Mga Elemento Ng Maikling Kwento, Kahulugan, Bahagi, At Uri

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO – Sa tekstong ito, inyung malalaman ang ibat-ibang elemento, kahulugan, bahagi, at mga uri ng maikling kwento. Na siguradong makatutulong sa inyung asignatura sa Filipino.

Ang mga elementong ito ang siyang nagpapaganda sa nilalaman ng kwento. Handa ka bang malaman kung anu ano ang mga elemento ng maikling kwento? Halina’t inyung matutunghayan sa ibaba ang elemento ng maikling kwento, ang mga uri nito, atbp.

Mga Elemento Ng Maikling Kwento, Kahulugan, Bahagi, At Uri
Mga Elemento Ng Maikling Kwento, Kahulugan, Bahagi, At Uri

Ngayon, atin ng talakayin ang mga elemento ng maikling kwento at kahulugan nito. Inyu ring matutunghayan ang mga uri ng elemento at iba pa. Unawaing mabuti ang inyung mababasa, tiyak na makakatulong ito sa tulad mong mag-aaral.

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa mahalaga o importanteng mga pangyayari na kinasasangkutan ng mga tauhan na tatak sa isipan ng mga mambabasa.

Halimbawa ng Maikling Kwento

Ang ilan sa mga halimbawa ng maikling kwento ay narito:

Maikling Kwento tungkol sa Pamilya

Maikling Kwento tungkol sa Pamilya

Ang aming koleksyon ng mga maikling kwento tungkol sa pamilya ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tauhan na kasapi sa pamilya.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang: Si Juan, ang Pumatay ng Higante

Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Si Juan, ang Pumatay ng Higante” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

Nakakakilig, nakakaaliw, nakakakaba, nakakabaliw. Ilan lamang iyan sa mga emosyong naidudulot ng pag-ibig sa atin.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: Ang Nawawalang Prinsesa


Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa.

Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Nawawalang Prinsesa sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Maikling Kwento tungkol sa Pangarap

Maikling Kwento tungkol sa Pangarap

Anuman ang ating pangarap o hangarin sa buhay, mahalaga na malaman na ang katuparan ng ating mga pangarap ay nasa ating mga kamay.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.

Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.

Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na Mariang Mapangarapin sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan

Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan

Ang ating mga kaibigan ang madalas nating pinagsasabihan ng mga sekretong hindi natin masabi sa ating mga kapamilya. Halos lahat ng tao sa mundo ay may kaibigan o mga kaibigan na maituturing.

Ang Ilan sa mga ito ay: Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Dakilang Kaibigan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan

Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan

Bawat bansa ay may maipagmamalaking tanawin. Dito sa Pilipinas, marami tayong maituturing na magagandang tanawin na hinahangaan at kinaiinggitan ng maraming banyaga.

Ang ilan sa halimbawa nito ay: Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol ng isang puno upang gawing panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa.

Sinimulan niyang putulin ito ng kanyang palakol. Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Mga Elemento ng Maikling Kwento

Narito ang mga elemento ng maikling kwento at ang kanilang kahulugan. Ito ay ang mga sumusunod

1. Tauhan o Character

Ang tauhan ay tumutukoy sa mga taong gumaganap at nagbibigay buhay sa kwento.

2. Tagpuan o Setting

Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar, oras, at panahon na kung saan naganap o nangyari ang mga importanteng pangyayare sa kwento. Sa maikling salita, dito makikita ang lugar na pinangyarihan ng insidente o mga aksyon.

3. Banghay o Outline

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at konkretong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Narito ang mga bahagi ng banghay:

  • Panimula – Dito nagsisimula ang kwento at dito nakasalalay ang mga kawilihan ng mga mambabasa.
  • Saglit na kasiglahan – Dito mababasa ang paglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
  • Kasukdulan – Sa kasukdulan makikita ang mga problema o suliranin sa kwento, ang kasawian at katuparan ng mga ipinaglalaban ng mga tauhan. Ito ang pinakamataas na pangyayari at pinakamaaksiyon
  • Kakalasan – Dito matutunghayan ng mga mambabasa ang unti-unting pagkakaayos ng mga tauhan ng kanilang mga suliranin at problema. Ito ang nagbibigay daan sa wakas.
  • Wakas – Ito ay tumutukoy sa kinahihinatnan o kung paano nagtapos ang kwento.

4. Tunggalian 

Ang tunggalian ay tumutukoy sa paglalaban ng mga pangunahing tauhan. Maaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

5. Kaisipan

Ang kaisipan ay tumutukoy sa mga mensahe ng maikling kwento para sa mga mambabasa.

6. Suliranin

Ang suliranin ay tumutukoy sa mga problemang nararanasan o kinakaharap ng mga pangunahing tauhan sa kwento.

7. Paksang Diwa

Ang paksang diwa ay tumutukoy sa pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

Bahagi ng Maikling Kwento

Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng maikling kwento.

Simula

Sa simula kadalasang pinapakilala ang mga pangunahing tauhan, tagpuan, at minsan makikita rin sa simula ang mga suliranin. Dito rin makikita ang tagpuan o pinangyarihan ng mga insidente at kung kailan naganap ang kwento.

Gitna

Sa gitna naman makikita ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

Wakas

Sa wakas naman makikita ang kakalasan at katapusan at unti-unti ng bumababa ang takbo ng kwento. Sa bahaging ito, matutunghayan ang resolusyon kung paano na resolba ang mga problema at suliranin.

May mga pagkakataong hindi makikita ang katapusan ng kwento upang mabitin ang mga mambabasa sa kadahilanang ang mambabasa na mismo ang magpapasya sa wakas o kahihinatnan ng kwento.

Uri ng Maikling Kwento

Ang mga sumusunod ay ang (10) sampung uri ng maikling kwento at kanilang kahulugan.

❶ Sa Kwento ng Tauhan

Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhan na nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

❷ Kwento ng Katutubong Kulay

Nagtatalakay ang kwento ng katutubong kulay tungkol sa kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook o lugar.

❸ Sa Kwentong Bayan

 Inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

❹ Kwento ng Kababalaghan

Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan dito ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

❺ Kwento ng Katatakutan

Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak o lubhang nakakatakot.

❻ Kwento ng Madulang Pangyayari

Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

❼ Kwento ng Sikolohiko

Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

❽ Kwento ng Pakikipagsapalaran

Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

❾ Kwento ng Katatawanan

Ang kwento ng katatawanan ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

❿ Kwento ng Pag-ibig

Sa kwento ng pag-ibig, ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Konklusyon

Ating tinalakay sa artikulong ito, ang tungkol sa elemento ng maikling kwento at kahulugan. Inyu ring natunghayan ang mga uri at bahagi ng maikling kwento. Ang paksang ito ay nakakasiguradong makakatulong sa inyung takdang aralin sa asignaturang Filipino.

Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito.

Nawa ay mayroon kayong natutunan sa ating tinalakay. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Mga Elemento Ng Maikling Kwento, Kahulugan, Bahagi, At Uri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment