Mga Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika

TEORYA NG WIKA – Ngayong araw, may panibago na naman tayong aralin sa Filipino na tatalakayin, ito ay kung ano ang mga teoryang pinagmulan ng wika. Handa ka na bang matuklasan kung saan ang pinagmumulan ng wika?

Halina’t sabay-sabay nating tuklasin ang teorya ng wika sa ibaba. Palawakin at linangin natin ang iyong kaalaman ukol sa wika.

Mga Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika
Mga Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika

Bago tayo tumungo sa mga teorya ng pinagmulan ng wika. Atin munang balikan ang kahulugan ng wika upang inyu munang maunawaang mabuti kung ano nga ba ang tinatawag na wika.

Ano ang kahulugan ng wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon o na ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa araw-araw. Ang wika ay nagbabago sa isang partikular na lugar.

Dagdag pa rito, ito ay isang kalipunan ng mga signo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang gustong iparating ng kaisipan.

Ngayon, atin ng simulang alamin ang mga teorya ng wika at kung saan ito nagmula at ang mga kahulugan nito.

Mga Teorya Ng Wika

Ang mga sumusunod ay ang mga teorya ng wika at ang kanilang depinisyon.

1. Teoryang Biblikal

Tinatawag din itong teoryang pan relihiyon, umiikot ang teoryang ito sa kwento ng Tore ng Babel na ma babasa sa Genesis 11:1- 9 na nagsasabi na sa simula’y iisa lamang ang wika at iisang mga salita.

2. Teoryang Ding-dong

Batay naman sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa pagsunod ng mga sinaunang tao sa mga tunog na kanilang naririnig sa kalikasan.

Halimbawa:

  1. langitngit ng mga kawayan.
  2. Tunog ng hangin.
  3. Paghampas o ragasa ng tubig.
  4. Tiktak ng orasan
  5. Kiskisan ng mga dahon atbp.

Kung kaya ang salitang “boom” ay naiuugnay sa pagsabog, “splash” ay paghampas ng tubig, at ang “whoosh” ay sa tunog ng hangin.

3. Teoryang Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay bumabatay sa mga tunog na nilikha ng mga hayop kagaya na lamang ng aw-aw natunog ng aso, ngiyaw ng pusa, tilaok ng manok, at marami pang iba.

4. Teoryang Pooh-pooh

Ang teoryang ito ay nagmula raw sa mga wika at tunog na lumalabas sa mga bibig ng mga sinaunang tao. Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa bugso ng damdamin na nagsasaad sa tuwing nakakaramdam ang mga ito ng masidhing damdamin o emosyon.

Kagaya ng labis na tuwa, galak, galit, sakit, pithaya, kalungkutan, atbp.

5. Teoryang Ta-ta

Ang teoryang ito ay batay sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng mga tao na ginaya ng dila hanggang sa nakalikha ng tunog at natutong magsalita. Ito raw ang pinakamalapit na basehan ng wika.

6. Teoryang Yoo He Yo

Sa teoryang ito ang wika raw ay nanggaling sa mga tunog na puwersang pisikal. Katulad na lamang ng karate – (yah!, heyyah!) at pagbubuhat ng mabigat – (urgh! uhmmm!), at maraming pang iba.

7. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

Sa teoryang ito pinaniniwalaan na sa mga tunog na galing sa ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutong magsalita ang mga tao. Ang mga ay nagmula sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal nang tumagal ay binigyang ng iba’t ibang kahulugan.

Kagaya na lamang ng pagsayaw, pagsigaw, at mga bulong o (incantation) na ginagawa tuwing makikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, at iba pa.

8. Teoryang Sing-song

Sa teoryang ito ang wika raw ay nagmula sa paglalaro, paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw, at iba pang mga bulalas-emosyunal na iminungkahi ng linggwistikang si Jesperson. Kanya ring iminungkahi na taliwas ang iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

9. Teoryang Mama

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa pinakamadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Ang unang masasabing ang kataga ng mga bata ay mama na bilang katumbas ng salitang mother.

10 .Teoryang Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao. Sinuwerte lamang daw sa pagbubulalas ang mga tao noon. Nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalauna’y naging pangalan ng mga iyon.

11. Teoryang Hocus Pocus

Sa teoryang ito maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno, ayon kay Boeree (2003).

Noon daw kase tinatawag ng mga sinaunang tao ang kanilang mga hayop sa pamamagitan ng mahikal na tunog na noong tumagal ay naging pangalan nang bawat hayop.

12. Teoryang Eureka

Sa teoryang ito ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay, ayon kay Boeree (2003). Ang wika raw ay sadyang inimbento o nilikha.

Dagdag pa rito, nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, lubhang kay bilis itong lumaganap sa ibang tao at kalauna’y naging kalakaran ng mga bagay-bagay.

13. Teorya ni Charles Darwin

Ayon sa teoryang ito, nakikipagsapalaran ang tao kung kaya nabuo ang wika ayon sa kanya. “Survival of the fittest, elimanation of the weakest.” Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao kailangan niya ng wika.

Ito ay nakasaad sa aklat ni Lioberman(1975) na may pamagat na “On the Origin of Language,” sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng ibat-ibang wika.

14. Teorya ni B.F Skinner

Ayon sa kanya ang bawat nilalang ay may kakayahang matutu ng wika. Ang konsepto ng pagkatutu para kay Skinner ay itinatakda ng mga panloob, mga mekanismong pagbigkas, tulad ng dila, tenga, ngipin, at iba pa. At, panlabas na mga salik o factor.

15. Haring Psammitichos

Sinabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa siya ng isang eksperimento si Psammitichos kung paano nga ba nakakapagsalita ang tao.

Mayroon siyang dalawang sanggol na ipinalaki at mahigpit niyang ipinag-utos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapag salita raw ng “Bekos” ang dalawang bata na ang ibig-sabihin ay tinapay.

Sa maikling sabi, likas na natutuhan ng tao ang wika kahit hindi ito ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.

Konklusyon

Iyan lamang ang kabuuan ng ating talakayan batay sa mga teorya ng pinagmulan ng wika. Tiyak na makakatulong ang paksang ito sa inyung mga aralin sa Filipino at sa paglinang ng iyong mga kaalaman ukol sa pinagmulan ng wika.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay aming mabigyan ng kasagutan sa bawat tanong ukol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Mga Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment