Mga Elemento Ng Alamat, Bahagi, Kahulugan, At Halimbawa

ELEMENTO NG ALAMAT – Ano kaya ang elemento ng alamat? Alam mo ba na ang alamat ay mayroong ibat-ibang elemento? Sa paksang ito, atin itong tatalakayin. Aalamin din natin ang kahulugan, halimbawa, at mga bahagi ng alamat.

Gusto mo na bang malaman kung ano ang mga ito? Halina’t inyung tunghayan sa ibaba ang inyung mga katanungan tungkol sa kung ano ang elemento ng alamat.

Mga Elemento Ng Alamat, Bahagi, Kahulugan, At Halimbawa
Mga Elemento Ng Alamat, Bahagi, Kahulugan, At Halimbawa

Ano ano ang mga elemento ng alamat? Sa pagkakataong ito, atin na itong talakayin. Bigyang pansin at unawin ang mga datos na aming kinalap. Tiyak na makatutulong ito sa inyung aralin.

Ano ang Alamat?

Ang alamat o tinatawag na “folklore” at legend sa Ingles.” Ito ay isang uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay.

Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay patuloy na nabubuhay hanggang ngayon. Ang mga alamat ay nakakaaliw na basahin bagamat kadalasan ay hindi ito kapani-paniwala. Ngunit, sa kanilang dakom, ito ay mayroong gintong aral para sa mga mambabasa.

Dagdag pa rito, ang alamat ay isang dyanra ng katutubo na binubuo ng isang salaysay na nagtatampok sa mga kilos ng tao, pinaniniwalaan o nahiwatigan, ng tagasalaysay at tagapakinig, na naganap sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Halimbawa ng Alamat

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng alamat.

Alamat Ng Pinya

Alamat ng Pinya - Buod at Aral ng Alamat ng Pinya (3 Versions)

Ang alamat na ito ay tungkol sa Pina at sa kanyang ina na si Aling Maria. Si aling Maria ay nagkasakit, hindi siya makabangon at makagawa kaya nag-utos siya kay Pinang na magluto ng lugaw…

Alamat Ng Rosas

Alamat ng Rosas - Buod at Aral ng Alamat ng Rosas

Ang alamat na ito ay tungkol sa isang napakagandang dilag na si Rosa. Marami siyang manliligaw ngunit wala siyang gustong piliin dahil sa kanyang ama…

Alamat Ng Saging

Alamat ng Saging - Buod at Aral ng Alamat ng Saging

Ang alamat na ito ay tungkol sa isang kaharian na pinamumunuan ng isang reyba, ang kaharian ay puno ng luntiang mga bukid, malinaw na mga batis at asul na mga burol sa Lanao…

Alamat Ng Mangga

Alamat ng Mangga - Buod at Aral ng Alamat ng Mangga (4 Versions) 2021

Ang Alamat ay tungkol sa mag-anak na nakatira sa isang bayan sa Zambales. Masisipag ang mag-asawa sina Mang Pangga at si Aling Manggita ngunit…

Mga Elemento ng Alamat

Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng alamat.

1. Tagpuan

Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar, oras, at panahon na kung saan naganap o nangyari Sa maikling salita, dito makikita ang lugar na pinangyarihan ng insidente o mga aksyon.

2. Tauhan

Ang tauhan ay tumutukoy sa mga gumanap at nagbibigay buhay sa kwento.

3. Tunggalian

Ang tunggalian ay tumutukoy sa paglalaban, pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhan. Maaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

4. Saglit na kasiglahan

Dito mababasa ang paglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento na masasangkot sa mga suliranin.

5. Kasukdulan

Sa kasukdulan matutunghayan ang mga problema o suliranin sa kwento, ang kasawian o katuparan ng mga ipinaglalaban ng mga tauhan. Ito ang pinakamataas na pangyayari at pinakamaaksiyon

6. Kakalasan

Dito matutunghayan ng mga mambabasa ang unti-unting pagkakaayos ng mga tauhan sa kanilang mga suliranin at problema mula sa kasukdulan. Ito ang nagbibigay daan sa wakas.

7. Katapusan

Sa bahaging ito matutunghayan ng mga mambabasa ang resolusyon ng kwento. Ito ay maaaring malungkot, masaya, pagkatalo o pagkapanalo.

Bahagi ng Alamat

Ang alamat ay mayroong (3) tatlong bahagi, ito ay ang mga:

1. Simula

Sa simula kadalasang pinapakilala o inilalarawan ang mga tauhan at kanilang ginagampanan, tagpuan, at minsan makikita rin sa simula ang mga suliranin. Dito rin makikita ang tagpuan o pinangyarihan ng mga insidente at kung kailan naganap ang kwento.

2. Gitna

Sa gitna naman matutunghayan ang:

  • saglit na kasiglahan
  • tunggalian
  • at kasukdulan ng kwento.

3. Wakas

Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

Sa wakas naman makikita ang kakalasan at katapusan. Sa bahaging ito, matutunghayan ang resolusyon kung paano na resolba ang mga problema at suliranin.

Konklusyon

Ating tinalakay ang mga elemento ng alamat, kahulugan, bahagi, at ang ilang halimbawa nito. Natitiyak naming makakatulong ang paksang ito sa tulad mong mag-aaral.

Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito.

Nawa ay mayroon kayong natutunan sa ating tinalakay. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Mga Elemento Ng Alamat, Bahagi, Kahulugan, At Halimbawa,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment