Mga Halimbawa Ng Salawikain Tungkol Sa Diyos

MGA SALAWIKAIN TUNGKOL SA DIYOS – ating matutunghayan ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa Diyos. Ang mga salawikaing ito ay ang magpapatunay kung gaano tayo kamahal ng Diyos.

Ang Diyos ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito. Kaya ating pakaingatan ang buhay na kanyang ibinigay sa atin. Gamitin natin ang ating buhay sa maayos at marangal na pamumuhay.

Mga Halimbawa Ng Salawikain Tungkol Sa Diyos
Mga Halimbawa Ng Salawikain Tungkol Sa Diyos

Bago natin alamin ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa Diyos. Atin muna itong sariwan ang kahulugan ng salawikain.

Ano ang salawikain?

Ang salawikain proverbs sa wikang Ingles, ay mga parirarala o pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. Ito ay karaniwang anyong patula na nagbibigay ng mga gintong aral.

Naglalaman ito ng mga paaalala, karunungan, aral, payo, at supporta sa mga Pilipino, lalong-lalo na sa mga kabataan. Kung kaya’y mahalaga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ang salawikain ay bahagi ng panitikang Pilipino, na binubuo ng mga matatalinhagang salita.

Mga halimbawa ng Salawikain tungkol sa Diyos

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain ukol sa Diyos.

1. Sa Diyos ka manalig nang hindi manganib.

2. Tumutulong ang Diyos sa tumutulong sa kanyang sarili.

3. Magbalot ka man sa baklad, mamamatay din kung palad; Mahanga pa’y ang tumanyag at sa Diyos ka tumawag.

4. Walang sa Diyos nanalig, na sumasapanganib.

5. Pagdating ng araw ng paghuhukom, wala nang kwenta ang kayamanan. Matuwid na pamumuhay ang maghahatid ng kaligtasan mula sa kamatayan.

6. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

7. Ang hanap ni Bathala ay hindi salita kundi gawa.

8. Ang pananalig, ay landas ng tagumpay.

9. Ang tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.

10. Ang lubos na katiwasayan, sa langit matatagpuan.

11. Iyang panalangin kahit di habaan, mabuti pa ang maiksi, mabisa lamang.

12. Ang lumura sa langit, sa mukha ang tilamsik.

Konklusyon

Ang mga nabasang halimbawa ng salawikain ukol sa Diyos ay nag-iiwan sa atin ng paalala na tayong lahat ay anak ng Diyos kaya mahal niya tayo. May mga bagay man na nangyayari sa ating buhay kagaya ng problema at iba pa.

Ang mga ito ay binigay lamang ng Diyos sa atin upang maging matatag pa tayo sa buhay. Palakasin pa natin ang ating pananampalataya at ialay natin ang ating buhay sa Diyos at siya na ang bahala sa atin.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw. Kung maaari sana ay inyo itong ibahagi sa iba upang kanila ring malaman ang inyong natuklasan sa artikulong ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyong pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyo lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Mga Halimbawa Ng Salawikain Tungkol Sa Diyos,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang mga Salawikain

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment