kaniyang hardin. Mayroon rin siyang dala na halamang dagat na kadalasang paborito ng kura na gawing salad. Pinaghandaan ni Sisa ang pagpunta sa kumbento at suot niya ang pinakamaganda niyang damit.
Pumasok si Sisa sa loob ng kumbento at inaasahan na makikita ang kaniyang anak na si Crispin. Ngunit ito ay hindi niya nakita. Binati ni Sisa ang mga sakristan at kawasi sa kumbento ngunit siya ay hindi pinansin ng mga ito. Kaya’t minabuti na lamang ni Sisa na siya na lamang ang mag-ayos ng kaniyang mga dinala.
Hinanap ni Sisa ang kura at nagtanong kung pwede ba niya itong makausap. Ngunit siya ay sinagot ng isang alila na ito ay may sakit. Hinanap rin ni Sisa ang anak na si Crispin. Nagimbal ang mundo ni Sisa sa sinagot sa kaniya ng alila. Sinabi nito na si Crispin ay tumakas sa kumbento pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa.
Dagdag pa ng alila ay maaring nasa bahay na nila Sisa ang mga guwardiya sibil upang hulihin ang kaniyang mga anak. Patakbo na lamang na nilisan ni Sisa ang kumbento habang gulong-gulo ang isip.
Mga Tauhan ng Kabanata 18
Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan na nabanggit sa ikalabingwalong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere.
Sisa – Ang babaeng nakatira sa San Diego at ina nina Basilio at Crispin. Matapos mawala ang dalawa niyang anak, nabaliw si Sisa, naglibot-libot sa bayan habang hinahanap sila.
Kusinera – Siya ang pinagtanungan ni Sisa kung nasaan ang kura ng kumbento at kung nasaan ang kaniyang anak na si Crispin.
Pedro, Rufa, Sipa at Hermana Juana – Ang mga manang at manong na nag-uusap tungkol sa indulhensiya plenarya.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa pagmamahal ni Sisa sa kaniyang anak na si Crispin. Makikita rin natin dito na kahit sila ay walang-wala na ay nagawa pa ni Sisa na magdala ng pagkain para ialay lamang sa kura at alang-alang lamang na marinig ang tinig ng kaniyang anak na si Crispin.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 17
- Noli Me Tangere Kabanata 18
- Noli Me Tangere Kabanata 19
- Noli Me Tangere Kabanata 20
- Noli Me Tangere Kabanata 21
We are proud Pinoy!